Yani's POV
Nandito na sa bahay si Enzo.
Kinakabahan ako. Not my first date but this is different ang weird. Cant believe na ang dating nang aasar at sumisira ng araw ko ay makakadate ko ngayon.
Pumunta na ko ng sala pa makita si Enzo.
"Hi!" bati ko.
"Let's go!" yaya ni Enzo.
Lumabas kami at Sumakay sa kotse. Makalipas ang ilang minuto nakarating kami sa isang mall.
Kumain kami ng lunch sa isang restaurant, pag katapos ay nanuod kami ng movie. Amazing Spiderman 2.
Pagkatapos namin manuod ng sine nag lakad lakad muna kami sa mall.
"Hindi happy ending noh?" tanong ni Enzo.
"Oo, pero thats life hindi lahat my happy ending." sabi ko.
"Ang bitter mo ha!" natatawang sabi ni Enzo.
"Ganon ba talaga ka halata?!"nagtatakang tanong ko.
"oo, my gusto ka bang ishare sakin.?" tanong nya.
"Soon. My gusto kong kain. Please samahan mo ko." Nag mamakaawang sabi ko.
"Ano ba yon?"
" Street foods! you know isaw, adidas, dugo, kwek kwek, tokneneng, fishball, kikiam." excited na sabi ko.
"Ano naman ang naisip mo at gusto mong kumain nun? Di bagay yun sayo mayaman ka baka sumakit tyan mo!" sabi ni Enzo.
"Please, hindi pa ko nakakain nun sa buong buhay ko saka mukang masarap kaya. Saka di naman mapili tyan ko di to sasakit. Sige na Enzo. Secret natin to aah." pangungulit ko.
"sigurado ka ba talaga?" tanong nya.
"oo sigurado! dali na!" excited na ko matikman yun. muka talagang masarap. naiingit ako sa mga classmate ko dati kasi after class kumakain sila ng street foods sa labas ng school at ako hindi pwede bawal sabi ni daddy daw. kaya wala ako nagawa kundi sumunod.
"Tara na. Labas tayo may alam ako."yaya nya.
Lumabas kami ng mall at naglakad, at ayun may mga tinda ng street foods.
"Ano gusto mo?"Tanong ni Enzo.
"Lahat gusto ko Tikman." nkangiting aabi ko.
Bumili sya ng ibat ibang klase ng street foods.
"Uuhhhmmm. thank you. Ang sarap naman nito. Secret lang to ah."
"Sige pero alam mo ba yang mga kinakain mo n yan.?'' nakangiting sabi nya.
"oo naman, nag research ako noh. Ang saya! Ulitin natin to ha!" pangungulit ko.
" alin yung date?!" sabi nya.
"hindi pag kain ng street foods!"sabi ko. Natahimik sya.
Natapos na kaming kumain at dinala nya ko sa isang park. Umupo kami sa duyan.
"Enzo..."
"uuhhmmm.." matipid na sagot nya.
"Thank you.Nag enjoy ako. Ulitin natin to ha." Nahihiyang sabi ko.
"Yung pag kain ng street foods, haha.. sige." natatawang sabi nya.
"Hindi yung date." sabi ko sabay ngiti.
"Sure, masaya ko na nag enjoy ka. So first time mong makipag date?" tanong nya.
"of course not but this one is different so memorable." paliwanag ko.
" Kakaiba ka talaga. yung iba niyaya akong kumain sa mga mamahaling restaurant tapos ikaw street foods ang gusto mo. Pati sa movies tung ibang girls romantic movies ang gusto ikaw Spiderman. " natatawang sabi nya.
"oohhh.. siguro madami ka ng naging girlfriend noh?" nacurious ako.
"dalawa lang naman. nag break kami kasi things wont work out. Yung isa nag punta sa ibang bansa dun na sya nag aaral, yung isa naman na mas maganda daw kung friends na lang kami." kwento nya.
"Friends pa din kayo nung mga Ex mo?" tanong ko. interesado ko malaman alam nyo na research.
"Yes friends pa kami. Wag kang mag selos wala na kong nararamdaman sa kanila.Sayong sayo lang ako." Nakangiting sabi ni Enzo.
"Feeling ka naman." Natatawang sabi ko.
"Ikaw ilan na naging boyfriend mo?"tanong nya sabay hawak sa ilong ko.
"ako...honestly wala pa." seryosong sabi ko.
"pero di ba sabi mo nakipag date ka na dati?" nagtatakang tanong nya.
"Yes, isang tao lang naman ang dine-date ko nun eh. My first love." pagkwento ko.
"bakit di naging kayo?" tanong nya.
"Kasi iniwanan nya ko, hindi nya ko kayang ipaglaban." seryosong sabi ko habang nakatingin a mga mata ni Enzo.
"Wag ka ng malungkot nandito naman ako, ipag lalaban kita." sabi nya habang nakatingin din sakin.
ngumiti lang ako sa kanya. Pag naaalala ko yun nalulungkot ako kahit dalawang taon na ang nakalipas. Pero alam ko unti unti na kong naka move on, dati halos gabi gabi akong naiyak pero nung nakilala ko si Enzo unti unti kong nakalimutan ang first love ko dahil nakafocus ako sa pang aasar sakin ni Enzo at kung paano ko sya iiwasan.
"Wag mo na syang isipin, nag seselos ako." Sabi ni Enzo.
"Haha! ok." Natatawang sabi ko.
"Tara na umuwi na tayo. Baka hinahanap ka na ni Kuya."
Pag dating ko sa bahay inabutan ko sa bahay sila mommy at daddy pero paalis na din sila. Hello and goodbye nanaman. Pag alis nila natulog na din ako.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY
عاطفيةUnexpectedly is love story about two different people who fell in love. Enzo (Lorenzo Santos) si just a simple person while Yani (Cassandra Garcia) came from rich and influential family. Will they give it a try? *The best relationships usually begi...