Swallowed By Darkness
#9: Around the Campus
☆
-Marcus Point of View-
Makakahanap na naman ako ng chicks! I hate when im bored. Habang lumalakad ang lahat, si Selena at Trixie naman ay busy sa pagpakilala ng mga buildings na aming dinadaanan.
"Asan si Kacy?" tanong ni Amanda na mukhang alalang alala.
"Mag si-CR lang daw siya." tugon naman ni Stephanie.
Hahaha! "Worry much!" sigaw ko. Nagkatutukan ulit ang mata namin ni Amanda at pinaikot niya lamang ito. Supladita is her! Suplada na maldita pa!
Maldita at suplada siya saakin kaya minsan napaisip nalang ako na baka crush niya is me! Sa gwapo kung to? Pati Alien kikiligin. Hindi ako Feeler!
She's so--- Arghh! Wala talaga akong masasabi sa babae na to!
Isang tinig ang gumulat saamin. "Miss me!"
"Pinakaba mo kami Kacy, akala namin may nangyari na sayong masama!" sabi ni Amanda na mabilis yumakap.
"Over Acting, ikaw lang naman yung---" naputol na ang aking sasabihin ng mabilis niya akong kinurot sa tagiliran.
"Ewch! Erey! Enebeyen!"
"Oh ano na yung sasabihin mo Marcus Mc Capal?"
"Wa-Wala wala!" napangiwi nalang ako sa sakit ng aking tagiliran.
"Let's go! Bilisan na natin kasi konti lang ang oras at hindi pa tayo nangangalahati sa loob ng campus." pagputol ni Stephanie ng kadramahan. Si Miss Sungit talaga, Singit pala!
Masungit naman talaga lahat ng girls namin. Kaya kaming mga boys pa-chill chill lang kahit halata sa kagwapuhan. Humble is life!
☆
*FLASH-BACK (Kacy Hart's POV)*
Nagpaalam ako kay Stephanie na pupunta sa Comfort Room para magbawas pero ang pakay ko talaga ay kunin yung papel na ipinakita saakin ng lalaking pumatay sa estudyante kanina.
Habang ako'y naglalakad ay may naramdaman akong yapak ng paa na sumusunod saakin pero bawat lingon ko sa likuran ay wala naman akong nakikita kahit anino manlang o hayop.
Para yatang nagpapahinga ang ibang estudyante dahil kaunti lamang ang nahahagilap ko sa malayo. Napadaan nga ako sa C.R. at nanindig yung balahibo ko sa aking nakita, bumubulwak ang dugo sa loob ng palikuran at may nakapintang dugo sa pintuan nito habang may numero na nakasulat "77". Ito yung dorm number namin! Panshit!
Hindi ko na ito binigyan ng mahabang atensiyon at tumulin ako sa paglakad na parang hinahabol ni kamatayan. Try niya lang lumapit saakin para matikman niya ang impyernong version na mala Kacy Hart!
Nakarating na nga ako sa aking destinasiyon na humihingal sa kapaguran, sa basurahan! Agad kong hinukay at hinanap ang papel na inilagay dito ng killer na kasamahan ng kinakatakutang gang dito sa loob ng campus.
Pagkatapos kung makuha ang papel ay hindi ko na ito binasa pa at agad kung itinago sa bulsa. Tiningnan ko muna yung bintana ng kwarto ko na mahahagilap dito sa ibaba at lumakad papabalik sa aking mga kaibigan.
Habang papabalik na ako ay naramdaman kong may mga matang nagmamatyag sa aking mga galaw, hindi na isa kundi isang grupo na!
Nawala na yung takot ko nang makita ko ang barkada, nagpunas ako ng pawis at huminga ng malalim na parang walang nangyari.
BINABASA MO ANG
Swallowed By Darkness (Completed)
Mystery / ThrillerComplete Standalone Novel -:- Gusto niyo bang malaman ang mga bagay na hindi gustong malaman ng iba? Everyone has their own personality but others hide it with a reasons! Ang natatanging mapagkakatiwalaan mo lang ay ang iyong sarili. How could you o...