Chapter 11

2.3K 101 3
                                    

EJ's POV



"Really? Nangyari yon? Bakit? Paano?" Bigla napatayo si Nicky sa kama dahil sa gulat.

"E-ewan. H-hindi ko a-alam." Sagot ko habang nakaupo sa couch sa kwarto ko at may yakap na unan.

Sinabi ko kasi sa kaniya yung nangyari nung nagjogging kami ni AJ and yung ano... yung alam niyo na.

Nung una nga ay nagaalangan pa ako kung sasabihin ko ba or nah. Pero syempre bestfriend ko naman siya kaya sinabi ko na.

"Ha?! Anong hindi mo alam? OMG! Ikwento mo! Bilis!!!!Detailed pleaseeeeeee!" She said. Kita ko sa mukha niya yung kilig at excitement.

Sinimulan ko ang pagkukwento simula sa nagtext siya hanggang sa part na nangyari yon. Nung una pa ay hiyang hiya ako. Samantalang siya naman ay nagtatatalon sa kilig.

Sa pangalawang pagkakataon ay hinalikan niya ako pero that time hinayaan ko lang siya na mangyari yon. At ang malala pa ay nagawa kong tugunan yung halik niya.

Hindi ko alam kung paano ko nagawa yon. I don't even know how to kiss. Kusang gumalaw yung mga labi ko nung nagstart niyang igalaw ang labi niya. And hindi ko din alam kung bakit ko siya hinayaan.

Second time na nangyari yon at sa kaniya pa din. Pero ngayon ay may kakaiba akong naramdaman nung hinalikan niya ulit ako. Ibang iba sa unang halik niya. Ang weird. Sobrang weirddddddd!

"Anuna beshy?! Straight ka pa ba?!" She asked.

Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong niya.

"Oo nama..." at bigla akong napatigil.


Straight pa nga ba ko? 🤔😕

Teka!!

OO NAMAN STRAIGHT AKO!!!! DI KO NAMAN KAILANGANG ITANONG PA YON NO! KASI AKO LANG DIN NAMAN SASAGOT HEHEZ.

Pero bakit pumayag ako na magpahalik kay AJ? And remember nagrespond pa ako don? Saka bakit iba na yung nafifeel ko sa kaniya?

TEKA SELF! PINAPAGULO MO LANG UTAK KO! SHUT UP PLEASE! BASTA ISASAKSAK KO SA BRAIN KO NA... I'M STRAIGHT AND NEVER BABALUKTOT. LAGI MONG SINASABI YAN DIBA? KAYA PANINDIGAN MO!

Kung magiging issue yung sa kiss na yon? Pwes. Wala lang yon! Saka ano ba? Halik lang yon no! Hindi din naman magiging big deal kay AJ yon kaya dapat hindi din maging big deal sakin. Duh 🙄

It's just a kiss guys. Kiss lang yon! Period.

"Oh ano beshy? Nasa confused stage ka na ba? Tinatanong mo na ba sa sarili mo kung straight ka pa ba? Bigla kang napatigil diyan? Hay nako. Napagdaanan ko na yan anuba." Saad naman ni Nicky at saka tumabi sa akin sa couch.

Hinawakan niya ang likod ko at hinimas-himas ito. Tila ba cinocomfort ako.

"Ano ba? Hindi no. Ilang ulit ko ba sasabihin na kahit kelan hindi ako babaluktot. Mas straight pa ko sa ruler mo no!" Irita kong sagot dito. Tumayo ako sa pagkakaupo ko at saka dumeretso sa banyo.

I face myself to the mirror at saka kinausap ang sarili ko.

"Hoy babae. Straight ka ha. Hindi ka babaluktot kahit ano mangyari. Kahit na sobrang ganda niyang AJ na yan. Hinding hindi. Nandyan pa naman si Kenneth eh. Siguro mas ok kung sa kaniya ka magfocus ngayon." At para akong baliw na nagsasalita magisa dito sa banyo.

Bigla naman akong napatalon dahil sa boses na narinig ko mula sa labas ng C.R.

"Huy! Haha! Sigi beshy. Kunwari wala akong narinig. Kunwari di ka mukhang baliw diyan. Kunwari hindi ko alam yang sinasabi mo. Kunwari hindi ka confused. Sige beshy. Convince mo pa sarili mo!" Pangiinis nito habang tumatawa.

Me and My Girl (GL Story) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon