Yani's POV
Tanghali na ng magising ako pero tulog pa din si Enzo, napagod kami kagabi sa pag gagawa ng financial aspect ng business plan. Matalino si Enzo pero pati sya nahirapan. Isang chapter na lang matatapos na din kami, pero lahat ng yun kailangan pa namin ireview.
Nag punta ko sa kusina para mag luto. Kinuha ko ang cellphone ko para magpatulong kay google kung paano mag luto ng adobo. Nilabas ko ang mga ingredients at sinunod ang instructions. Tinikman ko. Uuhhmm.. Pwede na din! Hay di ko talaga talent magluto pero kailangan kong mag aral di naman pwede na lagi akong magpadeliver. Saka nakakahiya din kay Enzo lagi na lang nya ko pinag luluto.
"Ang bango, mukang masarap." Lumabas si Enzo galing sa kwarto.
"Haha! amuyin mo na lang wag mo ng tikman baka magbago isip mo pag natikman mo." sabi kong havang natawa.
"Kahit ano pang lasa nyan kakainin ko yan kasi pinaghirapan mo yan."
Naghain ako habang nakaupo sya sa mesa at sabay kaming kumain.
"Masarap para sa first time magluto."
"Turuan mo pa ko mag luto ha! Gusto ko matututo magluto ng sinigang saka nilaga."
"Sige pero may kapalit yun na kiss sa bawat ituturo ko sayo."
"Hala! Wag na mag google na lang ako."
"Joke lang tinignan ko lang baka makalusot. Hahaha!"
Natapos kaming kumain at hinugasan nya ang mga plato. Nag punta naman ako sa sala para manuod ng movie.
"Enzo ano movie gusto mong panuorin?" Sigaw ko.
"Yani di ba dapat nag aaral tayo." Sabi nya habang papalapit sakin.
"Baby, Matatapos nanaman tayo pahingga muna please." Sabi ko with my sweetest smile.
"Oh sige horror huh!" Sabi nya sabay upo sa tabi ko.
"Yehey! Wait horroh? Eh iba na lang Romance?"
"Ayaw!"
"Comedy?"
"Ayaw pa din?"
"Cartoons?"
"Ayaw, Horror na kasi."
"Eh! Nakakatakot yun ee!"
"Malamang horror nga !"
"Eh ayoko!"
"Sige wag na, tara na mag aral na tayo!"
"Oo na sige na horror na lang."
"Yes! I love you baby!"
Now watching Carrie. Hay naku goodluck sakin nito, buti na lang dito pa din sya matutulog aa condo. Subukan nyang umuwi sasama ko sa kanila.
*dingdong*
Binukasan ko ang pinto.
"Oh, Hi James!" Sabi ko sabay tingin kay Enzo.
"Princess" Pumasok sya sa loob at umupo sa may dulo ng sofa.
"May dala ko Spaghetti. Your favorite."
"Thanks, James si Enzo bestfriend ko. Enzo si James bestfriend ni kuya."
"Nice meeting you Enzo. Sya din yung nasa dinner di ba?" sabi ni James pero ngumiti lang si Enzo. Umupo ako sa gitna nila. Enzo-Yani-James. Ang awkward naman.
"Carrie? Princess nanunuod ka na ngayon ng horror? Wow! Congrats Enzo napapayag mo syang manuod nyan!"
"Oo na! Shut up Charming!" Oopss.. anung sabi ko! Hala Nabigla lang ako. Yun kasi tawag ko sa kanya dati charming kasi sya ang prince charming ko at ako ang princess.
"What?" tanong ni James mukang di nya din inaasahan ang sinabi ko.
"I said shut up James!" Naiinis na sabi ko. Hay Bakit ba kasi nandito tong lalaking to.
"Okay! Pikon talaga."
Tahimik lang si Enzo habang nakikinig sa usapan namin.
"Enzo!"
"Yes" Maikling sagot nito.
" Are you okay?" tanong ko
"Yes, don't worry!"
Nanuod na kami movie. Nakakagulat at medyo nakakatakot. I hate horror movies! Bakit ba kasi ang hilig sa horror nito ni Enzo! Hindi ako nag eenjoy kaya sumandal ako at umunan sa balikat ni Enzo, Matutulog na lang ako.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY
RomanceUnexpectedly is love story about two different people who fell in love. Enzo (Lorenzo Santos) si just a simple person while Yani (Cassandra Garcia) came from rich and influential family. Will they give it a try? *The best relationships usually begi...