Yani's POV
Tanghali na ng magising ako nakaalis na din si lolo pabalik sa America. Babalik na lang daw ulit sya next month kasama si Tita Ganda. Inayos ko kaagad ang mga gamit ko dahil this week n din ako lilipat sa Condo ko. Medyo excited ako.
Pag katapos kong mag ayos ng gamit nag punta ko kila Enzo. Pag dating ko sa bahay nila nakita nandoon si Trixie at lumapit sakin. Hinila nya ko papunta sa sala kung saan nandun din si Enzo. Umupo kami sa sala habang nanunuod si Enzo ng movie.
"Hi. Yani right? Pwede ba kitang makausap." Nakangiting sabi nito. Kinakabahan ako.Kung aawayin nya ko, wala ako sa mood ngayon.
"Uhh.. yeah, su-sure?" nagaalangan na sagot ko.
"Enzo, chupi ka muna dali bili mo kami ng merienda."
"Ehh.. baka kung anu pa sabihin mo kay Yani." paliwanag nito.
"Enzo, It's okay! I want Inihaw!" Nakangiting sabi ko at lumabas na si Enzo para bumili.
"Yani, I'm trixie. I'm sorry about what happen last time. Nag selos lang ako."
" I know you like him but he doesnt like you.I'm sorry but thats the truth." Ayaw ko man na masaktan sya sinabi ko na ayokong makipag plastikan.
"Alam ko naman ee, umaasa lang naman ako baka sakaling marealize nya mahal nya pala ko. Bata pa lang kami gusto ko na sya gustong gusto pero ang turing nya sakin kaibigan lang."
Kung nung una naiinis ako sa kanya ngayon ay naaawa na ko sa kanya. Mag mahal lang sya. Hindi ko naman sya masisi kasi hindi mo pwedeng piliin kung sino ang pwede mong mahalin.
"I'm sorry. Kung may magagawa lang ako pero wala mahal ko din sya."
"Alam ko, the way you react nung sinabi ko na girlfriend nya ko. Alam ko na may kakaiba sa inyo. Alam ko wala nanaman akong laban. Alam ko mahal ka nya, the way he look at you kahit kailan hindi nya ko tinignan ng ganun." Sabi nya habang naiyak. Naguguilty na din ako feeling ko tuloy ako pa yung mang aagaw pero hindi ko pwedeng isuko si Enzo ng ganun na lang.
"Yani, Just promise me hindi mo sya sasaktan at hindi mo sya iiwan." Dagdag nito.
"I promise. I'm really sorry." Sabi ko habang pinunasan ang luha nya at pagkatapos ay niyakap ko sya.
Dumating naman si Enzo at nagulat sa nakita nya. Dahil pareho kaming naiyak.
"Yani, Baby anung nangyari? Bakit ka naiyak?" Lumapit sya sakin at pinunasan ang luha ko. Bakas sa muka nya ang pag tataka.
Ngumiti lang ako.
"Wala chismoso ka, nagugutom lang kami." Sabi ni Trixie.
"Sige aayusin ko lang tong binili ko." Pumunta si enzo sa kusina para ayusin ang binili nyang merienda.
"So friends na tayo ha. Don't worry hindi ko na haharutin si Enzo." Nakangiting sabi ni Tirixie but I can see the hurt in her eyes.
"Friends." Nginitian ko din sya.
"Kain na!" sabi ni enzo sabay lapag ng iba't ibang klaseng inihaw. Gusto ko talaga ko. Masarap kasi.
"Ang cheap mo naman Enzo, inihaw lang papakain mo dapat pizza na lang." Pang aasar ni Trixie.
"Yan ang request ng baby ko. Saka sawa na yan sa pizza."
"Nga pala may dala ko. Chocolate cake saka brownies." At nilapag ko ang mga ito sa table. Tinikman ni trixie yung brownies.
"Sarap! Gawa mo? Turuan mo naman ako!"
"Sure pag may time punta tayo sa condo turuan kita."
"May condo ka? wow! mayaman" sabi ni trixie habang tuloy pa din sa pagkain ng brownies. Si Enzo naman nag tatakang nakatingin sakin.
"Yes, actually kakabigay lang sakin ni lolo kahapon kasabay nung car. Kaya din ako nag punta dito just want to ask for your help na mag ayos ng gamit. This week kasi lilipat na ko si kuya busy din lilipat sa condo nya. Please." paliwanag ko.
"matatatangihan ba kita." tanging nasagot nya.
Umalis na din si trixie dahil may gagawin pa daw sya kami na lang ni Enzo ang naiwan sa sala habang nanunuod ng movie.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY
RomantikUnexpectedly is love story about two different people who fell in love. Enzo (Lorenzo Santos) si just a simple person while Yani (Cassandra Garcia) came from rich and influential family. Will they give it a try? *The best relationships usually begi...