Nag sisimula na ang klase namin ngayon at meron kaming long quiz.Naisipan ni Enzo na makipag pustahan sakin. Kung sino daw ang mataas may 3 wishes.
Natapos na ang Long quiz namin at nalaman na namin ang resulta. Talo ko, one point lang naman ang lamang nya pero sayang pa din. Ang grade nya 97 at ako 96. Kaya sya ang boss ko ngayong araw.
"Class, choose your partner. Choose the one youre comportable working with. Your project for this sem is business plan."Seryosong sabi ng prof namin.
" Write your names together with your partner and then pass it to me. " Dag dag pa nito. Maganda ang prof namin pero masungit lang talaga.
"Yani, partner tayo! Wala kang magagawa na pasa ko na yung pangalan natin." Sabi ni Enzo.
"My choice ba ko? Eh napasa mo na." Sabi ko sabay ngiti.
"Lorenzo, Cassandra. Kayo ang mag kapartner? No! Unfair sa iba nyong classmate kayo ang top students dito tapos kayo pa ang mag kasama." Masungit na sabi ng prof namin. Medyo kontrabida.
Napatingin ako kay Enzo. Sabay dila.
"Akong bahala papayag din yan." Sabi nya sabay kindat. Tignan natin kung eepekto ang charm nya sa prof namin.
Nag ring na ang bell.
"Lorenzo, Cassandra in my office now!" Sabi nga prof namin. Agad naman kaming sumunod sakanya. Mukang malabo na talaga na mag kapartner kami ni Enzo sa business plan. Okay lang naman sakin kahit sino partner ko. Di naman ako choosy.
"Cassandra daw Yani!" natatawang sabi ni Enzo habang naglalakad.
"He!Tigilan mo ko Lorenzo! Iba na lang kasi partner mo. Ok lang naman sakin." Sabi ko.
"Sayo ok sakin hindi!"
"Bakit naman?"
"Kasi I'm sure magiging busy tayo baka sa klase na lang tayo magkita.Mamimiss kita masyado."
"Hindi ka ba nag sasawa araw araw na tayong mag kasama." Nakangiting sabi ko. Ang sweet talaga nito, kinikilig ako.
"Hindi at kahit kailan di ako mag sasawa sayo mahal kaya kita" Sabi nya sabay tingin sa mga mata ko. Nagpatuloy kami sa pag lalakad hanggang makarating na kami sa opisina ng prof namin. Kumatok si Enzo at pumasok kami sa loob ng opisina.
"Have a sit"
Agad kamin umupo sa dalawang upuan sa harap ng table nya.
"Lorenzo, Cassandra alam nyo na kung bakit ko kayo pinatawag dito. Di kayo pwedeng mag kapartner." Mataray na sabi nito
"Ma'am pumayag na kayo. Im sure nag sisimula na sila ngayon. Pag pumili kami ng ibang partner maguguluhan lang sila. Saka Ma'am ayaw nyo nun makikita nyo talaga kung sino yung nag aaral ng mabuti." Sabi ni Enzo sabay hawak sa dalawang kamay ng prof namin.
"Hay, mukang wala na kong magagawa. May point ka din naman." Nakangiting sabi nito kay Enzo. Kung kanina ay muka itong mataray ngayon naman ang maganda ang kanyang ngiti. Habang nakahawak pa din ang kamay ni Enzo sa mga kamay nya. Mukang may gusto tong prof na to sa boyfriend ko. Ggggrrrr!!
"Thank you Ma'am!Una na po kami sisimulan na po namin yung Business Plan namin" Sabi ni Enzo sabay alis ng kamay nya sa kamay ni ma'am.
Lumabas kami ng opisina.
"Oi sira ka talaga, anung drama mo? may pag hawak ka pa ng kamay!"
"Selos ka naman agad! Effective naman, tignan mo pumayag."
"Di ah! ako pa!"
"kung sabagay wala ka naman dapat ipag selos, Love na love kaya kita. Effective ang gayuma mo Yani!" Natatawang sabi nito.
"Kapal ng muka mo talaga." Sabi ko sabay hampas ng libro sa braso nya.
Umalis kami sa school at nag punta sa bahay nila. Sinimulan na namin ang business plan namin.Napag pasyahan namin na isang cafeteria na lang, sya ang mag luluto ako naman ang mag bake then may mga books na pwedeng hiramin ng mga customer.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY
RomanceUnexpectedly is love story about two different people who fell in love. Enzo (Lorenzo Santos) si just a simple person while Yani (Cassandra Garcia) came from rich and influential family. Will they give it a try? *The best relationships usually begi...