Chapter 36 : His Point of View

1.1K 18 0
                                    

Enzo's POV

Maaga kaming umuwi ni Ate dahil sinabi kong masama ang pakiramdam ko. Nandito ko ngayon sa kwarto nakaupo sa may bintana, nag iisip isip.

Di ko na kayang makita si James na kasama si Yani. Oo nag seselos ako, nagagalit.

Masakit sakin nung marinig ko na nag paalam si James sa mga magulang ni Yani, bagay na hindi ko nagawa nun.

Masakit sakin na makita ang ekspresyon ng mata ni Yani na parang iiyak, hindi ko alam kung anung nararamdaman nya. Naiiyak ba sya dahil nasasaktan pa din sya o naiiyak sya dahil masaya sya.

Hindi ko alam naguguluhan ako. Ang alam ko lang mahal ko si Yani. At hindi ko sya susuko. Hindi nga ba?! Pakiramdam ko talo na ko eh, first love sya ni Yani, ilang taong nyang hinintay, gwapo mayaman galing sa kilalang pamilya. Eh ako baka hindi ko maibigay kay Yani ang buhay na mayroon sya ngayon.

Naguguluhan ako. Nagtext sakin si Yani, gusto nya daw akong makausap. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako sa sasabihin nya. Natatakot ako na baka piliin nya si James.

"Anak may problema ba?"Tanong ni Nanay.Di ko namalayan na dunating sya.

"Nay, Bakit ang sakit mag mahal?"

"Kasi sa buhay natin hindi naman puro masaya lang di ba? Paano ka matututo, paano mo malalaman na masarap mag mahal kung hindi mo mararanasan ang sakit!"Paliwanag nya.

"Kayo nay anung naramdaman nyo nung iniwan tayo ni tatay?"

"Syempre masakit, malungkot pero inisip ko na lang na magiging masaya sya sa piling ng iba. Kasi anak minsan kailangan din nating mag sakripisyo. Kailangan nating isipin kung anong makabubuti sa mahal natin. "

ngumiti lang ako ng pilit kay nanay.

UNEXPECTEDLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon