Kabanata 15: Mystery Savior

113K 4.2K 706
                                    

Mystery savior

Nakakapagtaka, sa pagkakaalala ko ay nasa bus ako at nilapitan ako ng isang tao na kamukhang kamukha ni Chaun.

Paano ako nakabalik dito sa bahay?

"H'wag kang gumalaw, baka makasama sa'yo," tinignan ko siya at may dala siyang kung ano.

Sinunod nga ako ni Scion, hindi siya umalis ng bahay. Akala ko magpapasaway na naman siya sa'kin.

Umupo siya sa tabi ko at inangat niya ang kamay niya para kontrolin ang tubig na nasa planggana. Kulay berde ang tubig na ito at may mga bulaklak ng daisy. Hindi ako pwedeng magkamali, ito 'yong gamot sa kahit anong uri ng kamandag, "Ano bang nangyari sa'yo, Serenity?"

Habang nilalapat niya ang gamot ay napasigaw ako sa sakit. Tinakpan ko agad ang bibig ko dahil baka marinig ako ni auntie sa baba. Nakakaramdam ako ng kaginhawaan pero kumikirot pa rin siya na para bang tinutusok ako ng malalaking karayom.

Kapag bumabalik sa alaala ko ang nangyari kanina kay Guison at sa mga ahas na 'yon, kusa na lang akong napapalibutan ng kaba at takot. Isa 'yon sa mga hindi ko makakalimutan na pangyayari sa buhay ko.

Ngayon lang ako nakakita ng taong pinatay sa harapan ko. Ang creepy tska ang traumatic. Kahit na naiinis ako sa ginawa ng Guison na 'yon, hindi ko pa rin naman hihilingin na mamatay siya.

Parang gusto kong umiyak. Sa edad ko na 'to dapat nagsasaya lang ako sa buhay ko at hindi ganito.

May nagawa siguro talaga akong masama parang maranasan ko ang mga bagay na 'to.

Lord, kung ano man po ang nagawa kong masama, patawarin niyo po ako.

Nakatulala lang ako sa kisame at hindi ako makasagot kay Scion.

"Serenity, ano ba talagang nangyari? May masakit pa ba sa'yo?" Sa tono ng boses niya, parang naiinip na siya. Hindi talaga siya pasensyoso.

Finally, tinignan ko na rin siya.

Kita kong nag-aalala siya sa akin. Kahit papaano ay nagkakaroon na siya ng malasakit para sa iba, "Medyo nanghihina lang ako pero bukod do'n, wala na akong nararamdaman na sakit sa leeg ko."

"Kakaiba ang kamandag ng ahas na ito, kahit na ang herbal ng tigom ay hindi agad tatalab dito. Ilang araw pa bago ka tuluyang gumaling."

"May nakilala ako kanina sa bus," pag-open up ko sa kanya.

Siya lang din naman ang nag-iisang tao, ay mali, hindi nga pala siya isang tao, isa siyang kakaibang nilalang. Siya lang ang nag-iisang nilalang na makakaintindi sa akin.

"Alam mo, akala ko mabait siya, akala ko taga hanga talaga siya ng librong sinulat ko pero hindi pala. Fake news lang pala."

"Siya ba ang may gawa nito sa'yo?" Kitang kita ang mabilis na pagpalit ng emosyon niya. Kung kanina ay nag-aalala siya, ngayon ay galit na galit siya at handang pumatay. "Asan siya? Paparusahan ko siya sa ginawa niya sa'yo!"

Ito na naman siya, pinapairal na naman niya ang init ng ulo niya. Pero napangiti pa rin ako dahil nag-alaala na talaga siya para sa akin.

"Sandali, huminahon ka," hinawakan ko ang matitigas niyang muscle sa braso.

Umayos ka, Serenity.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon