#17: Unexpected Thoughts

360 19 0
                                    

Swallowed By Darkness

#17: Unexpected Thoughts

-Kacy Hart's Point of View-

Dumating kami kaagad sa labas ng dorm pero napahinto nalamang kami dahil may mga maliliit na patak ng mga dugo sa harapan ng pintuan. Nagkatitigan pa kami sa isa't isa kung sino ang bubukas hanggang sa mabilis na binuksan ni Marcus ang pintuan habang naka pokerface at dirediretsong pumasok.

"Harry! Sinong may gawa neto sayo?!" Rinig naming sigaw ni Marcus kaya dali-dali rin kaming pumasok.

Bumulagta kaagad saamin ang nanghihinang katawan ni Harry na nakahiga sa sofa at punong puno ng pasa at namamaga ang magkabilang mata.

"Bilis, dalhin natin siya sa clinic!" Sigaw ko at mabilis naman na pinasan nina Marcus at Stephanie, umalalay rin kami para hindi na mahirapan.

Madaming mata ang nagtitinginan saamin sa bawat sa sulok ng daan na parang may tanong na pumapasok sa kanila na walang maisasagot.

Hindi na namin pinapansin ang mga estudyante dahil sa pagmamadali hanggang makarating kami sa aming distinasyon.

Binuksan kaagad ni Selena ang pintuan ng Clinic at pumasok kaming lahat, agad na pinahiga nina Marcus at Stephanie si Harry sa adjustable bed sa loob ng kwarto. Agad namang nag assist saamin ang bagong nurse ng Clinic, medyo pandak naman ito na hanggang leeg ko lang pero marunong itong magsalita di katulad ng dati.

Maya maya ay bumukas din ang pintuan at iniluwal nito ang isang kagalang galang na doctor na nagmamadali at may tatak ng AH sa kaniyang puting puti na polo habang nakashades na kulay asul. Nakasuot din ito ng isang maitim na pantalon at itim na pointed shoes.

"Ilipat niyo siya sa Surgery Room, dali!" Utos ng doctor sabay turo sa hiwalay na room sa likuran ng clinic.

Mabilis naming inilipat si Harry sa Surgery Room pero pinalabas din kami sa di kalaunan. Hindi na kami mapakali sa aming kinalalagyan dahil sa nangyayari. Unang una sa nawawalang mga kasamahan pagkatapos ay si Harry at ang panghuli ay ang Survival Game!

"Parang may gustong bumuwag saatin!" Biglaang sigaw ni Amanda. "Magbabayad ang lahat ng may kagagawan nito!" Umiba na ang dating mahinhin na aura ni Amanda at halatang galit na galit.

Lumapit kami sa kaniya at binigyan ng marahan na yakap upang maibsan ang kaniyang malumbay at masalimuot na nararamdaman habang si Marcus naman ay nakasandal sa matayog na kahoy at naka ekis ang magkabilang braso.

"Guys, kain muna tayo ng lunch," suhestiyon ni Stehanie habang hawak hawak ang tiyan.

"Eh sinong magba---"  hindi na natapos ni Amanda ang sasabihin dahil pinutol ito ni Marcus sa maseryoso niyang tinig.

"Ako na ang bahala rito, ako naman kasi ang may kasalanan sa lahat ng ito." Ani Marcus habang naka pokerface at hindi parin umiiba ang posisyon.

"Wag mong sisih---" naudlot ulit ang sasabihin ni Amanda nang mabilis na pumasok si Marcus sa loob ng Surgery Room.

"Tara na, kanina pa kasi ako nagugutom! Cafeteria nalang tayo mag lunch," anyaya ni Stephanie saamin.

"Sure!" Pag sang-ayon ko sa kaniya.

Wala naman kasing magluluto doon at puro de latang pagkain kasama ang easy to cook na noodles lamang ang maaring kainin namin. Tumango na lamang ang iba at nagpatuloy sa paglakad.

Hindi ko parin maitatanggi ang pagiinit ng aking ulo sa bawat malagkit at masamang tingin ng mga kapwa estudyante namin. Lahat ay nagbubulongan na parang nagbibigay motibo talaga upang galitin kami pero hindi pa ang tamang oras.

Swallowed By Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon