Kabanata 14: Bayani

96.9K 4.2K 414
                                    

Bayani

Masakit pa rin ang leeg ko at nakaramdam ako ng magaspang na lubid sa mga kamay at paa ko. Matindi ang pagkakatali ng mga 'to sa akin.

"Buti naman at gising ka na," onti-onti kong naimulat nang buo ang aking mga mata upang tignan ang mukha niya. Ang mukha ng taong akala ko ay mapagkakatiwalaan ko pero isa pa lang traydor. "Ang bigat mo ha, nahirapan akong dalhin ka rito." Reklamo niya.

Sino ba naman kasing nagsabi na buhatin niya ako? Pagkatapos ngayon magrereklamo siya. Kung wala ba naman saltik 'yang ulo niya, eh.

Sandali, ano nga ba talagang dahilan bakit niya ako kinidnap?

May balak ba siyang gahasain ako? O patayin ako? Pero bakit? Anong atraso ko sa kanya? Ngayon ko nga lang siya nakita sa tanang buhay ko. Isa pa, hindi naman ka rape-rape ang katawan ko. Hindi rin naman ako mukhang mayaman at kahit hingan niya ng ransom money ang tiyahin ko, aba baka matuwa pa 'yon na mamamatay na ako.

Nilibot ko ang mga mata ko sa paligid, nasa isang kweba kami pero kakaiba ito. Punong puno ng ahas ang sahig at pader. Alam ko na hindi normal ang ganito lalo na at hindi nito inaatake si Guison.

Madilim pa naman at mainit, medyo nahihirapan akong huminga.

"H'wag kang mag tangkang gumawa nang hindi maganda dahil hindi magdadalawang isip ang mga alaga ko na tuklawin ka," matatawa na sana ako dahil parang nababaliw na siya pero may ahas talagang umangat sa harapan niya para halikan siya sa labi.

Anak ba siya ni Valetina? Paano niya naging alaga ang napakaraming ahas na ito? May tama ata talaga siya sa ulo! Pero nakakatakot siya. Ngayon pa lang iniisip ko na kung makakalabas ba ako rito ng buhay.

Seryoso na talaga 'to, hindi na 'to joke. Gusto kong sabihin na takot na takot na ako pero baka mas lalo niya lang akong takutin.

Sabi ni Liam, h'wag na h'wag ko raw ipapakita sa kalaban na natatakot ako o kahit anong kahinaan ko dahil gagamitin nila iyon laban sa akin.

Liam na naman, tagal mag move-on ha? May plano ka pa ba self?

"Anong kailangan mo sa'kin? Bakit mo ako dinala rito? Ano bang atraso ko sa'yo, ha?"

Sa pagkakatanda ko, wala naman akong ginagawang masama sa ibang tao para ipadukot ako nang ganito. Hindi kaya ang mortal kong hater ang gumawa nito?

"Sandali, sinong nag-utos sa'yo na gawin 'to? Si Tyra ba?" Siya lang naman ang nag-iisang tao na may matinding galit sa akin.

Kumunot ang noo niya, "Sino si Tyra? Hindi ko siya kilala." Naglakad siya papalapit sa akin at sa bawat hakbang niya ay binibigyan siya ng daan ng mga ahas. Ang creepy talaga. Kahit sabihin mong alaga niya ang mga ahas na ito, parang sobra na ang pagsamba nila sa lalaking ito. "Kaya ka nandito dahil may isang bagay kang ninakaw sa amo ko."

Ninakaw? Big word, huh.

"Paano mo nasabi?"

Kahit minsan nga hindi ako kumupit sa pera ni auntie tapos magnakaw pa kaya sa ibang tao?

"Alam mo Guison, wala akong ninanakaw sa tanang buhay ko. Mistaken identity lang ata ito, hindi ako ang hinahanap mo."

Sandali, may ninakaw na pala ako, ang puso ni Liam. Pero dati na 'yon.

Ew, ayaw mo talaga paawat self ha, hindi ka talaga nauumay kakaisip sa gago mong ex.

"Serenity, hindi ako pwedeng magkamali, nasa iyo ang bagay na pagmamay-ari ng amo ko," lumapit ulit siya sa akin at may dalawang ahas pa na umangat para tutukan ang mukha ko.

Polaris (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon