#5: Who's Our Deathmates

656 43 17
                                    

Swallowed By Darkness

#5: Who's Our Deathmates

-Kacy Hart's Point of View-

Simula 1980's lahat ng Principal ng school na ito ay Lalaki!

Principal nila! Puro lahat lalaki! Ang cool naman kung gano'n.

"Bigay niyo nalang saakin lahat ng forms and requirements niyo." sabi ni Bea.

Ini-abot namin lahat ng aming envelope sa kaniya at mabilis niya rin itong ibinigay kay Mr. Principal.

Binasa ni Principal ang bawat papeles namin pero napahinto ito at ini-ayos ng mabuti ang kaniyang eyeglass. Parang may nakita siyang mali, pero binigyan niya kami ng isang ngiti. Ngiti ba ito ng pagkadismaya o ng pagka impress!

"Welcome to Ascension High! You are now enrolled." wika ni Principal Acustos at lumapit sa amin.

He gave us a warmth welcome sabay shake hands sa aming lahat! Binigyan niya rin kami ng isang sulat. May laman itong rules and regulations ng paaralan.

"You can start your 1 year journey in this school, isang taon na hindi kayo makakalabas dito!" sabi ni Principal.

"What!" sigaw ni Amanda.

Hindi ito pinansin ng lahat at natuwa pa ang kalalakihan namin.

"Bea ikaw na bahala sa kanila!" utos nito at lumapit ng bahagya sa aking harapan.

"Kacy Hart Delos Reyes right?" sabay kindat saakin. "Impressive records!" dagdag pa nito at bumalik sa kaniyang dating puwesto.

"Tara na, sumunod nalang ulit kayo saakin." wika ni Bea.

Medyo ramdam ko parin ang sakit ng aking binti pero hindi na ganon kasakit tulad ng kanina. Nakapaglakad na ako pero may konting control na ginagawa.

Bumaba na kami sa hagdan kasama ang aking mga barkada papalabas, may pabulong bulong pang ginagawa ang mga boys namin.

May nasalubong kami na isang medyo matured na babae at yumuko si Beatrice sa kaniyang harapan sabay halik sa kamay nito. Naka engrandeng damit ito na kulay pula habang may suot ding flowery reddish hat.

"Goodmorning Madam D!" bati ni Bea.

"Oh, sila ba ang bagong transferees?" tanong ng babae at tiningan kami na may pagka-creepy.

"Yes Madam D!" sagot ni Bea ng walang alinlangan.

"Good!" tanging sinabi ng babae na walang emosyon at umakyat din sa taas.

"Sino yun?" nagtatakang tanong ni Stephanie at tiningnan si Beatrice.

"Siya ang pinakamakapangyarihan dito sa loob ng Ascension High, siya ang may-ari nitong paaralan. Si Madam D." pagpapakilala saamin ni Bea.

"Ah ganun ba, Tara na!" ani Stephanie na walang pakialam at naunang lumakad.

"Dito ang daan!" sigaw ni Beatrice kay Steph dahil sa ibang direksiyon siya pumunta.

Class hours pala ngayon kaya medyo walang gumagala, kahit isang estudyante ay wala ka talagang makikita. Abah, Strict!

May nakita akong naka helerang classrooms at lahat ay may mga estudyanteng nag-aaral. May malaking Cafeteria din na kasing haba ng train, grabe! Ang sobrang laki ng Highschool na ito. Marami pa siguro akong makikita dahil hindi pa kami nangangalahati sa aming paglilibot.

Swallowed By Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon