AJ's POV"Eh kung gusto mo naman pala talaga siya why don't you tell her?"
Napailing nalang ako dahil sa sininabi ng kausap ko ngayon.
"Argh no. Nicky hindi ganon kadali yon." I said with hesitation.
Nandito kami ngayon sa McDo and siya ang napili kong kausapin dahil alam kong mas matutulungan niya ko kesa sa tatlo kong baliw na mga kaibigan. At isa pa ay kaibigan naman niya si EJ.
For now kasi ay mas kailangan ko ng isang opinyon lang, kasi for sure iba't ibang advice nanaman ang maririnig ko sa mga kaibigan ko and puro asaran at kulitan lang ang magaganap sa amin.
And yes, sinabi ko na din kay Nicky na nagpapanggap lang kami na nililigawan ko ang bestfriend niya and yung nangyari nung nagalit at nag-give up si EJ sa mga pangyayari kahapon.
"Huh? Eh bat naman hindi madali?" Tanong nito at kumain ng fries.
Napabuntong hininga naman ako.
"Hays. Kilala mo naman yung bestfriend mo. She has a strong personality. And umpisa palang hate na hate niya na ko. Tapos nangyari pa yung kahapon. Kasalanan ko lahat kung bakit ang daming estudyanteng galit sa kaniya. Kung di ba naman ako g*go diba? And as she said, never siyang babaluktot. Kaya I think walang pagasa." Sagot ko.
Sunod-sunod na napailing si Nicky.
"Hay nako Ms. Santillian. Kung ganiyan na yung thought mo umpisa palang talaga hindi na ganon kadali. Ang hirap kasi sayo nasanay ka na nakukuha mo yung isang bagay sa paraang di ka nahihirapan. Pero teka nga? Ikaw ba, talagang gusto mo yung bestfriend ko o isasama mo lang siya sa mga collections mo?" Taas kilay nitong tanong.
Well sa tanong niya na yon ay hindi na ako magagalit o mao-offend dahil base sa mga nangyari sakin sa past relationships ko ay g*go naman talaga ko but this time, iba talaga ang pakiramdam ko sa babaeng to.
"I really like you bestfriend and believe me Nicky iba siya sa mga nakilala kong babae, siya lang yung nagparamdam sakin ng ganto. Kaya nga ngayon lang ako naghesitate sa isang babae eh. Kaya please Nicky help me." Sagot ko habang magka-intertwined and dalawa kong kamay.
Tumango naman siya ng tatlong beses.
"Ok. Sige. I'll help you kung ipapangako mong lahat gagawin mo para sa kaniya, magiging nice ka sa bestfriend ko and hindi mo siya sasaktan." She said at take a sip in her drink.
Tumango lang ako as a answer. Pero mukhang di siya nakuntento sa sagot.
"Well mukhang ayaw mo. Sige, aalis na ko." Hinawakan niya ang bag niya at akmang aalis na pero bago pa tuluyan tong makatayo ay hinawakan ko ang kamay niya.
"Ow please Nicky! Oo! I swear! Promise!" Saad ko at nagtaas pa ng isang kamay as a promise sign.
Bumalik naman to sa pagkakaupo at tinuloy ang pagkain.
"Okie." She said.
____________________________
EJ's POV
*knock* *knock*
"Anak? Di ka pa gising? Anong oras na?" Mom said behind in my door's room.
7:30am na at 8 ang pasok ko pero nandito parin ako sa kama ko. Nakahiga at naka balot ng kumot.
Di ako nagrespond kay Mom instead ay pumikit ako.
Ayokong pumasok no! Pagtapos kong sabihin kay AJ yon tingin niyo ba magkakaroon pa ko ng lakas ng loob na pumasok sa University niya?
Ewan ko ba. Siguro nga sobra na kong napuno na mga nangyayari kaya ko sinabi yung mga yon. Ikaw ba naman awayin at sampalin ng ganun ganun lang kahit di mo kilala yung tao diba?