Kabanata 13: Kapalit

124K 4.6K 589
                                    

Kapalit

Ang lahat ng bagay na ginagawa natin, mabuti man o masama ay palaging may kapalit. 'Yong iba ay tinatawag itong karma.

Sa mundo na sinulat ko, sa bawat kapangyarihan na gagamitin mo ay may alay kang dapat ibigay.

Maaring ang iyong lakas o ang iyong buhay.

Ito ang dahilan kung bakit sa tuwing gumagamit ng shunyi si Scion ay nanghihina siya. Ito ang kapalit sa pag gamit niya ng kapangyarihan niya.

Gano'n pa man, may isang bagay na kayang magbigay sa kanila ng lakas upang magamit nila ang kapangyarihan ng walang limitasyon.

Ito ang mahiwagang puno ng Sequoia.

Hindi katulad ng normal na Sequioa ay kulay ginto ito at mayroon lamang itong labing dalawang malalaking dahon sa tuktok. Ngunit maliit ito at kasing laki lamang ng tao.

Sa bawat dahon na iyong kakainin ay ang lakas na hindi maipaliwanag. Pero gaya ng sabi ko, lahat ng kapangyarihan na gagamitin mo ay may kapalit. Kapalit ng kapangyarihan na bigay ng mga dahon ay onti-onti nitong kakainin ang iyong kaluluwa hanggang sa mapasakamay ka na nito pero may sagot sa problema na iyon, sa oras na makain mo ang lahat ng dahon, ikaw na ang ko-kontrol sa sarilo mo.

Madami na ang nagtangkang kumuha sa mga ito ngunit i-isa lang ang nagtagumpay at ito ay ang ama ni Scion.

Ito ang naging dahilan kaya inuturing ng kalaban ng Qin Dynasty ang kanyang ama.

Gano'n pa man ay nanatiling tapat si Scion at ang kanyang ina sa Dynasty. Nang una ay hindi pumayag ang palasyo na tanggapin si Scion dahil traydor nga ang ama nito pero nakita ng emperador ang katapatan ni Scion sa palasyo.

Pinalaki siya ng palasyo upang maging isa sa pinakamagaling na mandirigma sa mundo nila. Nilagay din sa utak niya na kailangan niyang patayin ang kanyang ama kapag nagkaharap na sila nito. Iyon 'yong ultimate goal niya sa pagiging isang Colonel.

Sa oras kasi na maubos ang lahat ng dahon sa Sequoia ay siyang kamatayan ng mga mortal na tao. At kung sino man ang huling kumain ng dahon ay siyang makakakontrol sa mga mogwai at siyang maghahari sa mundo nila.

Isang mortal lamang ang ina ni Scion, tanging siya at ang kanyang ama ang imortal sa kanilang pamilya. Ito ang dahilan kung bakit pumanig sa Dynasty si Scion dahil alam niyang uubusin ng kanyang ama ang mga dahon at ito ang magiging dahil ng pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na ina.

Ang ina lang niya kasi ang tanging nakakaintindi at nagmamahal sa kanya.

Dahil sa daming pagtatangka sa mga dahom ay gumawa ng malaking bakod ang Qin Dynasty para proktektahan ang Sequoia hindi lang sa mga mogwai kung hindi sa iba pang gustong magkamit ng matinding kapangyarihan.

"Kamusta na ang kaibigan mo? Maayos na ba siya?"

Hindi ko alam kung nag-aalala ba siya kay Cooper o nakokonsensya lang siya. Kung may konsensya siya.

Buti na lang din pala at nabanggit niya 'yon.

Nag-ayos agad ako para puntahan si Cooper sa hospital. Sa dami ng nangyayari, nawawala na ako sa sarili ko. Ang sakit sa bangs kahit wala naman talaga akong bangs.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon