Swallowed By Darkness
#38: End of Darkness
☆
-Kacy Hart's Point of View-
Where would I go first? I'm in the middle of a bloody war, saan ako tutulong? Sino na ngayon ang tutulungan ko!
Napahakbang ako papabalik pero mabilis naman akong napahinto ng makita ang halimaw na nakakadena parin pala. I feel thankful for that, but the danger of that monster is not ended, napahinto rin ito na parang estatuwa at biglang kumalma.
Sa ngayon, dapat kong tulungan ang nangangailangan. Those Royals is as dangerous like this monster, I can't risk my friends anymore.
"Kacy, tara na! Ba't ka nakatulala jan!" sigaw ni Yuri. Nilampasan lang nila ako habang tumatakbo parin papunta sa mga kasamahan ko upang tumulong.
Bigla na lang gumaan ang loob ko. Tightly I hold my samurai and begin to run again towards the remaining Royals! Pumili ako kung sino ang aking uunahin. Si Charlie ba? Si Steve? Or si Vernadeath? But I prefer Helen!
Lumusob na ako, halatang nanghihina na sina Amanda at Stephanie sa pakikipagbakbakan kay Helen. This is my time to revenge everything.
"Kacy, mabuti naman at nandito kana!" nakagawa pang magsalita ni Stephanie habang sinasangga ang mga paparating na atake ni Helen.
"Pagkakataon mo na to Kacy!" si Amanda naman ay hinahampas si Helen pero naiilagan ito ng demonyitang babae.
Parang walang kapaguran si Helen na parang wala ring pakialam sa kaniyang ginagawa na parang sumasayaw lang gamit ang kaniyang katana.
Mabilis akong humanda ng inilabas na ni Helen ang baril sa kaniya bulsa at itinutok saakin, umiiwas ako kaagad ng ipinutok niya iyon saakin.
I rushed towards and aim my samurai at her head. Mabilis namang tinadyakan ni Helen si Amanda na ikinatumba nito at nagkaharapan kaming dalawa. Si Stephanie ay napahinto sa kaniyang tinatayuan na sobrang nanghihina na.
"Take it Kacy!" ngumiti saakin si Stephanie, nahimatay ito bigla na ikinagulat ko ng husto.
Tutulungan ko pa sana siya pero hinarangan ako kaagad ng katana ni Helen, isang pulgada nalang ang distansiya nito sa aking leeg.
"Bago mo sila tulungan Kacy, harapin mo muna ako!" itinutok din nito ang baril sa aking noo.
I don't afraid to die, kahit si kamatayan ay hinaharap ko and this trick is fucking me crazy! I lean backward and kick her hips. I take the opportunity to slap her face with all that I got.
"Anong masasabi mo ngayon Helen!" ang aking samurai naman ang nakatutok sa kaniyang mata.
"I'll never regret this duel, I'm so grateful Kacy but this is not the end!" ginaya niya rin ang galaw ko pero nung sisipain na niya ang tiyan ko ay mabilis kong nahawakan ang kaniyang paa.
"Manggagaya!" sigaw ko pero tumalon ito at sinipa ng kabilang paa niya ang aking pisngi.
I fell down at nahulog ko ang samurai habang dinaramdam ang sakit. Napahawak ako sa bibig ko na may umaagos na dugo. Tinikman ko muna ang sarili kong dugo gamit ang aking dila sabay dura.
"Yun lang ba ang makakaya mo?" mabilis kong hinablot ang samurai sa sahig at lumusob ulit kay Helen.
Pero napahinto naman ako kaagad ng itinutok ni Helen ang hawak na baril sa kay Amanda na may balak umatake.
"Wag!" nag-umpisa na ulit akong tumakbo pero mas mabilis pa ito.
Akma ko na sanang aagawin ang baril pero mabilis niya itong ipinutok. Hindi kay Amanda kundi saakin! What the hell!
BINABASA MO ANG
Swallowed By Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerComplete Standalone Novel -:- Gusto niyo bang malaman ang mga bagay na hindi gustong malaman ng iba? Everyone has their own personality but others hide it with a reasons! Ang natatanging mapagkakatiwalaan mo lang ay ang iyong sarili. How could you o...