Chapter 38: The Break Up

1.1K 12 0
                                    

Yani's POV

Sa simula hanggang matapos ang klase hindi ako pinapansin ni Enzo.

"Yani gawa tayo ng business plan hintayin mo ko sa parking lot kukuha lang ako libro sa library." sabi ni Enzo at agad itong umalis patungo ng library.

Enzo's POV

Kasama ko si Yani na mag punta sa Condo nya. Kailangan ko na din syang kausapin hindi naman pwede na umiwas na lang ako lagi sa kanya.

Nakarating kami sa unit nya. Nag punta kami sa kwarto at agad nyang sinimulan ang pag gagawa ng business plan. Tahimik lang sya pero alam kong nasasaktan sya. Hindi man sya naiyak kitang kita ko sa mga mata nya ang lungkot.

Hindi ko alam kung tama ang gagawin ko ngayon. Ayoko syang saktan at ayoko syang mahirapan pero kailangan ko talagang gawin to.

"Yani." Tawag ko at agad naman nitong tinigil ang ginagawa nya at tumabi sakin.

"Yes."

"May sasabihin sana ko sayo."

"Ano yun?"

"I'm sorry. Pwede bang itigil na muna natin to?" Sabi ko ng hindi ako nakatingin sa mga mata nya. Ayoko syang makitang umiyak. Pag nasasaktan sya mas nasasaktan ako.

"What?"

"Baby, please understand. Nung makita ko si James lumabas lahat ng insecurities ko."

"Baby, Mahal kita."

"I know, pero gusto ko baby pag naging tayo na ulit successful na ko. Maipag mamalaki mo na ko."

"Pwede naman na maging successful ka kahit tayo ah. Sabay natin haharapin yung mga pangarap mo. Sabay tayong mangangarap."

"Yani, gusto kong gawin tong mag isa ayokong may masabi ang ibang tao."

"Pareho lang kayo iniwan nyo ko."

"Baby, hindi kita iiwan nandito pa din ako bilang kaibigan mo. Ang I promise Yani, babalikan kita. Kung kailangan na ligawan ulit kita gagawin ko. Mahal na mahal kita gagawin ko to hindi lang para sakin, kundi para satin."

"gusto kong maging selfish, pero wala akong magagawa kung yan ang desisyon mo. Pipilitin kitang intindihin kahit mahirap, kahit masakit."

"Yani baby, I'm sorry. Mahal na mahal kita" Sabi ko sabay yakap sakanya niyakap nya din ako ngunit agad ding bumitiw at umalis.

Masakit saking makitang nasasaktan si Yani pero para din samin to. Mag susumikap ako para maipag malaki nya ko. Gusto ko mabigyan sya ng magandang future.

Hindi ko na hinintay na bumalik si Yani kaya umuwi na ko.

UNEXPECTEDLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon