#18: Vernadeath's Day

336 17 0
                                    

Swallowed By Darkness

#18: Vernadeath's Day

-Kacy Hart's Point of View-

Napaisip muna si Harry bago magsalita. "Maganda at masamang balita!"

"Ano na naman to!" Naiinis na singhal ni Amanda.

"Kumalma kalang Mandy, hintayin nalang natin ang sasabihin ni Harry at tanggapin man kung ano ang kahahantungan." Pagpapakalma ni Marcus kay Amanda sabay hawak ng magkabilang kamay.

"Sige! ituloy mo na Harry," Mahinang pagkasabi ko pero narinig naman nito.

Makikita mo parin sa kaniya ang hindi magandang kalagayan at nanghihinang katawan dahil sa mata nitong puno ng pasa at mga sugat nito sa kaniyang bibig.

Yumuko ito at bumuntong hininga habang iniinda nito ang sakit ng kaniyang katawan at bibig.

"Uhmm! Sasabihin ko muna ang good news." Panimula nito at iniayos ang kaniyang paghiga sa maayos na puwesto.

"Dinukot ako ng DEG, binugbog at ginawan ng kung ano ano! Pagkatapos ay nahimatay ako at pagkagising ko ay may takip na ang aking bibig pero hindi ko maidilat ang aking mata dahil sa sakit," napahinto muna sa Harry at uminom ng kaunting tubig na nakalagay sa tray.

"Narinig ko na may naguusap at alam kong si Cooper yun ngunit ang kinakausap niya ay pamilyar na boses na parang estudyante ng Royal Class pero hindi ko maaninag ang kaniyang mukha dahil malabo ang aking paningin noong oras na iyon." Kinuha ulit ni Harry ang bote ng mineral water at marahang uminom.

"And the bad news?!" Sarcastikong tanong ni Selena.

"Narinig kong sumapi si Cooper sa grupo ng DEG!" Tugon naman ni Harry.

Hindi yun magagawa ni Cooper!

Napalibutan ang silid ng katahimikan ng masabi iyon ni Harry na pati yung iba ay hindi makapaniwala at nagtitigan pa habang si Amanda ay nakasandal kay Marcus habang magkahawak parin ang mga kamay.

-Kailron's Point of View-

Nandito ako ngayon sa loob ng Training Ground, isang malapad na silid na puno ng gamit pandigma at nagiisa habang nageensayo, suntok sa punching bag pagkatapos ay mag pupush-up ng hangang sa aking makakaya at suntok ulit. Gusto ko na kasing magiging malakas dahil sa mga aking nalaman at para matulungan na ang aking mga kaibigan.

Ramdam kong may bumukas sa pintuan kaya napatingin naman ako kaagad.

"Miss Shamiel!" Gulat na sambit ko at mabilis na isinuot ang aking t-shirt pero maaninag talaga ang pawis sa aking katawan na dumadaloy.

Napatingin ito saakin mula sa paa pataas sa aking katawan at nagtama ang aming paningin.

"Oh! Great!" Mabilis na tugon nito pagkatingin saakin. "Pero wag ka munang magpapawis kasi may pupuntahan tayo."

"Saan?" Inosenteng tanong ko habang nililigpit ang mga kalat sa sahig.

"Gusto kang makita ni Pinuno!" Nakangiting wika nito habang nasalikod ang kamay na mukang may tinatago.

Lumalapit na ito saakin habang patuloy sa pagngiti hangang sa harapan ko na siya, inilapag niya muna ang hawak niya na nasa paper bag. Hinubad niya ang damit ko ng dahan dahan kaya nagulat nalamang ako.

"Ah ehh----" pero hindi ko tinapos ang sasabihin ko nang pisilin niya ang aking tagiliran.

"Bibihisan lang kita, wag kang engot jan!" Napatingin muna ito sa katawan ko at napangiti ulit.

Swallowed By Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon