Chapter 24

1.3K 60 2
                                    



AJ's POV


"What's the problem here?" I asked Alishia. Hawak-hawak ko ang kamay ni EJ habang papalit sa kaniya. Nakatayo ito sa labas ng campus at kita ko sa mukha niya ang takot at pagaalala.


"Thank God, you're here." Saad nito at tila hindi mapakali.


"Ano ba kasi ang problema?" I impatiently asked.


"Si Camille, nasa 3rd floor siya. Sa Science laboratory. Binabasag niya lahat ng mahawakan niya. She said hindi siya titigil hangga't hindi ka dumadating para kausapin siya." Saad nito.


What? Baliw na nga yata talaga 'yung babaeng 'yon. Hindi ko alam kung ano pa ba ang problema niya kung tapos naman na ang lahat about sa amin.


Tinignan ko si EJ at tumango ito na parang sinasabing puntahan ko na.


But no, bakit ko siya kailangang puntahan at amuhin? Sino ba siya?


I just rolled my eyes at huminga ng malalim.


"Just call the guards at paalisin niyo siya rito." Seryoso kong saad.


"AJ..." Tawag sa akin ni Alishia.


"Just do it, Alishia." I strictly said.


"AJ..." But this time ay si EJ na ang tumawag sa akin.


Tinignan ko ito at kita sa mga mata niya ang pakikiusap.


"No. Hindi ko siya pupuntahan don para kausapin. We're just wasting our time here." Matigas kong saad.


EJ took a deep breath at saka nagsalita. "Please, just talk to her para matapos na lahat." She just said.


And this time ay ako naman ang huminga ng malalim. "EJ, matagal na kaming tapos at wala nang dapat pagusapan pa." Tumingin ako kay Alishia at muling nagsalita. "Just call the guards now. Aalis na kami. Thanks for calling me, Alishia."


Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni EJ. Hihilahin ko na sana siya para umalis ngunit hindi niya ako hinayaan. I looked at her.


"Let's go." Saad ko dito.


"No, we're not going anywhere hangga't hindi natatapos lahat ng 'to." Seryoso nitong saad at halata sa mukha niyang nauubusan na rin siya ng pasensya.


"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko kakausapin 'yang babaeng..." And she cut me off.


"Just talk to her!" Sigaw nito. "Hindi matatapos 'to hangga't hindi mo siya kinakausap. Do you still remember noong nakita ko kayo sa office?" Pagpapaalala niya. Napahinto ako at napaisip. She's referring about sa incident noong nakita niya kaming magkahalikan.


Pagkatapos kasi ng pangyayari na 'yon ay hindi ko na kinausap si Camille at baka nga dahil sa halik na 'yon ay nagkaroon ulit siya ng hope na babalikan ko siya.


Huminga siya ng malalim at tumingin sa mga mata ko. "Umaasa pa rin siya, AJ. And because of that kiss?Ang buog akala niya ay may pagasa pa rin kayo dalawa. Maybe this is the right time para sabihin mo sa kaniyang tapos na ang lahat sa inyo at wala na talaga." Then she gave me a weak smile.


I composed myself and took a deep breath. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay ni EJ and brushed my fingers through my hair.


"You're right. Okay, I'll do it. But please, come with me."


She slightly smiled and licked her lips. "I would like to. Kilala ko 'yung babaeng 'yon, baka kung ano nanamang kagagahan ang gawin niya." She said.


Me and My Girl (GL Story) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon