Swallowed By Darkness
#11: Death Threat
☆
-Kacy Hart's Point of View-
Nandito kami ngayon sa Clinic dahil hinimatay kanina si Zed pagkatapos ng laro, hindi na kami nakapag celebrate ng pagkapanalo namin dahil sa nangyari.
Lumabas muna si Cooper at Marcus dahil bibili lang daw ng miryenda namin sa Cafeteria. Magkaabay pa sila habang lumalakad ng magkasabay ang paa at nakatingin pa saamin na mukhang nanghihikayat, maya maya'y nawala rin ang anino nilang dalawa dahil mabilis na silang tumakbo.
Nakahiga si Zed ngayon at may mga bandage na nakapaikot sa kaniyang siko, braso at kamay. Lumapit sa amin ang babaeng nurse na natatakpan ang mukha ng puting mask habang naka puting uniporme na pang estudyante at may mahabang itim na buhok na hanggang bewang.
Medyo mahinhin ang kaniyang galaw at magkapareho lang kami ng height. May ini-abot siyang papel sa amin na may labin-limang letra.
Lumabas Muna Kayo!
"Hmm miss?" Wika ni Harry sa nurse na umiiwas ng tingin saamin.
Napatingin kaming lahat sa nurse pero hindi talaga ito nagsasalita. Lumabas na lamang kami kasi mukhang pipi yata ang nurse dito!
Naiwan ang nurse at si Zed sa loob ng Clinic, tinakpan ng nurse ng berdeng kurtina ang glass window pagkalabas namin.
"Coffee muna tayo guys!" anyaya ni Trixie saamin na nahawak pa sa kaniyang tiyan.
"Eh bumili na si Cooper at Marcus sa Cafeteria." wika ni Kailron at tumitig pa saakin.
Ang weird na talaga ni Kai!
"Ok lang yun, makikita naman natin sila kasi nandun lang yung Coffee shop." sabay turo ko sa Coffe shop na hindi kalayuan dito sa aming kinalalagyan.
"Tara na nga!" pakipot pa ni Kai at nauna sa paglakad.
"Yun naman pala eh!" pahabol na sigaw ni Harry at hinabol si Kai.
Sumunod narin kaming lima at ipinagkatiwala na namin si Zed sa nurse na nasa clinic.
Walang tao sa loob ng Coffee shop maliban sa kahera at isang lalaking kasamahan nito na naghihintay ng costumer.
"Goodmorning, Welcome to the Coffee Shop!" panimulang bati ng kahera pagkapasok namin sa loob.
"Goodmorning din!" tugon ni Trixie habang nakatitig sa iba't ibang flavor ng kape na nakadikit sa kisame.
"Orginal nalang at pandesal solve na." hiling ni Kai sa Kahera at agad naman nitong inilista.
"Hot choco nalang saakin at pandesal na rin!" dagdag ni Amanda.
Nag order na rin kaming lahat at yung creamylate ang saakin na may limang pandesal, ang cute ng pandesal kasi hugis puso pa ito.
Agad na sinerve ito ng lalaking nagtatrabaho sa shop na magkasing edad rin kami.
Ilang minuto ang nakalipas at may pumasok na grupo ng mga estudyante. Nagulat kami dahil ang section-A+ pala or tawagin na nating royal class.
Yumuko kami para bumigay ng galang sa kanila at binigyan din nila kami ng mahabang ngiti.
Nag order din sila ng kape at pandesal pero take out lang sakanila!
Lumapit muna si Mr. Principal saamin at kinamusta si Zed kasi nakita din nila ang pangyayari sa court.
BINABASA MO ANG
Swallowed By Darkness (Completed)
Mystère / ThrillerComplete Standalone Novel -:- Gusto niyo bang malaman ang mga bagay na hindi gustong malaman ng iba? Everyone has their own personality but others hide it with a reasons! Ang natatanging mapagkakatiwalaan mo lang ay ang iyong sarili. How could you o...