Kabanata 32: Mr. Anderson

63.8K 3.3K 809
                                    



Isinama ko si Auntie sa Baguio.

Alam kong delikado ang gagawin ko pero mas mabuti na 'to kaysa maiwan siyang mag-isa sa bahay. Baka bigla siyang gumising at wala ako sa tabi niya.

"Ayos lang ba 'yong tiyahin mo?" Tanong ng driver.

Nagkatinginan kami ni Scion at mabilis akong nag-isip ng idadahilan sa kanya.

"Graveyard shift po kasi siya kaya sa umaga siya tulog pero mamaya po gigising na rin siya," tinakpan ko ng mask ang bibig ni Auntie dahil baka bigla itong bumula o kung ano pa man. Nakatakip din ng shades ang mga mata niya. "H'wag po kayong mag-alala, wala pong masamang nangyari sa kanya."

Malamig sa loob ng van pero tumatagaktak ang pawis ko dahil sa pagsisinungling na ginagawa ko.  Hindi ako sanay magsinungaling.

Kinakabahan nga rin ako na may mahanap siyang kakaiba sa amin. Buti na lang ay nasa pangalawang upuan siya katabi ni Scion.

"Tinatanong ko lang naman pero mabuti na ang alam ko," sambit niya.

Kanina pa kami hindi nagpapansinan ni Scion. Sa tuwing nagkakatama ang mga mata namin ay agad akong umiiwas at minsan at gano'n din siya. Sobrang awkward pero wala akong karapatang magreklamo dahil ako ang may gawa nito.

Matagal ang byahe papuntang Baguio. Parang iyon na ang pinakamatagal na sandali ng buhay ko. Sa tuwing titingin sa amin ang driver sa rear mirror ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hindi ko pa naisip kung saan kami pwedeng mag-stay Baguio pero wala akong makitang mura. Dalawang libo pataas ang bayad kada gabi. Sa mga nangyayari ngayon ay mukhang aabutin kami ng ilang araw dito. Alam ko naman na maraming pera ngayon si Scion pero ayoko naman samantalahin iyon at isa pa kailangan niya 'yon para mabawi ang kwintas niya.

Habang panay hanap ako sa google ay bigla akong bahing nang bahing. Wala naman alikabok sa loob ng van, may allergy ba ako?

Nawala rin naman siya at nakapaghanap na ako nang maayos. Sa wakas ay nakahanap na rin ako ng murang matutulugan.

"Kuya, sa may blue transient na lang po muna tayo," sambit ko.

Hindi siya sumagot kaya tinignan ko siya sa rear mirror. Diretso lang ang tingin niya sa kalsada at tila at ba wala siyang narinig. Lumapit pa ako lalo sa kanya para sabihin ulit kung saan kami pupunta pero biglang dumilim ang lahat. Naramdaman ko agad ang isang kamay na mga braso ko.

"Anong nangyayari?" Sagot ko.

"Kumapit ka sa akin," bulong ni Scion. Wala pa rin akong makita na kahit ano. "Madali ka."

Ginawa ko ang inutos niya, niyakap ko siya pero naisip ko na baka magshu-shunyi siya at maiwan ko mag-isa si auntie sa van.

Saktong paghiwalay ko kay Scion ay biglang lumiwanag. Magkalapit na ang mga mukha namin na halos ramdam na ng mukha ko ang hininga niya. Hindi ko na rin naiwasan na mapatingin sa mga manipis at mapula niyang labi.

"Nandito na tayo," inalis ko ang tingin ko kay Scion at napatingin ako sa driver namin.

Hindi ko alam kung nasaan kami pero puno ng mga pine tree sa paligid. Ang mas kinagulat ko ay nakarinig ako ng tunog ng nga ahas. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Bumaba na kayo, gusto kayong makita ng kapitan."

Tinginan ako ni Scion diretso sa mga mata ko. May mga luha sa gilid ng mga mata ko na nagbabadyang tumulo. Parang ang tagal kong nangulila sa pagtingin niya.

"Isa 'tong patibong, nahuli nila tayo," pulang pula na ang mga mata niya. "Patawarin mo ako, Xiang. Hindi ko agad nahalata na may kakaiba sa lalaking iyon."

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon