EJ's POV"Baby?" Rinig kong tawag ni Mom mula sa likod ko.
Nandito ako ngayon sa garden namin at nakatulala. Iniisip kung tama ba 'tong mga nangyayari sa buhay ko. Napabaling na lang ang ulo ko sa dereksyon ni Mom nang umupo sya sa tabi ko.
"Are you okay, sweetie?" She asked kaya napayuko ako. Hindi ako nakasagot kaya muli siyang nagsalita. "I've heard what happened."
Napatingin ako agad sa kaniya na may gulat sa aking mukha, naghihintay ng sigaw o sermon mula sa kaniya. Pero parang nabunutan ako ng tinik sa aking lalamunan nang lumambot ang kanyang mga tingin.
"Don't worry. I'm not mad." Mahinahong sabi nito.
"Mom, swear. Hindi ko po ginusto 'yon. I don't know pero nadamay—" She cut me off and chuckled.
"Be honest, Elisha. Is she your girlfriend. Do you like girls?" Medyo natatawang tanong nito.
Nagulat ako sa sinabi niya kaya muling nanlaki ang mga mata ko. Nag-panic ako kaya hindi ko ito nasagot kaagad.
"Baby, that's okay. I'm your Mom, you can tell me anything." Dagdag pa niya.
"Mom, no?!" 'Yun lang ang tangi kong nasabi.
"Weh?" Saad niya habang tumatawa.
Teka nga? Hindi ko naman ginusto 'yung mga nangyari ah. That girl just stole my first kiss at pinahiya niya ako sa buong klase. Then now, itong nanay ko ay inaakalang nagkakagusto ako sa babae? Wala na bang mas lalala pa sa sitwasyon ko?
"Mom, hindi nga." I said. Tinignan ko ito nang maigi at nakita ko ang malawak niyang pag ngiti. "Stop smiling, Mom. Seryoso po ako." I seriously uttered.
She gathered herself at sinubukang magseryoso.
"I'm sorry, baby. I just want to know the truth." She replied. Hindi na ako muling sumagot pa at binaling ang aking tingin sa harap. Ilang saglit pa ay muli siyang nagsalita. "So, hindi mo siya girlfriend? But are you? Don't worry. Tanggap kita kahit ano ka man."
Muli akong napatingin sa kaniya habang nakakunot ang aking noo.
"Mommy, hindi nga po! I mean, I have no problem with being part of the LGBT community and I totally support them. I have a lot of friends na gay and bisexual pero hindi po ibig sabihin no'n I'm one of them, isa pa hindi ko rin naman po nakikita ang sarili ko sa babae." Pagpapaliwanag ko. Napatawa na naman ito dahil sa mga nagiging reaksyon ko. Wala na akong ibang nasabi kaya mainam ko na lang siyang tinignan.
"Okay, got it. Pero if you want to say anything o kung gusto mong mag open, I'm always here. 'Wag kang mahihiya." Pagpapaalala nito sa akin. I nodded my head and gave her a soft smile.
"Yes, Mommy." I sweetly replied. Tumayo na ito at hinalikan ako sa noo bagong pumasok sa loob ng bahay.
Swerte ako na kahit anong problema ang dumating sa akin ay laging nandyan si Mommy. We're like bestfriends and I happy dahil ganito niya kami pinalaki. Hindi kami hirap na magsabi sa kaniya ng mga nangyayari sa buhay namin at lagi siyang nakikinig. Buti na lang talaga, kahit papaano ay nabawasan ang bigat na nararamdaman ko.
____________________________
Pagkababa ko ng sasakyan ay naglakad ako papasok ng campus at sari-sari na namang bulungan ang narinig ko.
"Siya ba 'yon?"
"Oh my God. She's not even pretty."
"'Di ba nga, AJ just used her for a dare."