Kabanata 40: Pagsuko

59.1K 2.6K 268
                                    



HUMINTO kami sa labas ng talon kung saan ay nakahandusay sa sahig ang ibong bantay. Patay na siya at brutal na pinatay.

"Hintayin natin ang kassssama ko," sambit ng itim na ahas. "Malapit na siya."

Kaya pala siya nakapasok ay dahil may kasamahan sa loob. Kaya rin pala alam na nila na nandito ang libro ng Polaris at ang sikretong ako ang itinakda.

Ang tanong ay sino ang traydor na iyon? Sino ang makakagawa nito? Siya rin siguro ang pumatay sa ibong bantay.

May anino akong nakita sa likod ng talon. Paglagpas niya roon ay mas lalo ko siyang nakita. Pero parang hindi ako makapaniwala na siya nga ang traydor.

"Binabati kita Polarissss," sambit ng itim na ahas. "Napaniwala mo silang lahat na isa kang kakampi at hindi isang ispiya."

"Salamat, Fras, nahirapan ako pero nagawa ko pa rin." Ngumiti siya kay Fras. Ibang-iba na ang dating niya kumpara sa batang nakita ko noon. Hindi ko masisisi ang mga puting salamangkero kung nalinlang sila ng batang ito. Nakakadismaya lang na ginusto ko siyang tulungan noon. "Ano mang i-utos niyo ay gagawin ko."

Ang tiwala talaga madaling ibigay pero madali ring masira. Ang akala mong taong kakampi ay siya palang kaaway.

Paano niya nagawa 'to? Hindi ba nagsakripisyo ang mga magulang niya para lang makuha ang Polaris sa Attrium? Itatapon na lang ba niya ang lahat ng iyon?

"Isipin mo ang ginawa ng mga magulang mo, Polaris. Hindi ka ba kinikilabutan? Namatay sila para sa kabutihan pero ito ka ngayon na kukumapi sa mga Yin!"

Nagsalubong ang mga kilay niya at binigyan niya ako ng matulis na tingin, "Wala kang alam sa mga nangyayari, Serenity kaya h'wag mo akong pagsalitaan ng ganyan!"

"Ano bang nangyayari? Ipaintindi mo sa 'kin dahil hindi kita maintindihan!"

"Nagkaroon kami ng kasunduan ni Sir Jun, pagkatapos kong tumakbo sa kanila ay nahanap niya ako at kinausap. Sabi niya bumaliktad ako sa Yang at mag-ispiya para sa kanya. Kapag sinunod ko siya ay isasama niya ang mga magulang ko sa mga bubuhayin nilang mga patay! Alam ko ang kuwento kaya alam kong totoo ang mga sinasabi niya! Makakasama ko ulit ang mga magulang ko!!

Sa likod ng mga matutulis niyang tingin ay nandoon ang kalungkutan sa mata niya. Mas naintindihan ko siya nang sabihin niya ang dahilan niya. Alam ko kung gaano niya inaasam na makapiling muli ang mga magulang niya. Pero mali ang paraan na iniisip niya. Hindi dapat siya nagtiwala sa mga Yin.

Kailan man ay hindi na pwedeng buhayin ang namatay na.

"Sumama ka na lang amin para hindi ka na masaktan at ang mga kaibigan mo."

Tumahimik na lang ako upang makapag-isip ng gagawin sa oras na makarating na kami sa kuta nila Mr. Anderson. Ngayong alam na nila ang lahat, mas nahihirapan kami. Sigurado akong gagamitin nila ako sa plano nila.

Sumakay kami sa van na tila pabalik ng Maynila. Sabi ni Kuya Sanchi ay sa siyudad sila maghahasik ng kasaman. Doon din kasi maraming tao. Kailangan na nilang magmadali dahil dalawang tulog na lang ay eclipse na. Nalalapit na ang pagbabalik ni Haring Midas ang sa oras na matapos iyon na hindi pa rin kumpleto ang mga kaluluwang kailangan nila ay matatalo sila.

Naisip ko, kung uutusan nila akong magpalabas ng mga halimaw sa libro ng Polaris ay kailangan ko itong tapatan ng mga nilalang na lalaban sa kanila.

Sigurado akong hinahanap na ako nila Scion at maaring magalit sila sa katangahan na ginawa ko. Pero anong mamagawa ko? Nakasasalay dito ang buhay ni Cooper at Fashia.

Parang baliwala naman kung mailigtas ko ang mundo pero hindi ang mga taong mahal ko. Selfish na kung selfish pero kahit kailan ay hindi nila ako tinalikuran kaya hindi ko rin sila kayang talikuran.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon