#16: Darkness Inside

365 21 0
                                    

Swallowed By Darkness

#16: Darkness Inside

-Cooper's Point of View-

"Patayin niyo na ako, ano pang hinihintay niyo? Gusto niyo ako pa ang pumatay sa inyo!" Sigaw ko habang nakatali sa isang poste sa loob ng masikip na silid. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta rito kasi nahimatay ako.

FLASHBACK:

Nang nakarating na kami sa ika-apat na palapag ni Kailron ay iniwan nalang niya ako at naunang lumakad, tinanong ko siya pero hindi ito sumagot. Maya't maya ay may tumakip ng panyo sa aking ilong at nahilo na lamang ako. Pagkatapos nun ay hindi ko na alam ang nangyari at nagising nalamang ako sa loob ng silid na ito.

END OF FLASHBACK:

Hinablot ng isang miyembro ng DEG ang kaniyang matulis na espada at itinutok ito sa aking leeg.

"Sige! Ituloy mo na. Alam ko namang gusto niyo akong patayin dahil takot kayo saamin!" Ipinalapit ko pa ang leeg ko sa patalim. "Takot talaga kayo saamin!" Ulit kong sigaw at tumawa ng mapanuya.

Akma na sanang itusok sa aking leeg ang patalim ng may sumigaw sabay sa pagbukas ng pintuan.

"Sino ang may utos sayo na patayin siya!" Nahagilap ko kaagad ang isang estudyante sa Royal Class na may peklat sa kaliwang mata. Si Steve Fords!

Mas nakakatakot ang kaniyang aura kesa sa aking inaakala, mukang inosente siya tignan kapag magkasalubong kami sa campus pero ngayon muka na siyang halimaw na walang awa.

Lumapit si Steve Fords sa lalaking muntik ng makapatay saakin at hinawakan ito sa kwelyo sabay suntok sa tiyan.

"Alam mo ba ang maaring mangyari kapag pinatay mo siya?" Matikas na pagkabigkas nito sabay titig sa naturang lalaki.

"Hindi po boss!"

Agad na sinuntok ulit ito ni Steve na nagpahiga sa lalaking walang kalaban laban.

"Umalis muna kayo dito!" Utos ni Steve at agad namang sinunod ng lahat.

Nagkatitigan muna kami ng ilang segundo bago ako nagsalita.

"Anong balak mo huh! Akala ko mabait ka?" Singhal ko sabay titig ng masama sa kaniya.

"Halos lahat dito ay may tinatagong katangian, lahat dito hindi mapagkakatiwalaan!" Marahan itong tumawa at tumingin ulit saakin.

"Wala akong pakialam! Pakawalan mo ako dito!" Sigaw ko sa kaniya at pinilit kong alisin ang mga lubid na nakapalibot sa aking katawan pero walang paring nangyari.

"Makakalabas ka naman dito pero---" hindi na nito natapos ang sasabihin ng pinutol ko ito.

"Ayaw kong marinig ang mga pero pero mo! Palabasin mo na ako or else papatayin ka ng mga kasamahan ko!" Sigaw ko na nag eecho sa masikip na silid.

"Hahaha!" Tawang demonyo lang ang tugon nito. "Ipasok niyo siya!" Utos nito sa kung sino man at mabilis na bumukas ang pinto.

Iniluwal nito ang isang lalaki na tinatakpan ang ulo ng sako habang hinahawakan ng dalawang knights. Hindi na ako nagulat sa mga knights kasi noon paman ay may hinala na ako sa kanila at ngayon ay napatunayan ko na talaga ang kanilang tunay na kulay!

"Isa lang naman yung hiling namin, sumama ka sa grupo ng DEG at sabay tayong makakalabas sa Ascension High!" Seryosong pagpapaliwanag nito.

Namin! Hmm, may kasabwat pa pala siya. Sino kaya yun? Baka taga Royal Class din! At ano naman ang sinasabi niyang makakalabas sa Ascension High?!

Swallowed By Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon