Enzo's POV
Kahapon pa ko nag tetext at sinisubukang tumawag kay Yani pero di pa din sya nasagot. Hindi din sya pumasok ngayon, sabi ni Ate may sakit daw si Yani. Naisipan ko syang dalawin ngayon. Dumaan muna ko sa Mall para bumili ng mga prutas at bulaklak. Sana di na sya galit sakin. Kailangan kong mag paliwanag sa kanya.
Nakarating na ko sa bahay nila Yani,nakita ko si Kuya Mark. Daladala ko ang mga prutas at yung bulaklak nakatago sa bag ko.
"Kuya si Yani po?"Tanong ko.
"Nasa kwarto, puntahan mo na lang pilitin mong kumain kagabi pa sya di nakain. Hindi din nainom ng gamot." Sabi ni Kuya Mark.
Tumango lang ako at pumunta sa kwarto ni Yani. Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto pero walang nasagot kaya binuksan ko ang pinto, sumilip ako at nakitang natutulog si Yani kaya pumasok na ko. Nakita ko may dalawang tray ng pagkain sa study table nya at mukang hindi pa nagagalaw ang mga yun.
Tumabi ako sa kanya, hinawi ko ang buhok na nakatakip sa muka nya at hinalikan ko sya sa noo. Naramdaman ko na mainit nga si Yani. Pumasok ako at kumuha ng isang tabong malamig na tubig at towel. Pinunasan ko sya sa buong katawan.
Lumabas ako ng kwarto nya at nag punta ng kusina. Pinagluto ko sya ng Lugaw.
"Enzo, Pasensya ka na. Kanina pa namin sya pinipilit kumain ayaw nya talaga. Nagbaka sakali na din ako na mapipilit no syang kumain." Paliwanag ni Kuya Mark.
"Ok lang kuya. Walang problema. Luto na din to sige una na ko." dinala ko sa kwarto ni Yani ang niluto ko ng lugaw. Pag pasok ko s kwarto nya ay hindi ko sya nakita. Binaba ko ang dala at hinanap sya sa CR. Bubuksan ko sana ang pinto pero naka lock. Kumatok ako sa pinto, pero walang nasagot.
"Yani." Tawag ko at agad bumukas ang pinto. Mukang nagulat sya nang makita ako.
Ngumiti sya ng bahagya at humiga ulit sa kama.
"Yani kain na nag luto ako ng lugaw."Malambing na sabi ko. Hindi nya ko pinansin at nag taklob pa ng kumot.
"Baby, please kumain ka na. I'm sorry mag papaliwanag ako pag galing mo."
Dahan dahan kong binaba ang kumot na nataklob sa kanya. Humarap sya sakin pero hindi pa din nag sasalita. Inayos ko sya ng upo at sunubuan ng lugaw. Di nya naubos ang lugaw, mabuti naman at kumain na sya kahit konti kailangan nya din uminom ng gamot. Kumuha ko ng ubas para ipakain sa kanya.
"Mamaya na lang" Sabi nya nung inabot ko ito at tumabi sa kanya.
"Kumain ka na, kailangan mo to." paliwanag ko
"Mamaya na lang promise."
kumuha ko ng isang pirasong ubas at biglang isinubo sa kanya. Kinain nya naman to. Kumuha ulit ako at sinubo sa kanya. Kinain nya na ang ubas habang ako ang nag susubo sa kanya.
"Gusto mo lang pala ng private nurse ee." Pabirong sabi ko pero inirapan lang nya.
Natapos na syang kumain at bumalik ulit sa pag kakahiga.
"Yani,Baby, uminom ka na ng gamot." Pag lalambing ko.
Tumingin sya sakin at umiling lang.
"Paano ka gagaling nyan? Inumin mo na isa lang naman to Baby!"
"Eehh!! auko" sabi nya na parang naiiyak na.
"Please Yani, I Love you!" Sabi ko ng may malambing na boses. Alam ko galit pa sya sakin pero kailangan ko syang mapainom ng gamot.
"Eehhh! Enzo naman!" Naiiyak pa din nyang sabi.
"Don't tell me takot kang uninom ng gamot?"
"Yes, yuck kaya! auko uminom" Sabi nya sabay taklob ulit ng kumot.
"Yani, please inumin mo na to." Sabi ko sabay hila ng kumot.
"Enzo!" Naiyak na sya.
"Ayaw mo talaga? Please kailangan mong uminom ng gamot, para gumaling ka na. Alam ko na 3rd wish ko, Iinom ka ng gamot pag may sakit ka.". Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha nya.
"Ang daya mo. Di pwede yun."
"Pwede yun, basta yun ang 3rd wish ko."
"Sige na!" Sabi nya pa habang naiyak.Umupo sya at Kinuha nya ang tablet sa kamay ko at ininom ito.
"Very Good!" sabi ko sabay halik sa noo nya.
"Thank you." sabi nya. Bumalik na sya sa pag kakahiga. Niyakap nya ang braso ko sabay pikit ng mga mata.
Ilang oras ng nakalipas nakabantay pa din ako sa kanya habang natutulog sya. Ako din ang nag pupunas sa kanya ng basang tuwalya.
May kumatok sa pinto at pumasok.
"Enzo, can I talk to you? Saglit lang tayo." Sabi nya sabay labas. sumunod naman ako sa kanya. At sinimulang mag sa labas ng kwarto ni Yani,
"Enzo, can I ask you a favor. Pasensya ka na. I know this is too much but please take care of Yani. Dito ka na lang matulog para bantayan si Yani. Pag ako kasi nag alaga sa kanya hindi nya din ako pakikingan."Pakiusap nya sa akin.
"Sige po Kuya kaso wala po akong dalang mga damit."
"No problem bibigyan kita may nga bagong damit ako nakatago and ako na lang ang bahalang mag paalam kay nanay. Okay lang ba sayo?"
"Ok lang kuya no problem."
"Thank you so much Enzo, Napainom mo ba sya ng gamot?"
"Yes , kuya."
"See, nakikinig sya sayo. Kami kasi hindi namin sya mapilit pilit. Kailangan pa namin syang hawakan para uminom ng gamot" Paliwanag nito.
"Ang hirap ngang pilitin daig pa ang bata. Kuya una na po ako ah."
"Sige salamat talaga Enzo."
Pumasok ako sa kwarto ni Yani mahimbing pa din ang tulog nya. Maya maya ay dumating ulit si Kuya Mark.
"Eto na yung mga damit. Pag gusto mong matulog may higaan dyan sa ilalim ng kama ni Yani or sa guest room pwede din."sabi ni Kuya.
"Sige po salamat"
Lumabas na si Kuya Mark ng kwarto. Ang hirap pala talagang painumin ng gamot tong si Yani. Parang bata. Inayos ko ang higaan sa ilalim ng kama ni Yani at saka nag palit ng damit sa CR.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY
RomanceUnexpectedly is love story about two different people who fell in love. Enzo (Lorenzo Santos) si just a simple person while Yani (Cassandra Garcia) came from rich and influential family. Will they give it a try? *The best relationships usually begi...