Chapter 6

2.7K 110 1
                                    


AJ's POV

"Halika nga dito." Inis na saad nito at hinila niya ako palayo sa mga tao.

Dinala niya ako sa parking lot kung saan tahimik at kaming dalawa lang.

"What the hell was that? Pinagtitripan mo na naman ba ako? Kasama pa ba 'to sa dare nyo?!" She said, shouting at me.

"Calm down. Pwede naman tayong magusap nang mahinahon eh." Pagkakalma ko sa kanya. Muli itong umirap sa akin at tinignan ako nang masama.

"Calm down? After that scene?" Malakas pa rin ang tono ng boses nya. "After everything? Sige, sabihin mo nga sa akin kung paano ako kakalma after you humiliate me." Hindi ako nakasagot agad at tinitigan lang sya.

In all honesty, ang ganda nya kapag nagagalit at naiirita. May gano'n ba talaga? Nagmumukha siyang keychain kapag naiinis. She looks adorable when she's like this, hindi sya nakakatakot.

"Ano? Tititigan mo na lang ako?" Napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang boses nya. "Look, Ms. Santillan, purgang-purga na 'ko sa mga kalokohang pinaggagagawa mo sa'kin. Ayoko na, okay?!" She raised her both hands and threw it into the air. "Tama na!" Nanatiling malakas ang boses nya.

I crossed my arms and looked at her seriously. Bago pa 'to tumalikod ay nagsalita na ako.

"Okay, Ms. Falcon." I started calmly. "The truth is, I did that just for a show." Huminga ako nang malalim bago ipagpatuloy ang explanation na sasabihin ko. "Wala ka namang dapat ikagalit dahil ginawa ko lang naman 'yon para mapaniwala lahat ng mga tao na hinalikan kita dahil may gusto talaga ako sa'yo, and about the courting thingy? That's also part of the plan, para hindi na maging big deal sa kanila 'yung nangyari. In fact, I'm doing you a favor, because of what I did, mababawasan 'yung mga taong inis na inis sa'yo rito sa campus, you know what I mean." Nakita ko ang pag-irap nya dahil sa sinabi ko. I licked and bit my lower lip and continued. "Just ride on, okay? Walang mangyayaring masama kung makikicooperate ka." Saad ko rito habang sya ay matalim pa ring nakatingin sa akin.

"And hindi ba um-oo ka naman. Ano pa bang problema?" I added and smirked.

"No!" She hissed. Inalis nito ang kanyang tingin sa akin at huminga nang malalim. "Nagulat lang ako kanina kasi may sumigaw, I just accidentally said yes." She groaned once again and stamped her foot. " Shit! I should've said no! Hindi naman talaga ako papayag e. Sayo?!Never!" Saad nito at parang kinasusuklaman ako.

Napatawa ako nang mahina dahil sa kaartehang pinapakita nya.

Her personality is giving something. It's cute and intimidating at the same time. Sinong magaakalang makakahanap ako ng katapat ko? Seriously, hindi sya tulad ng ibang nakilala ko na ngitian ko lang, gusto na agad akong jowain. I mean, not to brag about it, I just know because of my past experiences. But this girl, she's  definitely different, parang mas lalo akong nacu-curious sa pagkatao nya.

Bakit nga ba hindi ko na lang sya ligawan talaga? Oh fuck, I almost forgot, she's straight. That's a big no no.

But on second thought, it's quite interesting and challenging. Isang straight na babae at hate na hate ako? Pwede. 'Di ba?

"Excuse me? Ano? Wala ka na bang sasabihin?" Then she snapped her fingers.

Hindi ko namalayan na ang tagal ko na palang nakatulala. I cleared my throat and brushed my fingers through my hair.

"A-ah, a-ano... basta we need to pretend na may something sa'tin and kailangan ipakita natin sa kanila na nililigawan talaga kita." Saad ko at naiilang na inalis ang mga tingin ko sa kanya. "P-para matapos na 'to. Don't worry madali lang din namang lilipas 'yung issue, kaya 'di rin magtatagal matatapos din 'tong pagpapanggap na 'to. I'm expecting for your cooperation, okay?" I said.

Me and My Girl (GL Story) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon