Swallowed By Darkness
#31: No Turning Back
☆
-Kailron's Point of View-
Makikilala kaya siya ng taga royal class? Magiging madugo ba ang gabing ito para sa amin? I'm not ready yet but I am ready always to protect Kacy no matter what will happen.
Dinaanan lang kaming tatlo ng mga taga Royals na parang walang pakialam saamin or they are underestimating us? Lumakad lang sila ng lumakad hanggang sa nakalapit na sila ng husto kay Principal Herald at agad na pumalibot sabay tutok ng kanilang armas.
Shit! Malaking pasabog ito ngayong gabi, unti-unti na nilang naaagaw ang atensiyon ng mga ibang estudyante at may iba pang gustong makisali. This is not an ordinary war, damn it!
Paano kami lalaban kung ang gamit lang namin ngayon ay ang tig-dadalawang dagger na bigay ni Principal Herald? Para raw hindi kami mahalata pero ano ngayon? Tanginang buhay naman oh!
"Kacy san ka pupunta! Bumalik ka dito!" dinig kong sigaw ni Yuri na hindi mapakali sa kaniyang kinalalagyan.
Mabuti nalang at hindi pa ito nakalapit sa taga Royals ng mahablot ko pa ang kaniyang kamay. Wala na ito sa tamang huwisyo at kitang kita ang nag-aapoy na galit sa kaniyang mabagsik na mata.
"Kacy! wag ka namang mag padalos-dalos, I trust the ability of Herald at makakaya niya yan. Maghintay lang tayo sa right timing at agad tayong reresbak, okay?!" medyo sumang ayon naman si Kacy sa sinabi ko at medyo humupa na rin ang galit nito.
"Sige, but I can't promise na makahihintay ako ng matagal." seryosong tugon saakin ni Kacy at bumalik sa dati nitong puwesto.
Tumabi ako at hinawakan ulit ang kaniyang kamay sabay titig sa magandang hugis ng kaniyang mata, napatingin naman ito kaagad saakin.
"Why are you looking like that? May problema ba Kai?" patuloy parin akong tumitingin sa kaniyang mata ng ilang segundo bago ako magsalita.
"Let me be your light in this place full of darkness, I will protect you as long as I am breathing, so be careful every minute and every time because..."
"Because what Kailron!" mabilis na nagsalita si Kacy kaya medyo napahinto ako sa aking sasabihin.
"Because... because I can be a monster, or more than that just to protect you, kaya wag kang gumawa ng hakbang na ikapapahamak mo." binitawan ko na ang pagkakahawak sa kaniyang kamay at itinutok ang akin atensiyon kina Principal at sa mga Royals.
"I understand, thank you so much Kai, thanks for protecting me always kaya hinding hindi ako nagsisisi na naging matalik kitang kaibigan, salamat nang sobra sobra." pahabol ni Kacy na talagang tumatak sa aking isipan.
Medyo umiinit na ang tensiyon sa paligid, madami na rin ang tumatayo sa aming likuran at nag-aabang ng susunod na pangyayari, I smell that annoying blood is coming anytime. Tsk!
We can't let our guards down kaya hinahawakan ko na ang dagger ng patago at ganun din ang ginawa ni Yuri, nag-umpisa ng magsalita si Herald and he acted that freaking demon now.
"Oh hell yeah! Nice to meet you!" Inalis na nito ang kaniyang mask at tanging ang kaniyang hood lang ang nagtatago sa kaniyang pagmumuukha.
Lagot na! Gusto niya ba talaga ng madugong digmaan? So wala na kaming magagawa kundi tumawa at sumali sa opening party ng mga halimaw at demonyo.
Inalis din ni Kacy ang kaniyang mask at sinundan ni Yuri kaya sumunod na rin ako. Sabay kaming lumapit sa mga taga Royals na tutok na tutok parin ang atensiyon kay Herald at nag-aabang ng galaw.
BINABASA MO ANG
Swallowed By Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerComplete Standalone Novel -:- Gusto niyo bang malaman ang mga bagay na hindi gustong malaman ng iba? Everyone has their own personality but others hide it with a reasons! Ang natatanging mapagkakatiwalaan mo lang ay ang iyong sarili. How could you o...