Katapusan

111K 3.9K 1.1K
                                    


Salamat sa pagbabasa hanggang sa huli. Espesyal ang istorya na 'to dahil ito ang kaunaunahan kong fantasy story. Ito rin siguro ang pinakagusto ko sa lahat. Sana ay nagustuhan niyo. Sana rin ay marinig ko ang saloobin niyo tungkol sa story na 'to.
Mahal ko kayo.

➖➖➖➖➖

Two years later...

SINONG mag-aakala na magiging best seller ang kwento ni Scion? Ang kwento ng rebeldeng kapitan na kinalaunan ay naging bayani ng emperyo. Ang kapitan na ngayon ay isa ng hari.

"Miss Serenity!" Tawag sa akin ng isang dalagita. "Pwede po bang magpa-sign ng libro? Idol na idol ko po talaga kayo."

Ngumiti ako sa kanya at kinuha ko ang libro na isinulat ko. Binuklat ko ito sa unang pahina at bago ko ito pirmahan ay binasa ko muli ang inilagay ko roon.

Para sa lalaking pinakamamahal ko... Scion.

Napangiti ako nang mabasa ko ang pangalan niya. Automatic na nag-flash sa isip ko ang maganda niyang mukha lalo na ang asul niyang mga mata na nakakapagpaklma sa akin.

Habang pinipirmahan ko ang libro ay tinanong ako ng dalagita, "Totoo po ba si Scion? Sabi niyo po siya ang pinakamamahal niyo pero 'di ba po fictional character lang siya?"

Tinapos ko ang pagpirma ko at ibinigay ko ang libro sa kanya. Ngumiti ako habang inaaalala ko si Scion sa isip ko.

"Oo, fictional character lang siya pero sa puso at isip ko ay totoo siya at mahal na mahal ko siya."

Isang weirdong ngiti ang ibinigay niya sa akin. Akala niya siguro ay nababaliw na ako pero walang problema doon. Hindi naman talaga nila ako maiintindihan at ayos lang. Ang mahalaga naman ay ang alaala ko kay Scion na wala nang mas totoo pa.

Pumunta ako sa coffee shop kung saan naghihintay sa akin ang soon to be couple, ang dalawa kong matalik na kaibigan.

"Kanina pa kayo?" Tanong ko.

"Kakarating lang din namin. Ano nakapili ka na ba ng susuotin mo? Next mo na 'yong kasal kaya kailangan ayos na ang lahat," pag-aalala ni Fashia. "Kailangan sobrang ganda ka rin doon besty para makabingwit ka na rin ng mapapangasawa!"

Nagkatinginan kami ni Cooper at umiling agad siya, "Paano makakahanap 'yan ng mapapangasawa, honey, e hanggang ngayon si Scion pa rin ang mahal niya."

"Serenity! Hanggang ngayon? Alam mo naman na hindi na siya babalik at hindi ba kasal na siya kay Weiming sa libro mo? May happy ending na sila kaya dapat ikaw din!"

Sinusubukan ko naman na mag move-on pero talagang hindi ko kaya. Walang minuto na hindi ko siya naisip. Walang araw na hindi ko siya hinanap.

"Alam niyo porket masaya na kayong dalawa ay kailangan niyo akong idamay. Hayaan niyo ako. Masaya naman na ako para sa inyo at para kala Auntie na sa wakas, ikakasal na rin next year."

"OMG! Totoo? Nag-propose na si Kuya Arnold? Ang cute! Bagay silang dalawa."

"Oo, at natutuwa ako kasi ang laki na talaga nang ipinagbago ni Auntie. Lahat naman sa buhay ko ngayon ay maayos. Masayang pamilya, kaibigan at masayang career. Sapat na 'yon para sa'kin, h'wag na tayo pumumta muna d'yan sa lovelife na 'yan."

Nagtinginan silang dalawa at pilit na ngumiti para sa akin. Alam ko naman na gusto lang din nila akong maging masaya pero ano bang magagawa ko kung sa tao na 'yon ako sasaya?

Hindi ko na kinaya ang ka-sweetan ng dalawa kaya nagpaalam na ako sa kanila. Sige na, bitter na ako.

Pumunta ako sa isang bagong bukas na museum na may laman na chinese arts. Noon pa man ay hilig ko nang tumambay sa ganoong klaseng lugar pero kadalasan ay wala sa siyudad.

Kaya pagpasok ko pa lamang doon ay nag-uumapaw na agad ako sa tuwa at pagkamangha.

Gandang ganda ako sa disenyo ng mga inprastraktura nila. Detalyado at lahat may kahulugan. Iyon din ang dahilan kung bakit halos lahat ng isinusulay ko ngayon na nobela at hango sa chinese settings.

Nagsimula akong tumingin sa mga paintings pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko na kamukhang kamukha ni Scion ang lahat ng nasa paintings.

Mahaba na ulit ang kanyang buhok pero ganoon pa rin ang mukha niya. Kulay porcelana pa rin ito at kulay asul na parang langit ang kanyang mga mata. Medyo tumikas nga lang nang kaunti ang katawan at tindig niya.

 Medyo tumikas nga lang nang kaunti ang katawan at tindig niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Ang huling painting ang nagbigay ng kurot sa puso ko. Ito ang litrato ni Scion at ni Weiming ng ikasal silang dalawa.

Masayang masaya sila at bagay na bagay. Naramdaman ko na lang na basa na pala ang magkabilang pisngi ko dahil sa pag-iyak. Kinuskos ko ang mga mata ko para alisin ang mga luha na matagal ko nang gustong mawala.

"Kalaban!"

Pagmulat ko sa mata ko ay nasa ibang lugar na ako. Tila ba nasa isang palasyo ako. Paano nangyari iyon?

Paglingon ko sa kanan ay papalapit na sa akin ang napakaraming lalaki na nakasuot ng kapareho sa mga sundalo sa palasyo nina Scion.

"H'wag kang gumalaw binibini!"

Tumingin ako sa paligid ko at walang ibang tao kung hindi ako lang, "Ako ba talaga?"

"Oo, ikaw! Isa kang kalaban! H'wag kang gagalaw!"

Naglabas sila nang mahahabang espada. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Totoo ba talaga ang lahat ng ito? Hindi ba ito isang ilusyon o panaginip?

"Ikulong siya!"

"Ano? Ikukulong niyo ako? Pero hindi ako isang kalaban!" Sigaw ko.

Hindi nila ako pinakinggan. Nakalabas pa rin ang mga espada nila. Wala akong nagawa kung hindi ang tumakbo palayo sa kanila.

Ano bang nangyayari? Nasaan ba ako?

Panaginip ba ang lahat ng ito?

Habang tumatakbo ako ay panay lingon ako sa paligid kaya hindi ko na namalayan na may biglang humila na pala sa akin papunta sa isang madilim na silid.

"Si-sino ka?" Tanong ko.

Tanging ang asul na mga mata niya lang ang nakita ko nang malinaw.

END OF BOOK 1

➖➖➖➖➖

To God be the Glory.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon