Chapter 2

3.9K 111 0
                                    



EJ's POV

Nagising ako dahil sa tama ng sikat ng araw sa mga mata ko.

Shit umaga na pala. Ano bang nangyari?

Tumayo ako agad sa kama at napahawak sa aking ulo.

"Hang over." Daing ko nang makaramdam ako ng pagkahilo. I turned my head at the door when I heard a gentle knocks. 

"Nak? Are you awake?" Rinig kong saad ni mommy mula sa labas ng kwarto ko.

Agad naman akong tumayo at binuksan ito.

"Yes, Mom. I am." Sagot ko pagbukas ng pinto.

"Tara, let's eat." Pagaaya nito pero bahagyang kumunot ang noo niya nang mapansing hindi maganda ang timpla ng aking mukha. "Ok lang ba pakiramdam mo?" She asked so I slowly shook my head. 

"Not really, Mom. Medyo masakit po 'yung ulo ko." I honestly answered at sabay kaming bumaba papunta sa dining.

"Well, your Kuya Bry told me na late ka na nga raw nakauwi kagabi at lasing na lasing ka raw. Sino ba ang naghatid sayo?" Halatang may pagaalala sa tono ng kaniyang boses.

"Si Nicky po, Mom. Sa house lang naman po nila kami nakatambay, kaming dalawa lang po." I stopped and gave her a soft smile. "Don't worry, Mommy. Hindi ako gagawa ng ikakaproblema at ikakasasakit ng ulo mo, if that's what you're thinking." I continued.

"Really baby?"

"Yes po. You raised me well. I promise na hindi ako gagawa ng kahit na anong kalokohan." Saad ko rito hanggang sa nakarating kami sa dining. Nakatitig lang ito sa aking habang may malawak na ngiti. 

"I trust you naman, anak. And I know how responsible and reliable you are." Malambing na saad nito at binalik ko rin ang mga ngiti na binibigay nya. 

Pagkatapos ng paguusap namin ay agad na akong umupo at kumain.

After 15 minutes ay natapos na ako at muling bumalik sa aking kwarto para maligo at magayos. Ilang sandali pa ang nakalipas ay natapos din ako at hinatid na ni Kuya Bryan papuntang school gamit ang sasakyan nya. Habang nasa byahe kami ay kinuha ko muna ang aking phone para tignan at icheck lahat ng social media accounts ko. After a minutes of scrolling I finally opened my twitter account. 

Pagtingin ko ay nakita ko na may notif ako sa DM.

Hmmm? Sino na naman kaya ang kinausap ko kagabi habang lasing? Si Kenneth? Eme.

Wait... who the fuck is @aliah_jadessss?

I clicked it and I read our entire convo.

@aliah_jadessss: Hey  baby girl, can I get a kiss? 

Me: Sure! Where and when?

@aliah_jadessss: Oh Okie meet me at our campus, tomorrow. I'll find you.

What? Ano 'to? Wala akong maalala na nangyari 'to kagabi? Pumayag ako na magpahalik sa kaniya? And a girl? I mean, there is nothing wrong with that pero imposibleng pumayag ako. Saka who is she? I don't even know her? Bakit sa lahat ng pwede kong i-dm kagabi, 'yung taong hindi ko pa kilala? Saka kahit lasing ako, alam ko 'yung mga ginagawa ko. And lastly, hindi ko naman hawak 'yung phone ko kagabi.

Oh shit! May idea na ako kung sino ang gumawa nito. It was Nicky. Siya ang nagreply dito. And who the fuck is Aliah again? 

Tangina. No. Parang ayaw ko nang pumasok. 

"K-kuya, do we still have a chance to go back? Ayoko na palang pumasok. I am not really feeling good." Saad ko kay Kuya Bry. Saglit niyang binaling ang kanyang mukha sa dereksyon ko bago tumingin ulit sa kalsada.

Me and My Girl (GL Story) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon