Swallowed By Darkness
#10: Basketball Varsities
A/N:
Dahil special kayo saakin ay may ibibigay akong pasobra. Ticket sa NBA Finals! Charut!
Ito ang huling update ko bago mag pasukan kaya Enjoy Reading. Welcome back to school!
To Be Continued!
☆
-Kacy Hart's Point of View-
Nag-umpisa na ang laro at napunta ang bola sa side ng black team.
"Go Yuri!" sigaw at tilian ng mga babae at may hawak pang banners, yung iba naman ay pompoms sabay sayaw. Cheering Squad yung galawan!
"Go Jameson, hart hart!" sigaw din ng mga babae sa kabilang bench.
"Go ace player, Ivex Natividad Jr." sigaw din ng nasa likuran at nagtatambol pa.
Famous huh!
Nanood nalang kami ng laro habang ang ulan ay hindi parin tumitigil, yung boys naman ay tutok na tutok at hindi maalis ang tingin sa mga players.
Basketball player din kasi sina Kai, Marcus at Cooper sa dati naming paaralan. Kami ang nagiging number one cheerer nila kapag may paliga.
Naging mainit ang tensiyon ng laro sa pagitan ng dalawang grupo at dinig ko sa iba na may malaking taya raw kaya ganiyan sila kung makapaglaro. Score ay 7-11 lead by the black team, up to 15 points kasi ang game nila!
Bawat score ay katumbas ng one point kahit sa tres ka pa magshoot, yan kasi ang rules kapag hindi pa liga!
Hawak ngayon ng white team ang bola, isang lalaking nakasemi-kalbo at may guhit pa na parang apoy sa kaniyang buhok ang nagdidribble, binabantayan ito ng lalaki na sobrang hot at pogi, mabilis ang pag taas baba ng bola sa court.
Akma na sanang lulusot ang lalaki ng maagawan ito ng white team. "Nice Ivex, Go!"
Narinig ko ulit ang sigaw ng mga fans ng ma steal ni mr. Pogi ang bola at siya pala si Ivex!
Mabilis na tumakbo pa yung isa na kasamahan ng white team na kulay dark brown yung buhok. "Ipasa mo Ivex ang bola kay Yuri!" Utos ng mga kaibigan nito na umuupo sa pinaka ilalim ng bench habang tinuturo si Yuri na naghihintay ng bola.
Isang fastbreak ang ginawa ni Ivex at mabilis naman na dinakdak ni Yuri ang bola sa ring.
7-12 na ang score at napunta ulit ang bola sa white team, grabe talaga ang laro nila hangang makalipas ang ilang minuto.
10-14 na ang score at leading pa rin ang black team, hawak ulit ng white team ang bola. Mabilis na nag cross-over ang nagdadala ng bola at handang mag lay-up sa ring pero isang tapal ang ginawa ng sentro ng black team.
"Nice Alex!" sigaw ulit ng mga kaibigan.
Nakuha kaagad ni Yuri ang bola at dinala ito sa kabilang court, nagdrive ito sabay pivot pero pagdating sa ilalim ng ring ay pinasa niya ito sa isang kasamahan na naghigintay sa tres na walang bantay, lahat kasi sila ay sumabay sa lusot ni Yuri.
"Jameson the 3point machine!" sigaw ng fans nito kanina na nagchicheer.
Maganda ang position ng kaniyang kamay at medyo nag bend ng kaunti yung kaniyang tuhod, pagkatira nito ay isang magandang curve ang ginawa niya at direcho punta ang bola sa ring. Ringless talaga!
Isang malakas na sigaw ang umipon sa loob ng basketball court.
End of the game. Score: 10-15
Winner ay black team!
BINABASA MO ANG
Swallowed By Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerComplete Standalone Novel -:- Gusto niyo bang malaman ang mga bagay na hindi gustong malaman ng iba? Everyone has their own personality but others hide it with a reasons! Ang natatanging mapagkakatiwalaan mo lang ay ang iyong sarili. How could you o...