Chapter 26

1.3K 43 20
                                    




EJ's POV


"Fuck." I cursed. Binaba ko ang phone ko habang naglalakad-lakad sa loob ng aking kwarto.


Napatingin sa akin si Nicky. "What's happening?" She asked while sitting on my bed.


"Nothing." Sagot ko. Muli kong dinial ang number nito at naghintay ng sagot.


Can not be reached.


Umupo ako sa edge ng kama ko.
Inilapag ko sa tabi ko ang aking phone at humiga.


Wala, suko na talaga ako. Kanina ko pa siya tinatawagan at kanina niya pa rin ako hindi sinasagot. Ano bang problema niya?


"Hoy, okay ka lang ba?" Muling tanong sa akin ni Nicky. Nakatingin sa akin ito habang nakaupo sa tabi ko.


Pinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Pagdilat ko ay tumingin ako sa aking kaibigan at tumango.


"Anong?" At ginagaya biya rin ang pagtango ko. "Ano bang problema mo?" Muli nitong saad. "Sino ba kasi 'yung tinatawagan mo?" Dagdag pa nito.


Muli akong umupo ng maayos at hinarap siya. I took a deep breath bago sumagot. "Si AJ, kanina pa ako tumatawag pero hindi niya sinasagot eh." At muli kong kinuha ang phone ko.


"Baka busy lang." Saad naman ng bestfriend ko habang nakatingin sa akin.


Busy? It's Sunday. For sure nasa bahay lang 'yon. Watching Netflix or probably sleeping. Oo nga, sleeping. Baka natutulog lang kaya hindi sinasagot ang tawag ko. Pero hindi eh. Hindi naman naka-silent and phone niya so it means maririnig niya pa rin.


Sabay kaming napatingin ni Nicky sa pintuan ng kwarto ko nang marinig naming may kumatok dito. Pag bukas nito ay iniluwa nito si Kuya Bryan.


"Hi." Bati nito. "May I come in?"


I nodded my head and he immediately entered my room.


"Hi Kuya Bry!" Masiglang bati ni Nicky dito.


Naglakad patungo sa dereksyon namin si Kuya Bry at napansin ko kung paano niya pagmasdam ang mukha ko.


"Oh, bakit nakasimangot 'to?" Tanong nito at inilipat ang kaniyang tingin kay Nicky.


"Hay nako, Kuya. Ayan, nagmumukmok." Tumayo ito para lumipat sa couch. "Ayaw daw kasi sagutin ni A-"


"Wala. Wala, Kuya." Singit ko. "Ano lang, may hinahanap kasi ako kanina. Hindi ko lang makita." Pagpapalusot ko rito. Agad namang tumango si Kuya Bry at umupo sa tabi ko kung saan nakaupo si Nicky kanina. "Bakit ka nga pala nandito?" Pagiiba ko ng usapan.


"Ah oo nga pala. Amh." He cleared his throat bago magsalitang muli. "I need to talk to you." Deretso nitong saad.


"About what?" Tanong ko.


"Ah, wait wait. Mukhang seryoso yata 'yan. Sige, lalabas muna ako." Singit naman ni Nicky. Sabay kaming tumango ni Kuya Bry kaya agad namang lumabas ni Nicky ng kwarto ko. Paglabas nito ay muli kong ibinaling ang aking atensyon kay Kuya Bryan.


"It's about, Kenneth." He seriously said.


Tumayo ako at hinarap siya. "What about him?" Then I crossed my arms.


Naalala ko nanaman kung ano ang nangyari last night.


Of course, tungkol ito sa napagusapan namin. Paniguradong nagsumbong na 'yon kay Kuya. Ano naman kaya ang sinabi niya?


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Me and My Girl (GL Story) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon