EJ's POVFrom: AJ💕
Good morning, love!
Me:
Morning...
From: AJ💕
Breakfast?
Me:
Later. Kakagising ko lang ih, tinatamad pa akong bumaba. 😁😴
From: AJ💕
Haha! Get up, sleepyhead. Naiinip na ako dito sa labas ng bahay niyo.
Napatayo ako sa kama ko nang mabasa ko ang text nito.
Me:
What???
From: AJ💕
I said tumayo ka na diyan sa kama mo at labasin mo ako rito and also give me a hug! 🤗
Me:
Omg, sobrang aga mo naman. What r u doin' here?
From: AJ💕
Wala, gusto lang kitang makita and brought you food! Ayaw mo ba? Aalis na ako.
Me:
No, wait! Hintayin mo ako diyan.
Pagkareply ko noon ay agad-agad akong tumayo sa kama ko at dumeretso sa banyo upang gawin sandali ang morning routine ko. Nang matapos ako ay agad akong lumabas ng room ko at tumakbo palabas ng bahay. I opened our gate and I saw AJ, patiently waiting na may hawak na paper bag.
"Hi?" She greeted.
"Hi!" Lumapit ako rito at agad na binigyan siya ng yakap.
"Good morning." Bulong nito sa akin. Bumitaw ako at tinignan siya.
She always looks good and fresh. ☹️ Sobrang ganda talaga niya. Ng girlfriend ko! 💕
"Good morning." I greeted back. Hinawakan ko ang kamay nito ay hinila papasok. "Tara sa loob." Sumunod ito sa akin at naglakad kami para pumasok sa loob ng bahay.
Nang makapasok kami ay dumeretso kaming dalawa sa kitchen at binaba niya ang paper bag sa counter.
"Where's Tita?" She asked habang nilalabas ang mga pagkaing dala niya.
"Ah, wala. May business trip siya and kahapon pa siya umalis." I answered.
Tumango naman ito. "So, sino ang kasama mo rito?" Muli nitong tanong.
"Ah, my brother." Muli kong sagot.
"Bryan?"
"Of course. May iba pa ba akong kapatid?" At bahagya akong natawa. Napangiti naman ito.
"Wait, kuha lang ako ng plates." Paalam ko rito. Tumango naman ito bilang pagsangayon. Naglakad ako papunta sa dirty kitchen at kumuha ng plates, spoon and fork.
Habang inaayos ko ang mga kinuha ko ay dumating ang isa sa mga kasambahay namin. "Ma'am EJ, tawag po galing kay Ma'am Nicky." At inabot sa akin ang telepono. Kinuha ko ito at tinapat sa aking tenga.
"Hi! Napatawag ka?" I asked.
"Halo, my friend!" Energetic nitong bati sa akin. "Just wanna remind you na ngayon ang wedding anniversary ni Mom & Dad. I hope hindi mo nakalimutan. Be here at 6pm." Saad nito sa kabilang linya.