Kabanata 29: Kaibigan

90.1K 3.3K 1.2K
                                    

Kaibigan

Bago kami umuwi ay pumunta ulit kami ni Scion sa car for rent na pinagtanungan ko noon.

Sinong mag-aakala na aabot sa one hundred fifty thousand ang presyo ng kwintas na 'yon? Oo at nasagot nito ang mga problema namin sa ngayon pero paano na kapag tutubusin na namin 'yon? Saan kami kukuha nang ganoon kalaking pera?

Hindi naman pwedeng hindi na namin tubusin 'yon dahil alam ko kung gaano ka-importante kay Scion ang kwintas na 'yon.

Pero ang mahalaga ngayon ay mahanap na namin ang malignong libro na 'yon. Ang dami na nga niyang problema na dinulot sa akin, pati ba naman maging heartbroken binigay pa sa akin. Ano pa kaya ang ibibigay niyang kamalasan sa susunod?

"Bukas ng alas sais tayo aalis, susunduin ko na lang kayo sa bahay niyo," paalala ng may-ari nang van. "H'wag kayong mala-late, ha?"

"Opo kuya, don't worry on time po kami."

Habang naglalakad kami pauwi ni Scion ay naisip ko ang sinabi niya kanina. Tama naman talaga siya, isa lang siyang karakter sa libro ko na nagpapahirap sa akin pero sa pagtagal ay naging kaibigan ko na rin siya. Sumobra pa nga dahil nagkagusto pa ako sa kanya. At ito pakiramdam ko pa ay nahuhulog na ako sa kanya nang tuluyan.

"Uhm.. mas gusto mo ba akong tawagin na Xiang kaysa sa Serenity?" Nagpatuloy lang kami sa paglalakad pero nakikita ko sa peripheral vision ko na nakatingin siya sa akin.

"Hindi ba ang mga taong malalapit lang sa'yo ang pwedeng tumawag sa'yo na Xiang?"

Tumatak pala sa kanya ang mga sinabi ko na 'yon. Akala ko mawawala na lang 'yon sa kanya. Nasaktan ba siya nang sabihin ko na hindi kaibigan ang turing ko sa kanya?

"Hindi ka pa gano'n kalapit sa akin pero kaibigan na ang turing ko sa iyo kaya kung gusto mo akong tawagin na Xiang, hindi kita pipigilan."

Natigilan siya sa paglalakad, "Seryoso ka ba d'yan? Hindi na ako isang pahirap na lang sa buhay mo?" Namumuo na ang pagngisi sa labi niya.

"Magiging pahirap ka pa ba sa buhay ko?"

Tuluyan na siyang ngumisi kasabay no'n ang pagkagat niya ng labi niya. Ang gwapo niya kapag ginagawa ko 'yom kaya pinigilan ko na nga lang ang ngumiti.

"Ako na ang magiging tagapag tanggol mo simula ngayon kaya bakit naman ako magiging pahirap sa buhay mo?"

Napataas ang kanang kilay ko, "Tagapag tanggol saan? Kaya kong protektahan ang sarili ko."

Nag-iba ang ihip ng hangin. Naging seryoso bigla ang mukha niya.

"Pakiramdam ko ay may panganib na nakapalibot sa libro na 'yon. Makapangyarihan siya kaya panigurado ako na madami ang nagtatangkang angkinin 'yon. Mga nilalang na may kapangyarihan din na katulad ko," hinawakan niya ang magkabilang braso ko habang nakatitig siya sa akin. Litaw na litaw ang mga asul niyang mata. "Hindi mo kayang protektahan ang sarili mo sa kanila dahil iba sila sa'yo at sa ngayon ako lang ang makakatulong sa'yo."

May point siya. Kakaibang nilalang si Guison at kahit ang lalaking nakaputing maskara. May kapangyarihan sila na hindi ko kayang labanan. Pero hanggang kailan lang ba ako kayang protektahan ni Scion?

Sa oras na bumalik na siya sa libro ay wala nang magtatangol sa akin mula sa mga nilalang na 'yon kaya hindi ako dapat umasa sa kanya. Gustuhin ko man pero hindi pwede.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon