Kabanata 46: Haring Midas

57.6K 2.8K 529
                                    



NAGSIMULANG bumuhos ang malakas na ulan. Pati ang langit ay nakikiramay sa amin, kahit ang langit ang nalulungkot sa pagkawala ni Liam.

"Ikinalulungkot ko ang nangyari Serenity," sambit ni Kuya Arnold. "Naging mabuting tao si Liam kahit na napakasama ng kanyang ama. Hindi nararapat na mangyari ito sa kanya."

Hindi na rin niya napigilan umiyak. Kahit papaano ay naging malapit din niya kay Liam noon.

Hanggang ngayon ay parang pinipiga pa rin ang puso ko sa sobrang sakit.

"Kailangan magbayad si Haring Midas sa mga ginawa niya. Hindi ko hahayaan na hindi makamit ni Liam ang katarungan."

Tumayo ako para sundan si Scion at Haring Midas. Gusto ko na ako mismo ang tumapos sa kasamaan nila. Napakadami na nilang taong pinatay, kasama na roon ang mga magulang ko.

"Serenity, saan ka pupunta?" Tanong ni Kuya Sanchi. "Susundan mo ba si Scion? Mapanganib ang gagawin mo."

"Kailangan ko 'tong gawin, Kuya Sanchi."

"Sasama kami," sambit nila pero agad akong umiling. "Anong problema? Kailangan mo ng tulong."

"Kailangan pa natin pigilan ang mga itim na makakuha ng mga kaluluwa. Hindi pwedeng bumalik nang tuluyan si Haring Midas sa mundong 'to."

May kinuha si Kuya Sanchi sa likod ng bag niya. Isa itong maliit na punyal na gawa sa jade, "Matagal ko na dapat 'tong ibinigay sa'yo ngunit nawala na sa isip ko sa sobrang daming nangyari. Gawa ito ng iyong ama. Sabi niya magagamit mo raw ito kung sakaling magkakaharap kayo ni Midas. Ito ang maaring makatalo sa kanya."

Pagkabigay sa akin ni Kuya Sanchi ng punyal ay may naramdaman agad akong kakaiba. May mainit na bagay ang naglakbay sa buong katawan ko nang mahawakan ko iyon.

"Salamat Kuya Sanchi."

Sa huli ay wala silang nagawa. Sinunod nila ang utos ko habang ako ay nagmadali na pumunta kung nasaan sila Scion.

Pinakiramdaman ko ang enerhiya niya upang matunton ko sila. Hindi naman ako nagkamali dahil nakita ko sila sa kuweba kung saan ako ikinulong noon ni Guison.

Nanlaki ang mata ni Scion nang makita niya ako, "Anong ginagawa mo rito? Delikado rito!"

"Kailangan kong tapusin ang sinimulan ng mga magulang ko," isinara ko ang mga kamao ko habang tumutulo ang mga luha sa mata ko. "Kailangan kong iganti ang mga taong pinatay niya."

Tumawa nang napakalakas si Haring Midas.

"Huli na kayo!"

Umangat sa ere ang katawan ni Mr. Anderson pagkatapos ay lumabas ang kaluluwa ni Haring Midas. Mula sa pagiging kaluluwa ay tuluyan na siyang naging isang ganap na tao.

Malaki ang katawan niya ngunit kulay puti na ang kanyang buhok pati na rin ang mahahaba niyang balbas at ang kanya kilay. Suot-suot din niya ang kanyang baluti na gawa sa pilak.

 Suot-suot din niya ang kanyang baluti na gawa sa pilak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon