Yani's POV
Nag start na ang birthday party. Nakikita kong nag enjoy si Zeth sa mga games at Magic show. Nandito ko ngayon sa sala, masyado kasing madaming tao sa garden. I'm sure pag chichismisan lang nila ko, ayokong gumawa ng eksena dito.
"Are you okay?" Umupo si Enzo sa tabi ko at inabot ang isang baso ng orange juice.
"Yes, Nasaan na si Girlfriend mo?"
"Huh?"
"Si Trixie? di ba girlfriend mo sya?"
"Ah, oo! Maypasok sya ngayon sa trabaho. Hahabol na lang daw sya."
Ngumiti lang ako saka uminom ng juice.
"Mommy, you want spaghetti?" tanong ni Zeth habang papalapit ng may dala dalang plato na may spaghetti.
"Kainin mo na yan." Masunurin naman ang anak ko at kinain ang dala dala nyang spaghetti.
"Mommy, I'm done na po." ang dumi ng mukha ng anak ko, Daming spaghetti sauce.
"Hi tito enzo!" saka hinalikan si Enzo sa mukha.
"Baby, stop kissing Enzo. Ang Dumi na din ng daddy mo. Come here baby." Lumapit sakin si Zeth saka ko sya pinunasan pag katapos ay si Enzo naman ang pinunasan ko sa mukha.
"Mommy, mag start na po ulit yung games. Punta na po ako dun." Sabi ni Zeth saka pumunta sa mga bata.
"Daddy huh?" Tanong ni Enzo. Anung daddy sinasabi nya? May nasabi ba ko?
"Sabi mo kanina ang dumi na din ng daddy mo." Nagtatakang nakatingin sakin si Enzo. Oh my! Nasabi ko yun? Lagot na, kailangan ko na talagang sabihin.
"Ahh.. yun ba? ano kasi.. wala yun. oo wala yun."
"Yani, pwede ba tayong mag usap mamaya?"
"Sure... sure.. sige mamaya!"
"Princess!" Sigaw ni James habang papalapit sakin.
"James" Tumayo ako.
Lumapit sya sakin, saka ako hinawakan sa pisngi at saka hinalikan sa labi.
"James! Ilang beses ko ng sinabi sayo wag mong gagawin sakin yun!"sabi ko sabay sabunot kay James.
"Aray naman princess."
"Ewan sayo!"
Nilapit nya ang muka nya saka bumulong. "Kaya naman pala nagagalit ka kasi nandyan si Enzo!" Natatawang sabi nito.
"Shut up!" Sinabunutan ko sya ulit nakakainis. Pinag tritripan nanaman nya ko.
"Aray! aray! tama na! Iiyak na nanaman ee! Sorry na!"
Binitiwan ko ang pag kakasabunot sa kanya. Nakatingin lang samin si Enzo.
"Enzo" sabi ni James.
"James, kumusta? Kayo pala ni Yani?" tanong ni Enzo.
"Yes(James)/No (Yani)" sabay namin sinabi.
"No! Kapal mo James! Wag kang maniwala sa kanya." sabi ko. Ngumiti lang si Enzo. Hindi ko alam kung anung nasa isip nito. baka mamaya naniwala sya kay James.
"Nasaan na si Zeth?" tanong ni James.
"Nadun nag lalaro,puntahan mo na! Kagabi ka pa nyan hinahanap." Tinuro ko sakanya si Zeth at agad naman nya itong pinuntahan.
"Enzo, Gusto ko lang linawin hindi kami ni James. Hindi talaga!"
"Hindi mo naman kailangan mag paliwanag. Boyfriend mo man sya o hindi wala na ko dun."
"Yeah right.." mahinang sabi ko. Di ko alam kung paano ko mag rereact sa sinabi nya. Siguro nga wala na syang nararamdaman para sakin, anim na taon na din ang nakalipas. Hindi na ko dapat umasa.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY
Lãng mạnUnexpectedly is love story about two different people who fell in love. Enzo (Lorenzo Santos) si just a simple person while Yani (Cassandra Garcia) came from rich and influential family. Will they give it a try? *The best relationships usually begi...