Kabanata 21: Kasintahan

85.4K 3.5K 1.5K
                                    

Kasintahan

Ito 'yong mga tipong eksena sa pelikula kung saan mag i-slow motion lahat ng characters dahil nasa climax na ang istorya.

Pwede pala talaga 'tong mangyari sa totoong buhay? Parang nag-slow mo talaga 'yong mundo ko, eh.

Ang sarap magpalamon sa lupa tapos iluwa na lang niya ako kapag hindi na galit sa akin si Auntie o kaya kapag naibalik na si Scion sa libro at wala ng magic-magic sa mundo ko. Ibalik na lang ako ng lupa kapag mananalo na ako sa lotto.

Sana pwede 'yong gano'n. Sana pwede ko rin isulat sa Polaris ang magiging buhay ko.

"Sino ang lalaking 'yan, ha?" Tinignan niya mula ulo hanggang paa si Scion.

Nagsasalubong ang dalawang makapal niyang kilay, indikasyon lang na ayaw niya kay Scion. Kilang kilala ko na siya.

"Ito pa ha, hindi ba sinabi kong h'wag mong papapasukin si Cooper sa bahay?"

Ayaw nang bumuka ng bibig ko. Lumaki akong may takot kay Auntie kaya kapag ganitong galit siya ay natatameme ako.

"Serenity! Sumagot ka!"

Akala mo nagkaroon ng magnitude 4.5 sa buong baranggay dahil sa vibrstion na gawa ng sigaw niya.

Hindi pa rin talaga ako makasagot at kahit 'yong dalawa kong kasama ay walang masabi. For sure kahit sila ay takot kay Auntie. Kahit itong si Scion hindi makakaligtas sa pagkatakot sa tiyahin ko. Talo pa niya ang mga Mogwai sa pagka-monster niya.

"Tita Klaire!"

Naningkit agad ang mata ko nang marinig ko ang boses na 'yon. Kilalang kilala ko kung sino 'yon. Hindi naman ako nagkamali dahil si Liam nga ang dumating.

Ano na naman kaya ang ginagawa niya rito?

Napahinto siya sa kinakatayuan niya. Napatingin siya sa akin, kay Cooper at kay Scion, "Oh, akala ko ba hindi alam ni Cooper ang tungkol sa boyfriend mo?"

Sabay na lumaki ang mata at bibig ko, isama mo na rin ang butas ng ilong ko.

Liam Zhao Anderson! Ang sarap i-nail cutter ng bibig mo!

Walang ibang nakakaalam na boyfriend ko si Scion maliban sa aming dalawa ni Liam dahil hindi naman talaga totoo 'yon. Palusot ko lang naman kasi 'yon.

"Boyfriend?" Sabay-sabay na tanong nila Auntie.

Nag-iinit nang sobra ang pisngi ko. Hiyang hiya ako sa kanila lalo na kay Scion. Idagdag mo pa 'yong takot sa magiging reaksyon ni Auntie at Cooper. Wala talagang sikretong hindi nabubuyag.

Ang sarap itapon sa Mars ni Liam!

Ilo-lock ko siya sa mga bato at bulkan do'n para hindi na siya makabalik sa earth. Pinahamak niya lang naman ako nang sobra. Dapat kasi hindi na siya nakikialam sa buhay ko. Dapat kagaya sa Facebook ay i-block na niya ako ng tuluyan sa buhay niya. 'Yong tipong hindi ko na talaga siya makikita pa.

Naramdaman ko ang kurot ni Auntie sa tainga ko, "Ang landi mo talaga, noh? May boyfriend ka na pala? Siya siguro 'yong naririnig kong kausap mo sa taas tuwing gabi? Ang kapal niyo rin naman talaga!"

Nakita kong nagpapalit na naman ang kulay ng mata ni Scion, nangyayari 'to kapag nagagalit siya at hindi maganda ang nangyayari kapag nagiging dilaw ang kulay ng mata niya. Wala na akong nagawa kung hindi itulak si Auntie palayo para pigilan ang mas malalang mangyayari.

Malas nga lang niya kasi sa pagtulak ko ay napaatras siya at tuluyang nadapa sa lupa, "Aray ko! Bastos ka talagang bata ka!"

Lumapit ako kay Scion at hinawakan ko ang magkabilang braso niya, ang matitigas niyang braso pero hindi 'yan ang kailangan kong paamuhin. Tinitigan ko siyang mabuti, malapit na kasing maging kulay dilaw nang tuluyan ang mga mata niya, "Easy ka lang, kaya ko 'to. Tandaan mo tiyahin ko siya."

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon