Kabanata 43: Sakripisyo

58.2K 2.9K 316
                                    



IKUKULONG namin ang reyna sa isang kuweba at doon namin siya papasabugin. Sa oras na mamatay siya mawawala na rin ang mga anak niya. Pero kailangan na namin magmadali dahil mamaya na ang eclipse.

"Nangyari na ito dati, twenty three years ago," sambit ni Sir Raymond. Nakakapanibago pa rin na maayos ko na siyang nakakausap ngauon. "Naimbestigahan ko na ang lahat."

Nasa isang van kami kasama sina Cooper. Papunta kami sa bundok ng Cordillera dahil ayon sa balita ng Arm Forces of the Philippines, may namataan silang napakalaking halimaw na patungo roon. Sigurado na akong ang reyna ng mogwai na iyon.

"Hindi agad lumabas sa autopsy report na dahil sa kagat ng isang kakaibang ahas kaya namatay si Robert. Sa imbesigasyon ko ay napag-alaman ko na ang ahas na pumatay sa angkan ni Robert at sa kanya ay iisa lang. Ibig sabihin lang ay absuwelto na kayo ni Scion sa kasong iyon."

Hanggang ngayon pala ay iniimbestigahan pa rin niya ang kaso na iyon. Pero ayos na rin dahil absuelto na si Scion sa mga paratang niya. Sa mga sinabi niya ay parang alam ko na kung sino ang pumatay kay Kuya Roberto. Iisa lang naman ang pwedeng mag-kontrol sa mga ahas na may masamang budhi, walang iba kung hindi si Mr. Anderson.

"Nakumpirma ko ito gamit ang DNA test. Ang ang ahas na ito ay pareho sa mga ahas na nagtatago sa ilalim ng grocery nila Jun Anderson. Ang lalaking nakita ko rin noon na nakikipagtalo sa kaibigan kong si Matias."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Paanong nangyari na naging kaibigan niya si tatay gayong hindi naman siya isang puting salamangkero?

"Sir Raymond, tatay ko po si Matias."

Mas dumami ang mga linya sa noo niya dahil sa pagkuno nito. Nanliit ang mga niya habang nakatingin sa akin.

"Anak ka niya? Pero wala siyang nababanggit sa akin at alam mo bang ang tagal na namin siyang hinahanap? Isa rin siyang inspektor. Siya actually ang mentor ko," may kinalikot siya sa bag niya at doon niya ipinakita sa'kin ang mga papeles tungkol sa biglaang pagkawala ng ni tatay. "Isang misteryo ang pagkawala niya dahil hindi na namin nakita ang mga katawan niya pagkatapos ng eclipse noon. Alam mo ba kung na saan na siya?"

Lumayo ako nang tingin sa kanya. Napuno ng katahimikan ang buong van.

"Patay na po sila ng aking ina. Sinakripisyo niya ang buhay niya para sa akin," mahina kong sambit. "Sa totoo lang hindi ko rin alam kung na saan ang katawan niya pero wala na siya."

Huminga siya nang malalim tska umiling iling. Hindi nai-kwento sa akin nila Kuya Sanchi ang tungkol sa pagiging inspektor nu itay pero marahil ay may rason siya kung bakit niya pinasok ang trabaho na iyon.

"Pero paano po kayo nakapunta sa ilalim ng grocey nila Mr. Anderson? Sarado po iyon at tanging kwintas lang ng jade ang makakabukas doon."

"May nag-text sa akin na nandoon daw ang hinahanap ko sa mga kasagutan ko tungkol sa kaso kay Roberto. Nagmadali akong pumunta roon kahit wala akong warrant, hindi ko na pwedeng hayaan na makawala pa ang pwede kong maging ibidensya at nagulat ako dahil pagkadating ko doon ay walang tao ay may nakita akong liwanag sa isang silid na papunta sa ilalim," pinagpapawisan siya habang kinu-kwento niya ang mga pangyayari. "Nanlamig ang mga paa ko nang makita ko ang napakaraming ahas pero ang mas nakakapagtaka ay mag isang ahas sa lumapit sa akin at kusang nagpasok sa sarili niya sa isang plastic. Kinuha ko agad iyon at tinignan kung ito ba ang ahas na hinahanap ko noon pa."

"Pero sa sinasabi niyo po ba ay si Mr. Anderson ang nagpapatay kay Kuya Robert?"

"Oo tama ka, siya ang kriminal na hinahanap ko."

Hindi na 'yon nakakagulat pa. Isa naman talaga siyang mamatay tao.

"Nasabi niyo na ba 'to may Aling Angela? Karapatan niyang malaman ang nangyari sa asawa niya."

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon