Kabanata 17: Old feelings

90.5K 3.8K 1K
                                    

Old feelings

Binuksan niya agad ang pintuan. Hinawakan niya sa braso 'yong taxi driver sabay balibag sa kanya palabas. Lalapitan niya pa sana ito pero nakita niyang may dugo ang mga hita ko kaya agad siyang lumapit sa akin para kunin ako.

Naaninag ko na nang mabuti ang mukha niya. Nanlaki ang mata ko, akala mo nakakita ako ng multo.

Sa lahat ba naman, bakit siya pa?

"Sobrang sakit ba ng sugat mo?"

Hindi ko siya masagot. Nawala na sa isip ko ang sakit na nararamdaman ko sa mga sugat ko. Ang nasa isip ko na lang ngayon ay bakit siya nandito at tinutulungan ako? Wala naman na siyang paki-alam sa'kin 'di ba?

Kinuha niya ang panyo niya at inilapat niya 'yon sa sugat ko. Binunot niya ang sinturon niya at itinali niya 'yon nang mahigpit sa hita ko para hindi magtuloy-tuloy ang pagdurugo.

"Dadalhin kita sa bahay," nilagay niya ang kamay niya sa likod ng leeg ko at sa bewang ko. "Kumapit ka sa akin."

Hindi na ako nag paka-choosy pa. Gusto ko pa mabuhay, eh. Sinunod ko na lang ang mga sinabi niya. Kumapit ako sa kanya para hindi ako mahulog.. sa sahig at sa kanya.

Ayoko ng mahulog sa kanya dahil pagod na pagod na akong umasa sa wala.

May konting kirot ulit akong nararamdaman sa hita ko pero mas dama ko ang pagtibok ng puso ko.

Hoy kalma lang, naka-move on na tayo 'di ba? H'wag kang marupok.

Habang buhat ako ni Liam ay nakita ko si kuyang taxi driver na manyak na nakahiga sa sahig at mukhang wala siyang malay.

Akala ko talaga katapusan ko na kanina. Dininig ni Lord ang panalangin ko.

Wala pang ilang hakbang ay nasa bahay na agad kami nila Liam. Sa gilid lang pala ng bahay nila nag-park si kuyang rapist.

Siguro nakita kami ni Liam mula sa kwarto niya kaya natulungan niya ako.

"Serenity? Anong nangyari sa'yo?" Salubong sa amin ng mommy ni Liam. Kita ko sa mukha niya na alalang alala siya sa akin. "Ang daming dugo!"

Nilapag muna ako ni Liam sa sofa nila sabay takbo papunta sa first aid kit sa may kusina.

"Honey! Bumaba ka, si Serenity may hiwa!"

Doktor ang ama ni Liam kaya siguro hindi na rin niya ako dinala pa sa hospital. Baka maubusan na ako ng dugo kung dadalhin pa ako roon. Hindi naman unlimited 'to, baka nga ilang kilo lang 'to dahil payat lang naman ako.

"Anong nangyari?"

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mapatitig sa daddy ni Liam. Ang tagal na kasi ng huli ko siyang makita, graduating pa lang ata kami no'n.

 Ang tagal na kasi ng huli ko siyang makita, graduating pa lang ata kami no'n

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Zhao! Madali ka!" Sigaw niya.

Zhao ang tawag niya kay Liam kasi fanatic na fanatic din siya sa chinese culture. Mommy lang naman ni Liam ang nagpumilit sa english name niya.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon