#19: Opening Game

314 16 0
                                    

Swallowed By Darkness

#19: Opening Game

-Kacy Hart's Point of View-

5Minutes later...

Umiba ang naging musika, ang party music ay naging grand opening entrance ng isang royal family na puro trumpeta lang ang maririnig. Namatay ang mga ilaw maliban sa stage, maya maya ay lumabas ang owner ng school na si Mrs. Vernadeath Montaña habang suot suot ang long gown na kulay itim at pointed heels na kulay pula habang nakahawak sa balikat ng hindi kilalang lalaki na nakatuxedo na kulay ginto at naka eye glasses.

Mukang magka edad lang sila kaya hindi ko na maitatanggi na asawa niya ito.

"Kacy!" Tawag saakin ni Stephanie.

Nakatutok kasi ang atensiyon ko sa entablado at sa lalaking mysteryoso.

"Ma'am, this is your wine," napatitig ako sa lalaking naka waiter suit at clean cut ang buhok habang may nunal sa ilong, hawak nito ang tray na may mga wine gamit ang kaniyang kaliwang kamay.

Siguro ay kanina niya pa akong hinihintay kaya't mabilis kong inabot ang wine na nakalagay sa crystalize glass at may maliit na picture ni Mrs. Vernadeath at maliit na birthday logo.

"Thanks."

Umalis kaagad ang waiter pagkabigay saakin nito ng wine at napatingin saakin ang buong barkada habang nakatulala.

-Kailron's Point of View-

Habang umiinom ako ng wine kasama ang mga Guardian sa madilim na parte ng Covered Gym habang suot ang kulay puti na hood na may tatak ng Guardians Group sa likuran. Nakatutok ang aking paningin sa aking mga barkada at kay Kacy kahit medyo malabo ang paligid.

Nakatingin din si Zed ng diretso na parang gusto nitong lumapit pero pinipigilan lang ang sarili.

Bumaling ang tingin ko sa entablo at nakitang kong nakangiti si Mrs. Vernadeath habang kasama nito ang bago ko lang nakita na lalaki, kumakaway silang dalawa na parang Hari at Reyna.

Bigla kong naisip ang sinabi saakin ni pinuno nung nag'uusap kami sa kaniyang kwarto.

FLASHBACK:

"Gusto mo bang malaman ang mysteryo ng paaralang ito?" Wika ni pinuno habang nakaupo kami sa maliit na couch at nakaharap sa isa't isa.

"Opo, isang karangalan po na marinig mula sayo ang mga bagay na hindi ko pa alam sa paaralang ito." Tugon ko.

Sinabi niya saakin ang tungkol kay Mrs. Vernadeath at ang koneksyon nilang dalawa. Si pinunong Herbert Acustos talaga ang tunay na nagmamay-ari ng Ascension High at anak nito ay si Principal Herald Acustos. Hanggang sa namatay ang unang asawa ni Pinuno dahil sa lason, pagkatapos nun ay nakilala naman nito si Mrs. Vernadeath na naging mother in law ni Principal.

Sabi pa saakin ni Pinuno, noon daw ay isang normal lang na paaralan ito na walang bahid ng mysteryo ngunit sa isang iglap ay nagbago ang lahat.

Muntik na raw mapatay ni Mrs. Vernadeath si Pinuno sa hindi malamang rason, binaril ito sa kaniyang balikat at nahulog sa bangin na nasa labas ng AH, mabuti nalang at may nakakita sa kaniyang isang matandang lalaki na mukang ermitanyo at pinatira ito sa kaniyang kubo na nakatago sa kagubatan.

Naging mabagsik daw si Mrs. Vernadeath Montaña sa kaniyang pamumuno kasama ang kaniyang kinakasama na ang pangalan ay Edmund Jacinto! Na brainwashed narin nila si Principal Herald na sinasabing ang papa niya raw ang pumatay sa kaniyang ina.

Swallowed By Darkness (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon