Kabanata 33: Bihag

58.3K 2.8K 209
                                    



Sa ilang salita lang na iyon ay naintindihan ko na ang lahat. Napagtagpi tagpi ko na rin ang mga ginawa ni Liam para sa akin.

Ako pa rin pala.

All this time hindi pala siya tumigil na mahalin ako. Akala ko noon wala na talaga... akala ko nawala na siya sa akin.

"Ganito ba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa'yo, Zhao? Nakaya mo na akong traydurin?" Pulang pula na ang buong mukha ni Mr. Anderson. "Paano mo nagawa ito? Alam mong matagal na nating hinahanap ang libro na 'yon!"

Tinignan ako ni Liam at bigla na lang nagwala ang puso ko. Bumalik na ang mga tingin na meron siya noon sa akin.

"Dad, alam mong madaming mamamatay kapag natuloy ang plano niyo ni Haring Midas. Hindi ka ba naaawa sa mga inosenteng madadamay?"

Narinig ko na naman ang pangalan ng Hari na iyon. Pero anong ibig sabihin ni Liam na madami ang mamamatay?

Mabilis na pumulupot sa leeg niya ang isang kulay pulang ahas. "Paano mo nasasabi 'yan? Isa sa mga ninuno mo si Haring Midas!"

Dahan-dahan na gumagalaw ang ahas sa leeg ni Liam dahilan para maubo siya. Kung magpapatuloy pa ito ay mamamatay siya.

"Mr. Anderson tama na! Ano bang ginagawa niyo sa anak niyo?" Sigaw ko.

Sa pangatlong pagkurap ng mga mata ko ay nasa harap ko na ang limang itim na malalaking ahas. Labas masok ang mga dila nila na tila ba ay gutom na gutom sila.

"H'wag kang sumabat sa usapan namin!" Sigaw niya. "Isa ka sa mga dahilan kung bakit nagkakaganito ang anak ko!"

"Jun! Anong ginagawa mo?"

Buti na lamang ay dumating si Tita Trixie dahil kung hindi baka mapatay na si Liam ng kanyang ama.

Inuubo pa din si Liam kahit na kumalas na sa leeg niya ang pulang ahas. Agad siyang nilapitan ng mommy niya at niyakap ito nang mahigpit.

"Nakakalimutan mo bang anak mo pa rin si Liam? Nahihibang ka na ba talaga, Jun?" Nakalabas na ang mga ugat sa leeg niya sa sobrang galit. "Kapag may nangyaring masama sa kanya, ako ang makakalaban mo!"

Natahimik panandalian si Mr. Anderson. Takot din pala siya sa asawa niya. Mabuti na rin iyon para hindi na niya saktan pa si Liam.

"Nasaan ang Polaris, Zhao?"

"Binaon ko 'yon sa bundok ng Cordillera, sa rebulto ni Haring Midas."

Paano kaya napunta sa kanya ang Polaris? Sa pagkakatanda ko ay nawala iyon sa kwarto ko. Nag teleport ba siya doon para kunin 'yon? Pero nandoon si Scion kaya kung nag-teleport nga siya ay makikita siya nito.

"Rupert," tawag ni Mr. Anderson sa isa niyang alagad. "Pumunta kayo doon at kunin niyo ang Polaris. Magmadali kayo."

Tinginan ko si Scion pero nakayuko siya at nakatingin sa sahig. Bigla akong nag-alala para sa kanya. May ginawa ba sa kanya ang alagad ni Mr. Anderson?

"Ikulong niyo muna sila Xiang sa cabin," utos niya. "Hindi pa ako tapos sa kanila. Sa oras na malaman kong nagsisinungaling si Zhao ay papatayin ko sila."

Hindi pa pala kami ligtas. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil malaka ang kutob na nagsisinungaling lang si Liam.

Dinala nila kami sa isang itim na cabin na nasa itaas ng isang malaking puno. Dala-dala rin nila si Auntie na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

Nakatali ang mga kamay at paa namin pero buti na lang at hindi na nila nilagyan ng tape ang bibig namin.

"Ayos ka lang ba?" Tanon ni Scion. "Patawarin mo ako kung hindi kita naipagtanggol kanina. Hindi ko pa alam kung hanggang saan ang kapangyarihan nila kaya hindi ko alam kung kakayanin ko silang lahat. Ayokong makuyog nila ako dahil baka mapatay nila ako, mas lalong hindi kita maiiligtas."

Tinignan ko ang mga mata niya at kulay abo ito ngayon. Ramdam ko ang lungkot sa tono ng boses niya, "Naiintindihan ko, Scion. H'wag kang mag-alala. Mas mabuti nang hindi ka gumawa ng kahit ano para hindi nila malaman kung sino ka ba talaga."

Parehong mahina ang boses namin dahil baka may makarinig sa amin.

"Nag-iisip ako ng paraan kung paano tayo makakaalis dito. Pakiramdam ko ay nagsisinungaling si Liam. Maaring binibigyan niya tayo ng oras para makatakas."

Hindi lang din pala ako ang nakalahata noon. Kung sabagay, nandoon nga siya sa kwarto kaya panigurado naman na makikita o mararamdaman niya ang presensya ni Liam.

May punto siya, pwedeng taktika ito ni Liam para makatakas kami. Ang tanong na lang ay kung paano? Paano kami makakatakas sa lugar na puno ng ahas at ng mga alagad ni Mr. Anderson?

"Naisip ko na mag-shunyi pero hindi mo masasama ang auntie mo, ayos lang ba sa'yo 'yon?"

Umiling agad ako sa alok niya. Hindi pa patay ang tiyahin ko kaya hindi ko pa rin siya pwedeng pabayaan na lang.

"Panigurado ako may gagawing masama ang nga taong 'yon kay Auntie kaya hindi natin siya pwedeng iwan dito. Mag-iisip ako ng ibang paraan para makatakas tayo rito."

"Xiang, wala ng ibang paraan pa. Pag-isipan mo 'tong mabuti. Kapag nakatakas tayo ay magkakaroon tayo ng tyansang mailigtas siya."

"Bakit hindi mo na lang siya balikan pagkatapos mo akong i-shunyi palayo?"

Nagawa naman niya 'yon noon kaya pwede niya ulit 'yong gawin. Hindi ko pwedeng iwan si Auntie na mag-isa rito.

"Sa unang beses kong gagawin iyon ay maaring mararamdaman 'yon ng tatay ni Liam kaya may posibilidad na pagbalik ko ay mahuli nila ako. Ayoko lang magkamali dahil buhay mo ang nakataya rito," biglang nag-init ang magkabilang pisngi ko. Mas iniisip niya pa ang buhay ko kaysa sa buhay niya. "Kaya nga kanina ko pa tinatago ang enerhiya ko at 'yon din ang dahilan kung bakit kanina pa ako nakayuko. Ayokong makita nila ang mga mata kong pabago bago ng kulay."

Iyon pala ang dahilan. Akala ko ay napaano na siya kanina. Mas maganda nga na hindi nila alam na may kapangyarihan din si Scion dahil mabilis siyang mapaghihinalaan na may koneksyon sa Polaris at baka mas lalo pa siyang mapahamak.

May iba pa bang paraan para makatakas kami rito?

Ilang minuto rin akong nag-isip pero kahit isa ay walang lumabas sa utak ko na magandang plano. Tanging ang sinabi ni Scion ang pag-asa namin.

Masakit man pero kailangan kong gawin ito. Hindi ko pa rin namam papabayaan si Auntie, pangako ko 'yan sa sarili ko.

"Pasensya na Auntie kung iiwan ka namin pero pangako, babalikan kita," bulong ko sa kanya.

Tumgin ako kay Scion at tumango.

Madali niyang nasira ang tali sa mga kamay at paa niya. Dali-dali siyang lumapit sa akin para tanggalin naman ang sa akin.

"Yumakap ka sa akin," bulong niya.

Yumakap ako sa kanya at ipinikit ko ang mga mata ko. Hinihintay ko ang pakiramdam na para kang nahuhulog sa bangin pero wala akong naramdaman na ganoon.

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko pero nakayakap pa rin ako kay Scion at nandito pa rin kami sa Cabin.

Anong nangyari sa shunyi niya?

"Hindi ito maari," bulong ni Scion. "Mautak nga talaga siya."

"Anong problema?"

"May enerhiyang nakapalibot sa buong cabin kaya hindi gumana ang shunyi ko."

Biglang akong nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan ko.

Paano na kami makakatas dito?

****

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon