EJ's POVMabilis akong tumakbo palabas mg office na yon.
My tears starts to fall into my eyes. Halos wala na akong makita dahil sobrang labo na ng paningin ko dahil sa mga luhang tumutulo sa mga mata ko. Hindi ko alam kung saan ako patungo pero patuloy lang ako sa pagtakbo.
Sobrang sakit. Ang sakit na makita mo yung taong mahal mo na may kahalikang iba.
I'm so stupid para maniwalang mahal niya talaga ko.
Sana pala hindi ko na pinush yung feelings ko para sa kaniya. Sana pala una palang iniwasan ko na siya ng tuluyan. Sana pala hindi ko nalang siya pinatawad.
Sana pala nung una palang sinaksak ko na sa utak ko na hindi siya worth it. Na manloloko siya. Na mahilig siyang manakit ng tao. Na jerk siya. Na wala siyang kwentang tao! Sana nakinig ako kay Kuya Bry nung sinabi niya kay Mom na wag magtiwala agad at sa sinabi ni Kenneth na magiingat ako sa kaniya.Buti nalang hindi ko tinuloy na kausapin siya. Balak ko pa naman sana siyang kausapin para linawin ang lahat sa kaniya as Sabrina said nung nakasalubong ko silang tatlo nila Ericka at Alishia kanina habang papunta sila sa garden. Kaya I took the opportunity nung inutusan ako ng isa sa mga Professor ko na mag dala ng papers sa office dahil sabi ni Sab ay doon daw dumeretso si AJ. Pero di naman niya sinabi sa akin na may kasama pala itong babae.
Bakit ba kasi pinapunta pako ng Prof ko dito? Bakit ba kasi ngayon pa niya pinapass yung namissed kong homework? Edi sana hindi ko na witness yung ganitong klasing sitwasyon.
Pero mas ok na nga siguro na nakita ko yon para malaman ko kung gaano siya kag*go.
Tang*na. My heart hurts so bad. Ayoko ng feeling na to. Hindi ko ineexpect na mangyayari to. Parang may kumukurot sa puso ko ng paulit-ulit.
Patuloy ako sa pagtakbo hanggan sa may mabangga ako kaya napatigil ako.
"E-EJ? Are you okay?" Tanong sa akin ni Ericka at halata sa tono ng boses niya ang pagaalala nang nakita niyang may luhang tumutulo sa mga mata ko.
Nakayuko lang ako at tanging hikbi lang ang narinig niya mula sa akin.
"Guys! EJ is here! Pumunta kayo dito!!Bilis!" Sigaw ni Ericka at mukhang natataranta na ito dahil hindi niya alam kung paano ang gagawin sa akin.
Agad ko namang napansin na tumakbo si Ali at Sab papalapit sa amin.
"Why? Bakit?" Sab asked.
Nang makita nila akong umiiyak habang nakayuko ay nagulat sila parehas.
"OMG EJ?! Bakit ka umiiyak?" Pagaalalang tanong ni Alishia.
Sa pangalawang beses ay hindi ako sumagot.
"Kamusta kayo ni AJ? Nakapagusap na ba kayo?" Tanong sa akin ni Sab.
Umiling lang ako at nilagay ang dalawa kong kamay sa mukha ko at lalong lumakas ang pagiyak ko.
Lalo naman silang nataranta dahil na pagbe-break down ko.
"Oh my God EJ! Please stop crying. Hindi namin alam ang gagawin namin sayo." Ali
"Ali stop. Let her cry it out." Pagbabawal naman ni Ericka kay Ali.
Inalalayan nila at dinala ako sa music room. Agad nila akong pinaupo sa isang stool na nasa gilid at pinalibutan nila akong tatlo.
Hinayaan muna nila akong umiyak ng umiyak hanggang sa napagod ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/145103171-288-k460096.jpg)