Kabanata 11: Best Friend

121K 4.7K 369
                                    

Best friend

Bata pa lang ako ay iniisip ko na kung anong nangyayari sa mga taong namatay na. Nabubuhay ba sila ulit? At kung mabuhay man sila, magiging tao pa rin ba sila o ibang nilalang na? O talagang sa langit o impyerno sila napupunta?

Ayoko pang malaman ang kasagutan sa mga tanong ko dahil ayoko pang mamatay. Gusto ko pang matupad ang mga pangarap ko pero parang ito na ata ang katapusan ko.

"H'wag mo akong patayin," pagmamakaawa ko. "Bata pa ako, gusto ko pang magkaroon ng pamilya."

Ngumisi lang siya sa akin at patuloy akong sinasakal. Tingin ko wala siyang awa at talagang papatayin niya ako, "Ibalik mo sa akin ang Polaris at hindi kita papatayin."

Pinapadyak ko ang paa ko para lumuwag ang pagkakasakal niya sa akin pero mas lalo lang akong nasasaktan.

"Hindi ko.. a-alam."

Hindi na ako makapagsalita dahil sa pagsakal niya. Kukulangin na ako ng hininga.

Tulungan niyo ako. Kahit sino. Paki-usap.

"Serenity!" Sigaw ng isang lalaki na hindi ko makita ang mukha dahil sa liwanag na pumapalibot sa katawan niya. "Serenity!"

Sumakit ang mata ko kaya ako ay napapikit. Ilang segundo rin iyon. Ayoko na nga munang dumalit dahil natatakot akong makita ang lalaki na sumasakal sa akin.

"Serenity!" Muling sigaw ng isa pang lalaki.

Sa wakas, ako ay nagising. Nagising ako sa tubig na ibinuhos ni Scion sa mukha ko. Ang lamig kaya talagang nabuhay ang diwa ko.

Umupo muna ako para ikalma ang sarili ko dahil hanggang ngayon ay hinihingal pa rin ako.

Nakakatakot ang mga nangyari. Panaginip lang ang lahat pero sa lahat ng panaginip ko, iyon ang kakaiba. Hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang panlalamig.

"Anong nangyari sa'yo?" Tanong ni Scion.

"Nanaginip ako, may lalaking sumasakal sa'kin. Nakakatakot siya. Parang gusto niya talaga akong patayin, eh."

"Ano ang dahilan niya?"

"Gusto niyang ibalik ko sa kanya ang libro," bigla kong naisip kung siya ba ang may-ari ng Polaris pero tingin ko hindi siya isang normal na tao.

Huminga ako nang malalim. Sobrang stress na ako dahil sa libro na 'yon.

"Sana hindi na lang napunta sa'kin ang libro na 'yon," bulong ko sa sarili ko.

"Paano naman kami?" Biglang singit ni Scion. Malakas nga pala ang pandinig niya. "Kung hindi mo nakuha ang libro na 'yon ay hindi kami mabubuhay."

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Sa totoo lang, mas gugustuhin ko pa rin mabuhay nang tahimik na wala sila kasya ngayon na pakiramdam ko, walang araw na hindi ako matatahik, "Kaya nga magpakabait ka para hindi ako ma-stress," sagot ko.

"Stress? Anong ibig sabihin no'n?"

Ito, ikaw, stress.

"Ibig sabihin no'n, palagi mong pinapasakit ang ulo ko."

Tumayo siya at naglakad papunta sa tapat ng bintana, "Ipagpaumanhin mo na ang inasal ko sa'yo at sa mga iaasal ko pang hindi maganda. Mahirap magbago pero sinusubukan ko naman," may lungkot sa tono ng boses niya.

Naku naman, bakit parang bigla akong naawa? Ang harsh ko na sa kanya?

"Gusto ko na rin makabalik sa mundo namin pero alam kong madami pa akong kailangan na baguhin sa sarili ko."

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon