#25: Friendship Over

302 16 0
                                    

Swallowed By Darkness

#25: Friendship Over

-Stephanie's Point of View-

Agad kong ibinuklat ang nakatiklop na papel, agad na tumambad saakin ang magandang sulat kamay ni Cooper na "Just Trust Me!" dahilan upang magtaka ako ng husto.

May ipinapahiwatig ba siya sa salitang Trust wala akong may naisip na ideya kong bakit niya ito isinulat at ibinigay saamin. It sense that it is very important but anyways! I always trust him since he trust me too.

I fold again the paper and put into may pocket, nagtitigan pa kami ni Marcus ng ilang segundo bago ito nagsalita.

"Kayo na ba?" Patuloy parin siya sa pagtitig sa aking mata kaya umiwas ako ng bahagya.

"A-ano? Walang kami ni Cooper at kung meron man eh ano naman ang pake mo?" Tinaasan ko lang siya ng kilay bago pumunta kay Amanda na kinakausap si Trixie.

"Tinakot niyo ako guys! Salamat naman at walang nangyari na masama ngunit si Kaee---" napatakip ako ng aking bibig dahil napadulas ako, hindi ko dapat binigla si Amanda! I know she is the one na maapektuhan kapag malaman niyang nag iisa si Kacy sa ganitong sitwasyon.

"Ka-Kacy what! Bakit kanina ko pa hindi nakikita si Kacy? May tinatago ba kayo saakin?!" Medyo napasigaw si Amanda habang palingon lingon sa paligid, di naman siya siguro slow. Mabilis na umiba ang mga ngiti nito ngayon at alalang alala na ang mukha habang naghihintay ng aking tugon.

Kung sasabihin ko na nagiisa si Kacy sa gubat ay medyo okay pa pero pag sinabi kong nagiisa si Kacy dahil sa kanila, It will be worst at posibleng gagawa sila ng paraan upang matulungan sa Kacy, How can I cope up from this situation? Any clues please!

"Stephanie! Sagutin mo ako?!" Mas lumakas pa ang sigaw ni Amanda na dahilan upang pumunta dito ang iba pa naming kasama.

"Anong kaguluhan to?" Mabilis kaming inawat nina Marcus at Harry. "At alam niyo bang mapapahamak tayo sa sigawan niyong yan?" Payo ni Harry.

"Ano ba kasi ang nangyari kay Kacy?" Pamimilit parin ni Amanda at halata na ang namumuong niyang galit.

"Oo nga!" Pagsang-ayon din ni Marcus na mukhang nalilito, "Akala ko nga kanina nandito lang si Kacy eh."

Isang malakas na putok ng baril ang aming narinig at siguradong saamin ito pinapatama, how lucky I am! We gotta run now and ends this nonsense conversation.

"Tara na guys, tatayo nalang ba kayo jan o maghihintay ng kamatayan?" Pagputol ni Selena ng eksena, parang balak pang agawin ang role ko bilang panira scenes!

Napangiti muna ito saamin bago naunang tumakbo, such a weird girl. Sumunod naman kaming lahat pero hindi ko talaga kayang mag usap o magsalita dahil masakit parin ang titig ni Amanda saakin habang tumatakbo at naghahanap ng daanan, hindi ko kayang maging ganito saakin ang aking mga kaibigan na sobrang tagal! Dapat may magagawa ako.

Mga ilang kilometro rin ang tinakbo namin hanggang sa mawala ang mga malalakas na putok ng baril, medyo naligaw narin namin sila dahil sa masukal na lugar kami dumaan.

"Phew! That was close." Nagpunas ako ng pawis bago tumingin sa lugar na aking kinatatayuan.

Ngayon ay nasa gitna kami ng isang lambak na pinapalibutan ng matatayog na bundok, walang damo at mga puno kundi isang lugar ito na puro buhangin lamang. Paaano kami napunta rito? Iniikot ko ang aking paningin pero imposible talaga na bigla kaming napunta rito!

Swallowed By Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon