After 6 Years
Yani's POV
I'm Back in Manila kasama ang anak ko si Zeth Laurence Garcia. He's now five years old. Lumaki sya sa London pero marunong at magaling syang mag tagalog. Kamukhang kamukha nya ang ama nya, ang lalaking mahal na mahal ko pa din hanggang ngayon.
"Mommy! Were in the Philippines na po." Sabi ni Zeth ang gwapong anak ko. My Love, my hapiness, my everything.
"Yes, baby are you excited to see your cousin Catherine?" Nandito kami sa Philippines para sa 1st birthday ni Catherine ang anak ni Kuya Mark at Ate Ara. Ayoko sanang pumunta kaso kailangan. Nagtatampo na si Ate kasi hindi na din ako nakapunta nung kasal nila at binyag ni Catherine. Actually hindi alam ni Ate Ara na my anak na ko. Ayoko sana ng gulo hanggat maari kaya tinago ko sa kanila si Zeth. Pero hindi naman pwedeng itago ko na lang sya habang buhay kaya napag disisyunan ko na din na pumunta sa birthday ni catherine.
Mag iistay kami ngayon sa bahay nila mommy and daddy. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami ni dito ni Zeth. Hindi ko din kasi alam ang pwedeng mangyari, lalo na pag nag kita na sila ng daddy nya.
"No mommy! I'm excited to see daddy. He's in the philippines right?" Ang talino talaga ng anak ko naisip pa nya na nasa pilipinas ang daddy nya. Kaya nga ayokong bumalik dito, dahil sa daddy nya.
"Let's see. If daddy is not busy."
"Okay mommy, Lagi na lang busy si daddy. Are you sure he dont have other woman?"
"Zeth!"
"I'm sorry mommy! Please dont be mad. I'm just kidding. I know you love daddy and you miss him so much. Thats why you always cry at night. I love you mommy." Lumapit sya sakin para yakapin at halikan ako. Ang sweet sweet ng anak ko, manang mana sa pinag manahan. Nakikita nya pala kong naiyak tuwing gabi. Oo dahil namimiss ko ang daddy nya. Anim na taon na ang nakalipas pero mahal na mahal ko pa din sya.
"Zeth, Alam mo naman busy si daddy di ba? Para satin yun, para sa future. Saka di ka naman nalilimutan ni daddy lagi syang may gift sayo pag birthday mo ska christmas." Oo ako lahat ang may gawa nun, sinasabi ko lang na galing yun sa daddy nya. Ayoko din naman na magalit sya sa daddy nya, Ama nya pa rin yun.
"Opo pero mas masaya pa din kung kasama natin sya."malungkot na sabi ni Zeth.
"Don't worry baby, I will call your dad and ask him kung kelan sya pwede para ma meet mo sya."
"Talaga mommy thank you!" biglang sumaya ang muka nya. Ayoko ng mag sinungaling sa Anak ko. nahihirapan na ko habang nalaki sya. Matalino syang bata, sooner or later malalaman na din nya ang totoo.
Enzo's POV
Six years na simula nung iniwan ako ni Yani. Wala akong balita sa kanya sa loob ng anim na taon, kahit si ate wala din alam kung anu nangyari kay Yani. Ayaw din kasi sakanyang sabihin ni Kuya Mark. Six years na ang nakalipas pero hanggang ngayon mahal na mahal ko pa din sya.
May ari na ako ng isa sa kilalang restaurant sa Manila. Unti unti ng natutupad ang mga pangarap ko. Nakabili na din ako ng sariling bahay malapit sa bahay na tinutuluyan nila Ate, ayaw kasi ni nanay na mag kakalayo kaming tatlo. May girlfriend na din ako si Trixie mag iisang taon na din kami. Sinusubukan ko syang mahalin. Wala namang masama dun at alam kong mahal nya talaga ko.
"Enzo, darating daw si Yani sa Birthday ni Catherine." sabi ni Ate. Kinakabahan ako, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pag nakita ko ulit sya. May asawa na kaya sya? Ano na kayang istura nya maganda pa din kaya sya? bakit ko ba sya iniisip? Iniwanan nya lang naman ako ng hindi man lang nag papaalam.
"Enzo! Nakikinig ka ba?"
"Oo ate nakikinig ako. Past is past six years na kaming wala."
"Sige sabi mo eh! Pero sabi sakin ni Mark may anak na daw si Yani. Busy daw sa anak nya kay hindi din sya nakapunta sa kasal ko." May anak na sya, bakit parang ang sakit nung rinig ko yun.
"Good for her!" Ang tanging nasabi ko.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY
RomanceUnexpectedly is love story about two different people who fell in love. Enzo (Lorenzo Santos) si just a simple person while Yani (Cassandra Garcia) came from rich and influential family. Will they give it a try? *The best relationships usually begi...