Chapter 55: Chocolate Ice Cream

1.1K 16 0
                                    

Yani's POV

Nandito kami sa mall para mamasyal at bumili ng gift para kay Catherine.

"Mommy I want Ice cream." sabi ni Zeth.

"Bibili tayo mamaya ng ice cream. Mag play muna tayo okay ba yun?"

"Yes, mommy!"

Mag laro kami,sumakay sa mga sasakyang pambata at nag skate. Nanuod ng Cartoon movie.

"Nag enjoy ka baby?"

"Yes mommy. Ang saya saya po."

"Let's buy ice cream."

Nag punta kami sa isang ice cream stall at umorder ng paborito naming chocolate ice cream. Iaabot ko na sakanya ang ice cream pero wala na sya. Nawawala si Zeth!

Enzo's POV

Nasa mall kami ngayon ni Trixie, nag papasama kasi syang mag shopping.

Napansin kong may isang batang lalaki na naiyak sa isang sulok at mukang nawawala.

"Hey, Baby nawawala ka?" tanong ko.

"Yes! I cant find my mommy! Please help me to find my mommy!" Sabi nung bata.

"Anong pangalan ng mommy mo?" tanong ni Trixie.

"Cassandra Garcia" Kapangalan ni Yani, pero impossible na si Yani yun at anak nya to.

may kinuhang papel ang bata at inabot sakin.

"Please call my mommy. Thank you." sabi nya.

Tinawagan ko ang number na nasa papel. Mag ring ay binigay ko ito sa bata sinimulan na nyang kausapin mommy nya sa cellphone.

"Mister, mommy will text daw po the place kung saan po tayo mag kikita."

"Sige, ano nga palang pangalan mo?" tanong ko.

"Zeth Laurence Garcia. Kayo po."

"I'm Enzo and she is my girlfriend Trixie."

"Hello po thank you po sa pag tulong nyo na makita si mommy!"

"Your welcome."

Nagpunta kami sa lugar na tinext ng mommy ni Zeth, isang Ice cream stall.

"Zeth, nasaan ang daddy mo? Di nyo ba sya kasama?" tanong ni Trixie.

"I dont know, maybe he's busy sa business nya. Yun kasi sabi ni Mommy busy daw si daddy."

"Bibili lang ako ng juice." sabi ko

Umalis muna ko para bumili ng juice. Nang pabalik na ko may narinig akong isang pamilyar na boses.

"Zeth!"

Lumapit ako sa kanila at nagulat sa nakita ko.

"Wag mo nang gagawin yun. Sabi ko naman sayo wag kang aalis sa tabi ko. Pano pag may masamang mang yari sayo, ikamamatay ni mommy yun." sabi ni Yani. habang naiyak. Oo si Yani ang nakita ko at Anak nya si Zeth.

"Mommy I'm sorry promise di na ko mawawala ulit. Mommy pakikilala kita sa kanila tinulungan nila ko mommy!"

Yani's POV

"Mommy I'm sorry promise di na ko mawawala ulit. Mommy pakikilala kita sa kanila tinulungan nila ko mommy!" sabi ni Zeth binuhat ko sya at nag punta sa mga taong nakakita sa kanya.

Lalo akong naiyak sa nakita ko, si Enzo. Ang ama ni Zeth.

"Mommy, he's enzo and trixie his girlfriend !" pakilala ni Zeth sa kanila. Girlfriend na pala ni Enzo si Trixie. May girlfriend na pala sya, siguro nga nakapag move on na sya.

"Yani" tanging nasabi ni Enzo!

"You know him mommy?" tanong ni zeth.

"Yes baby, he' your... he's my friend." sabi ko habang patuloy pa din ako sa pag iyak, dahil sa muntik ng mawala ang anak to at dahil sa may iba ng mahal ang taong mahal ko.

"Anak mo pala sya kaya pala parang pamilyar ang muka nya."

Sabi ni Enzo. Tangga nya talaga kung minsan kay pamilyar ang mukha ni Zeth sa kanya kasi kamukang kamukha nya si Zeth.

"Sige Una na kami, Maraming salamat!" hindi ko na hinintay ang sagot nila agad kaming umalis at nag pasyang umuwi ng bahay.

UNEXPECTEDLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon