Chapter 14

2K 86 3
                                    


EJ's POV


Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong gumalaw sa tabi ko.


Babangon na sana ako pero napansin kong may nakapulupot na braso sa waist ko.

Umupo ako sa kama habang nandoon parin ang braso sa baywang ko.

Ow shit. Wait. Bigla akong napahawak sa ulo ko ng makaramdam ako ng sakit.


Huhuhu. Hangover.


Tinignan ko ang tao na nakayakap sa akin pero hindi ko makita ang mukha nito dahil may kumot na nakatalukbong sa mukha niya.


I think it's Nicky. Sobrang gulo non matulog eee.


Dahan-dahan kong inalis ang braso nito sa akin. Pero hindi ko na ito naalis dahil bigla niya akong niyapos ng yakap kaya napahiga ulit ako sa kama.

Shocks Nicky. Anu ba to. Napa likot mo naman ang sakit na nga ng ulo ko oh.


I slowly shake her at inalis ang kumot sa mukha niya para gisingin.

Pagkalis ko ng blanket ay laking gulat ko nang makita ko si AJ na mahimbing na natutulog.


OMG. Bakit si AJ ang katabi ko? 😱

I roam my eyes into the room at napansin ko ding hindi ito ang kwarto ko.

Nasan ba ko? Bakit wala ako sa bahay? Bakit kasama ko si AJ? Bakit sa iisang kwarto lang kami natulog? Nasan si Nicky? 😧 Wala akong maalala.


"Good morning." Bati nito nang magising siya at saka umupo sa kama.

Hindi ako kumibo at nakatingin lang ako sa kaniya na may gulat sa mukha.


Nagtaka siya sa hindi ko pagkibo kaya she waved her hand in front of my face.

"Hey? Are you ok?" At tumingin sa akin na parang nagtataka.


"EJ? I said are you ok?" Tanong nitong muli.


I looked down all over my body and I crossed my arms to my chest.

Syet. Hindi ito yun suot ko kagabi. Bakit naka t-shirt at pajama na ako ngayon?

Nang makarecover ako sa mga pangyayari ay saka ako nagreact.


"Omg! Manyak ka! Anong ginawa mo sakin?!" Sigaw ko at saka ko siya pinagsusuntok sa kaniyang dibdib. Hinawakan naman niya ang dalawang kamay ko para pigilan ako. Pero nagpupumiglas ako.

"Ahhh! Bakit iba na yung damit ko?! Nasaan ako?! Anong ginawa mo sakin? Bakit ikaw ang kasama ko dito?" Malakas kong sigaw habang kumakawala sa mga hawak niya.

"Teka nga EJ! Wag kang magulo!" Pigil naman nito sa akin.


Syet. May nangyari ba samin? Bakit wala akong maalala? Bakit ang naaalala ko lang ay yung nasa dance floor kami at..... OH SHIT! 😱😳


"ANONG GINAWA MO SAKIN?!" This time ay sobrang lakas na ng sigaw ko at inipon ko ang lahat ng lakas ko para makawala sa pagkakahawak niya sa dalawang kamay ko. Nang makawala ako ay at saka ko siya tinulak.


"Uyyyyy!" Saad niya.


Pero nang mahuhulog na siya sa kama ay hinawakan niya ang dalawa kong kamay para kapitan kaya ang ending sabay kaming nahulog.

*blog*


"Aray!" We both scream.


Teka. Medyo masakit yon. 😭😣

Me and My Girl (GL Story) EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon