Kabanata 34: Pagtakas

61.8K 3.8K 489
                                    




Kanina pa nagmamasid sa labas si Scion. Nagbabakasali siya na may iba pang paraan para makatakas kami rito. Dahil sa enerhiyang nakapalibot sa cabin namin ay hindi magawang mag-shunyi ni Scion.

"Paano nagkaroon ng kapangyarihan ang pamilya ni Liam? Hindi ba sabi mo ay walang kapangyarihan ang mga tao rito sa mundo niyo?" Tanong ni Scion.

"Iyon ang pagkakaalam ko pero nagbago na ang lahat simula nang dumating ang Polaris sa buhay ko. May mga bagay pala na hindi ko rin kayang ipaliwanag."

Hindi talaga lahat ay kayang ipaliwanag ng siyensya.

Pinagmasdan ko si Auntie at wala pa rin siyang malay. Ano kayang pakiramdam na mawala ang kaluluwa mo sa katawan mo? At ang tanong, na saan siya ngayon?

Lumilipas ang mga oras pero hindi pa rin kami nakakatakas dito sa cabin. Habang tumatagal mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Hindi nawawala sa isip ko ang posibilidad na baka mamatay kami rito.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Scion. "Kanina ka pa tulala at malayo ang iniisip."

Napatingin ako sa kamay niya na dahan-dahan pumunta sa kamay ko. Agad na may dumaloy na parang kuryente sa buong katawan ko. Umabot pa nga iyon hanggang sa pisngi ko, dahil nag-iinit na naman ito.

"H'wag kang mag-alala dahil hindi ko hahayaan na masaktan ka pa nila. Kung kinakailangan kong gamitin ang kapangyarihan ko ay gagawin ko."

Tinigtigan ko ang mga mata niyang kulay asul. Sa gitna ng mga nangyayari ngayon ay nakanap ako ng kapayapaan ng puso sa mga mata niya.

Sana palagi kong napagmamasdan ang mata niya... ang buong mukha niya.

Ito na nga 'to. Talagang nahulog na ako sa kanya.

"May gusto akong sabihin," sambit ko. "Maaring ito na mga huling sandali natin kaya gusto ko na 'to sabihin sa'yo."

Napalunok ako. May parte sa isip ko na sinasabing h'wag kong sabihin 'to pero meron din na tinutulak ako para umamin na sa nararamdaman ko. Paano nga kung mamatay na kami rito? Paano pa malalaman ni Scion ang feelings ko?

"Kasi... ano... uhm..."

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na parang sasabog na siya ano mang oras. Tama ba talaga 'tong ginagawa ko? Dapat ko na ba talagang sabihin sa kanya?

"Ano 'yon, Xiang?"

Pressured na pressured na ako. Ito na 'to, sasabihin ko na at baka mas gumaan pa ang loob ko.

"Kasi Scion... ano... kasi gu-gusto—"

Hindi ko na naituloy ang pag-amin ko dahil may narinig kaming malakas na pagsabog sa ibaba.

Agad akong hinila ni Scion papunta sa kanya. Pumunta kami sa side ni Auntie para maprotektahan din siya sa kung ano man ang nangyayari.

May pagsabog na naman kaming narinig at nagsisigawan na ang mga lalaki sa ibaba. May kalaban daw na dumating. Sinilip namin ni Scion kung anong nangyayari pero puno na ng apoy at usok sa ibaba na wala na halos kaming makita.

"Kumapit ka lang sa akin," utos ni Scion. "Baka mawala bigla ang enerhiya rito sa cabin dahil sa kaguluhan sa ibaba."

Ginawa ko ang utos niya habang hawak-hawak ko rin si Auntie. Hindi siya maaring maiwan dito kahit anong mangyari.

Sa pangatlong pagsabog ay ang pagbukas din ng pinto sa cabin namin.

Agad na tumayo si Scion sa harapan namin para siguro protektahan kami ni Auntie. Tinignan ko kung sino ang pumasok sa loob at nagulat ako nang makita ko si Kuya Arnold.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon