Yani's POV
Ilang araw ko ng iniisip yung mga sinabi ni Enzo. Pinipilit ko syang intindihin. Masakit, oo pero sabi nya para din naman samin yun gagawin nya. Mahal ko sya kya kailangan ko syang intindihin pero its too much. Hindi ko kyang basta basta na lang isuko kung anung meron kami. Hay naguguluhan ako.
"Cassandra!" May narinig akong natawag sakin.
"Miss Cassandra" Tawag sakin ng may mas malakas na boses. Natigil ako sa pag iisip ang prof pala namin yun tinatawag ako.
"Yes, ma'am i'm sorry."
" Ok, I'm just saying that you and Enzo will report next meeting. This is your topic." Sabi nya sabay abot ng papel. Hay ang hirap naman nito. Pano ko mag move on kung lagi ko syang nakakasama.
"Yes Ma'am." tanging nasabi ko.
Natapos na ang klase at umuwi ako sa condo. Agad akong nag palit ng damit at umupo sa kama. Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak. Masyado na kasing masakit, Iniwanan nanaman ako. I trust him, sabi nya ipaglalaban nya ko hinding hindi nya ko iiwan.
*ding dong*
May nag doorbell kaya agad akong nag punta sa pinto at binuksan. Si Enzo, may dalang mga libro. Agad kong pinunasan ang luha ko, di ko inaasahan na magpupunta sya.
"Ee-enzo, tuloy ka"
"Yani, Are you okay?" Tanong nya sakin. Minsan shungga shungga din nito. Nakipag break ka tapos tatanungin nya kung okay lang ako! Buti na lang mahal kita!
"Yani" Pag tawag nya sakin dahil hindi ako sumagot.
"I will be okay soon. Don't worry." Pumunta kami s kwarto at inayos ang nga librong gagamitin namin.
"Kukuha lang ako ng juice" Sabi ko sabay tayo. Lumabas ako. Nag dahilan lang ako dahil nararamdaman kong tutulo ang mga luha ko. Pinipigilan ko sarili kong hindi umiyak pag nakikita sya pero ang hirap pigilan ng nararamdaman ko.
Bumalik ako sa kwarto ng may dalang juice at sandwich. Nilagay ito sa may table. Malapit sa bintana.
"Orange juice, sinamahan ko na din ng sandwich. Baka kasi magutom ka"Sabi ko sabay ngiti.Pinipilit kong ngumiti para maitago yung sakit na nararamdaman ko.
Nakatingin sakin si Enzo at bigla itong tumayo at niyakap ako ng mahigpit. Nagulat ako sa ginawa nya.
"Baby!" Sabi nya di ko napigilan ang pag tulo mg luha ko.
"I'm sorry. Inaamin ko mali ako. Hindi ko kayang mawala ka. Sa ilang araw na hindi tayo nag papansinan parang mamatay ako. Nasasaktan ako pag nakikita kong nasasaktan ka. I'm sorry sa pagiging childish at insecure ko. Tama ka sabay tayong aabot ng mga pangarap natin. I'm sorry. Please give me another chance." Nararamdaman kong umiiyak na rin sya, hindi ako sumagot panaginip ba to? Ayoko ng magising.
"Baby, I'm sorry please forgive me. Be Mine again."
*dingdong*
*dingdong*
*dingdong*
Paulit ulit kong narinig ang doorbell. Napatayo ako sa kama! aaaaaahhh! Napasigaw ako, panaginip lang pala. Patuloy pa din sa pagtulo ang luha ko. Lumabas ako ng kwarto at binuksan ang pinto.
BINABASA MO ANG
UNEXPECTEDLY
RomanceUnexpectedly is love story about two different people who fell in love. Enzo (Lorenzo Santos) si just a simple person while Yani (Cassandra Garcia) came from rich and influential family. Will they give it a try? *The best relationships usually begi...