Chapter 8

2.3K 97 0
                                    


AJ's POV


"I like her." I said.

"No AJ! Hindi mo siya gusto!  You're just doing it for a show!" Saad nito habang hawak-hawak ang magkabilang braso ko.

"Don't touch me Camille. I really like her. I really like EJ. Kaya please lang tigilan mo na ko. Matagal na tayong tapos." Sagot ko dito saka ko siya tinulak palayo kaya napaatras naman ito.

"But I still love you AJ." At saka siya lumuhod sa harap ko habang hawak ang kamay ko. Tila bang nagmamakaawa sakin.

Buti nalang ay nandito kami sa CR. ng campus at wala nakakakita sa amin.

Kung meron man ay paniguradong paguusapan nanaman ako nito sa buong school.

"Stop it Camille. Tumayo ka diyan baka may makakita pa sa atin." At hinila ko siya patayo. Pero hindi siya nagpapigil.

"Tatayo lang ako dito if sasabihin mo sa akin right now na ako pa rin ang mahal mo at titigilan mo na yung babaeng yon." Saad nito at nanatili pa ding nakaluhod.

"Camille kahit anong habol ang gawin mo sa akin hindi na kita babalikan. Hindi ko na babalikan yung taong nangiwan sakin noon. Gusto ko si EJ and lahat gagawin ko para makuha siya. Kaya please, wag mo nang ipilit ang sarili mo sa akin at wag mo nakong lapitan." I said at iniwan siyang magisa.

Paglabas ko ng CR. ay nakita kong nakaabang doon ang tatlo kong mga kaibigan.

"Yes girl! Tuhray mo don ha!" Alishia said.

"I like her. I really like EJ." Ginaya pa ni Sab kung paano ko ito sinabi at saka sila nagtawanan.

"Tss. Shut up guys! I'm just telling the truth." I said and rolled my eyes at them.

"Telling the truth? So you really like EJ? Akala ko ba nagpapanggap lang kayong dalawa? Pero ngayon? You really like her na?" Saad ni Ericka habang nakataas ang isa nitong kilay.

Muli akong napairap.

"Please. Tigilan niyo na nga ako. Wala ako sa mood para makipaglokohan." Sagot ko at saka naglakad palayo sa kanilang tatlo.

"Wait AJ! Hindi mo sinagot tanong namin!" Rinig kong sabi nila pero di ko na sila pinansin at nagdere-deretso nalang ako sa paglalakad. Wala na silang nagawa kaya sumunod nalang ang mga ito.

Habang naglalakad kami papunta sa secret garden namin ay nakakita kami ng mga estudyanteng nagkukumpulan at nakapabilog ang mga ito.

"Malandi ka! Ang kapal ng mukha mo para agawin sa akin si AJ!"

Rinig ko sa isang tinig ng babae.

Argh. Ano nanaman ba tong gulo nato. 🙄

"Oh AJ. May nagaaway nanaman ata dahil sayo." Alishia said.

"Iba talaga tama ng mga tao sayo dito Aliah Jade." Ericka said and she chuckled.

Napairap nalang ako at akmang lalagpsan nalang ang mga ito pero nakarinig ako ng pamilyar na boses.

"Wait... excuse me? Wala akong inaagaw sayo. Saka sino kaba?"

Mataray nitong sagot.

Dahil sa boses na yon ay parang may tumulak sa akin para pumunta kung nasaan ang nagsabi non.

Sumunod naman ang tatlo kong mga kaibigan.

Hindi na ako nageffort na makisingit sa mga taong nagkakagulo sa paligid ng dalawang babaeng nagsasagutan. Sumilip nalang ako.

Me and My Girl (GL Story) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon