Chapter 18

1.8K 86 1
                                    



AJ's POV


"Please, kahit sandali lang. Kailangan ko talaga siyang makausap. Ilang beses nakong pabalik-bakik dito oh." Halos lumuhod na ako kakapilit sa kasambahay nila EJ.

"Sorry po talaga Ma'am, kahit man ilang beses ko pong tawagin si Ms. EJ ayaw niya po talagang lumabas." Saad nito.

Huminga ako ng malalim at napahawak sa sintido ko.


Argh. Isang linggo na ang nakakalipas at hanggang ngayon ay mukhang wala pa rin siyang balak na kausapin ako.

Summer vacation na namin kaya wala talaga akong chance para makita siya kaya hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin akong bumabalik dito sa bahay nila at hanggang ngayon ay ayaw pa din niya akong kausapin.

"Ma'am, kung wala na po kayong sasabihin papasok na po ako sa loob."


"Ah wait." Saad ko bago pa nito tuluyang isarado ang pinto.


Dali-dali akong pumunta sa kotse ko at kinuha ang isang bouquet ng sunflower. Bumalik ako sa gate kung nasaan ang kasambahay nila EJ.


"Paki bigay nalang sakaniya to." At inabot ito.


"Ay Ma'am. May allergy po si Ms. EJ sa bulaklak. Hindi ko po mabibigay sa kanya yan." She said.

I nodded at tumingin sa baba.

"Ganon ba. S-sige. Thank you." And smiled slightly.


Tumango din ito at unti-unting sinarado ang gate.


Hays. Failed nanaman tayo AJ. Di ko nanaman siya nakita o nakausap. Hanggang kailan kaya tong torture nato?


Nakakagod din pala no? Sobrang hirap. Sobrang sakit.


Pero hindi. Hinding hindi ako susuko. I know magiging worth it lahat ng to. 😊


Naglakad ako papasok ng kotse ko at muling umalis ng bahay nila ng walang nangyayari.


Pagdati kong ng bahay ay agad akong dumeretso sa kwarto ko. I changed my clothes and drop myself on my bed.


Hay. Nakakapagod. Kahit buong araw lang akong nakatayo sa labas ng bahay nila EJ. Pero nakakapagod.


Bigla akong napatingin sa phone ko nang may nagnotif dito.


I grabbed it at tinignan kung sino ang natext.


From: Ericka💁🏻‍♀️

Hey girl! Let's hang out! C'mon! Here sa bar namin. Loveyou! Seeyah!


Hindi na ako nagreply instead ay pumunta ako sa closet ko at nagpalit ng damit.



I need to have fun and forget about everything at least for tonight. So AJ, lezzgo! 👌


Kinuha ko ang susi ng kotse ko at agad na pumunta sa garahe para kunin ang sasakyan ko at tuluyang umalis.


Me and My Girl (GL Story) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon