Chapter 58: E-mail

1.2K 17 8
                                    

Yani's POV

Gabi ng ng matapos ang birthday party, nakatulog na din sa sala si Zeth. Binuhat ko sya para maka uwi na kami.

"Yani, ako na." Kinuha ni Enzo sakin si Zeth.

"Enzo, sorry pwede bang next time na lang tayo mag usap. Nakatulog na kasi si Zeth, mukang napagod sya. Gusto ko na sanang magpahinga sya."

"Ayos lang, para makapag pahinga ka na din. Alam ko napagod ka"

"Yeah thanks!"

Nag punta kami sa kotse at hiniga sa loob si Zeth.

"Daddy!" sabi ni Zeth mukang nanaginip o sign lang to na kailangan ko ng sabihin kay Enzo ang totoo?

"Good night! Sige una na ko." paalam ni Enzo.

"Wait!"

"Bakit?"

"We really have to talk. Bantayan mo muna Si Zeth, tatawagan ko lang si james."

Tinawagan ko sa cellphone si James.

Yani:"James, nasan ka?"

James:"Dito sa bahay ng kuya mo. Nainom kami. Bakit?"

Yani: "Lumabas ka dali!"

Binaba ko ang cellphone ko at agad naman dumating si James.

"Princess"

"James, madami kang nainom? Makakapag drive ka ba? Paki hatid naman si Zeth sa bahay mag uusap lang kami ni Enzo."

"May choice ba ko? Sige na ihahatid ko na at babantayan ko pa hanggang makauwi ka." Maasahan ko talaga si James. Lagi syang nandyan para samin ni Zeth.

"Thank you James!"

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?"

"Sure na to."

"Sige na, Bye! Ingatan mo si Zeth."

Umalis na sila at kami nalang ni Enzo ang naiwan.

"So, saan tayo?" tanong nya.

"Gusto ko sana sa private, yung tayo lang dalawa."

Nag punta kami sa bahay nila at pumasok sa kwarto. Sa palagay ko kwarto nya to. Nandoon ang mga picture nya nung bata pa sya na lagi kong nakikita sa kwarto nya sa lumang bahay nila. Kamukhang kamukha nya talaga si Zeth. Ang naka agaw ng pansin ko ay ang isang malaking picture ko na nakasabit sa wall.

"Enzo, ako to. Bakit meron ka nito?" tanong ko.

"Pinagawa ko. Namimiss kasi kita, gusto ko lagi kitang nakikita kahit sa picture lang."

Ngumiti ako. Oo natuwa ako sa narinig ko pero ayokong umasa.

"Tell me, bakit mo ko iniwan six years ago?"

"I'm sorry! Nung araw na umuwi tayo, nag kaayos kami ni mama. Sabi nya sakin uuwi na daw kami, pupunta daw kaming London. Sasama daw ako sa kanya at dun na kami titira. Hindi ako pumayag, nag talo pa nga kami pero hindi ako nanalo.Hindi ko n alam ang sumunod na nangyari pagkatapos pag gising ko nasa private plane na kami." Umiiyak na sabi ko.

"Bakit hindi mo man lang ako tinawagan o kahit text man lang?Maiintindihan naman kita Yani."

"Pag dating namin sa London kinuha ni mommy ang cellphone ko at laptop. Pati passport ko kinuha nya. Nalaman nya pala ang relasyon natin. Hindi din ako pinapayagan makaalis ng bahay ng walang body guard. Kahit sila kuya hindi ko makausap."

"I'm sorry! Hindi ko alam. Wala akong nagawa para matulungan ka."

"Ilang buwan akong nag kulong sa kwarto. Hindi na ko kumakain at nakakatulog ng maayos kakaisip kung paano ko makakatakas. Hanggang isang araw hinimatay ako at dinala sa ospital. Nalaman namin na buntis ako. Nag usap kami ni mama at pumayag na sya sa relasyon natin. Ayaw nya kasing lumaki ang anak ko na walang buong pamilya."

"Anak ko si Zeth? Tama pala ang hinala ko. Bakit hindi mo manlang sinabi sakin? Bakit mo sya tinago sakin?" Nasigaw na si Enzo this time alam ko na nagagalit na sya.

"Nagtext ako sayo, tumawag pero hindi ka nasagot. Nag Email ako sayo. Sinabi ko na buntis ako, pero ang sabi mo wala ka ng paki alam sakin dahil iniwan lang din kita. Hindi ka naniniwala na buntis ako at sabi mo pa kung totoo man na buntis ako wala kang balak na panagutan ako at mas mabuti na ipalaglag ko na lang ang baby." Patuloy lang ako sa pag iyak sa tuwing maalala ko nasasaktan pa din ako pero hindi ko pa din magawang magalit sa kanya dahil mahal ko pa din sya mahal na mahal.

Enzo's POV

Anong sinasabi ni Yani na Email wala akong natatanggap na email galing sa kanya.

"Yani, wala akong natanggap na email galing sayo at lalong wala akong reply na ganun email."

"Anung ibig mong sabihin? Ipapakita ko sayo yung email." Nag check sya ng Email at pinakita ito sakin. Hindi ako makapaniwala, oo email ko yun pero hindi ako ang nag reply sa kanya.

"Email ko yan, pero i swear hindi ako ang nag reply nyan."

"Eh sinong gagawa nyan?"

"Kilala mo ko Yani, hindi ko magagawa yan sayo at hindi ako ganyang tao."

"Hindi ko alam, hindi ko alam kung maniniwala ako sayo."

"Baby, please believe me. Kailan ba ko nag sinungaling sayo. Alamin natin kung sino ang may gawa nito."

Nagpatuloy sya sa pag iyak. Kailangan kong malaman kung sino ang may gawa nito.

Naalala ko na nawala ang cellphone ko ilang buwan pagka alis ni Yani.

"Baby, nawala ang cellphone ko dati. Naka connect dun ang email. Baka yung nakakuha yung nag reply nun."

"Naniniwala na ko sayo, dahil kahit kailan hindi ka nagsinungaling sakin at tama ka hindi ka ganung tao pero wala ng dahilan para alamin pa kung sino ang may gawa nun. Nangyari na ang nangyari. Masaya na ko kay Zeth ikaw masaya ka na din sa girlfriend mo. Ang gusto ko lang naman makilala ka ni Zeth."

"Gusto kong bigyan sya ng buong pamilya."

"Paano si Trixie?" Natahimik ako sa tanong nya. Mahal ko pa din sya pero si Trixie sya yung nandyan para sakin nung mga panahon na pati sarili ko hindi ko na kayang mahalin.

"Hindi ka maka sagot, tama na sakin na makilala ka ni Zeth. Hindi ko naman sya ipagdadamot syo."

"Baby."

"Enzo, please matalinong bata si Zeth maiintindihan nya ang sitwasyon at wag kang mag alala."

"I'm sorry!" Nagagalit ako at naiinis sa sitwasyon namin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko para balikan ang mag ina ko ng hindi nasasaktan si Trixie.

"Pwede kang pumunta sa bahay bukas para mapakilala na kita sa kanya."

UNEXPECTEDLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon