Swallowed By Darkness
#27: Thrilled or Killed
☆
-Marcus Point of View-
Nakapuwesto na ang magkabilang grupo at handa na rin ang kanilang armas. Naghihintay nalang sila kung sino ang unang lulusob ngunit lahat talaga sila ay nagdadalawang isip sumugod.
"Hey! I decided to make this a fair one, no using of long range weapon makes it a thrill right?" Tinapon ng grupong Mercado ang kanilang mga armas at ang natitira nalang ay ang kanilang malalaking kutsilyo at lumang mga palakol.
Unti-unti ring ibinaba ng mga taga Varsity ang kanilang tig-iisang pistol at itinapon din, hawak nilang lahat ngayon ang double sided machete na magkakapareho lang ang red handle design at matutulis na edge. Mukha yatang may sponsor sila dahil pareho lahat lahat ng kanilang gamit, mula damit hanggang armas.
Napatingin ako sa hindi kalayuan dahil may grupo ring paparating pero hindi ko pa sila naaaninag ng husto, they are wearing all black. I wish they are not the Dark Elite Gang.
"Marcus si Stephanie! Tingnan mo," Gulat na reaksiyon ni Amanda habang tinuturo ang mga paparating na grupo.
Walang dudang mga DEG nga ang paparating, noon ay sa mask lang nila nakalagay ang markang X pero ngayon ay sa harapan na ng damit nakalagay. Their black ninja attire and the iconic red X mark infront caught my attention while they are holding a high caliber rifle.
"Are we invited here?!" Tanong ng isang miyembro ng DEG na nasa harapan, mabilis namang humanda ang grupo ng Varsity at taga Mercado ng marinig nila ang boses nito.
"Kalma lang mga bro, gusto niyo bang mamatay ng walang dadanak na pawis kundi dugo lamang? We can kill all of you in a blink of an eye!" Dagdag rin ng isang miyembro ng DEG na lumapit ng bahagya at itinutok ang rifle sa ibang grupo.
Oo nga naman noh, walang laban ang ibang grupo sa DEG dahil itinapon na nila ang kanilang baril, the Dark Elite Gang takes their advantage kaya lahat ay dapat kalmado lang dahil kung magiging agressive sila tiyak na dadanak ang dugo.
"Sure! Kasali talaga kayo rito, kanina pa nga namin hinihintay ang inyong pagdating," kalmado lang si Yuri, he's acting normally but alam kong nagaapoy na ito sa galit kasi nasa harapan niya na ang numero unong sinisisi kung bakit nawawala si Ivex.
Ako lang pala at wala ng iba ang nakakaalam sa kalagayan nina Kailron at Zed pero kay Ivex ay wala akong nakalap na impormasiyon, totoo bang kinuha siya ng DEG?
"Shall we start?" Isang miyembro ng DEG na nasa likuran kasama si Stephanie ang pumunta sa harapan at unti-unting inalis ang kaniyang maskara. "Long time no see Yuri Lex Norton and the Mercado brothers!"
Bumungad saamin ang mukha ni Cooper na ngumingisi, ramdam ko na walang umiba sa physical nitong anyo ngunit sa pag-uugali ay malaki na ang pinagbago. Magtitiwala pa ba ako sa kaniya? Mukhang meron pa naman, shit!
Napatingin din ako sa isang lalaki na dahan dahang pumupunta sa harapan, lumapit siya kay Cooper at bumulong pagkatapos nun ay tumango lamang si Cooper.
Inalis din ng lalaki ang maskara kagaya ng ginawa ni Cooper at napatulala na lamang kami ni Amanda nang makita si Ivex.
"C-Cooper! I-Ivex! totoo nga ang lahat," mahinang bulong ni Amanda. Hinawakan ko na lang ang kaniyang kamay dahil ramdam ko ang paghihinayang sa kaniyang mukha.
Kung magiging kalaban man sila at maghahadlang sa plano namin ay wala na akong magagawa kundi itapon ang aming pagkakaibigan, pero sana hindi!
Gulat na gulat ang reaksiyon ng mga taga Varsity at parang nakakita ng multo sa di inaasahang oras. Walang kumibo at parang huminto ang tensiyon sa kapaligiran, but how long does it takes?
BINABASA MO ANG
Swallowed By Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerComplete Standalone Novel -:- Gusto niyo bang malaman ang mga bagay na hindi gustong malaman ng iba? Everyone has their own personality but others hide it with a reasons! Ang natatanging mapagkakatiwalaan mo lang ay ang iyong sarili. How could you o...